churlaloo

Si Pido, Ang Batang Engkantado

on December 13, 2011

(Maikling Istoryang Isinulat Ko Noong Grade 6 Ako o Higit-Kumulang Anim na Taon na ang Nakalilipas Bilang Isang Proyekto sa Filipino)

Sobrang haba nito, lagpas 6000 na salita, ang sipag ko talaga noong bata ako. Kung kaya ko lang sana magsulat ulit. Libre pagtawanan ito. Haha!

Si Pido, Ang Batang Engkantado

      Si Pido ay anak ng isang ordinaryong tao at isang makapangyarihang engkantado. Ang kanyang ina ay si Cely, isang mananahi at si Bahaghari na isang engkantado. Kung paano sila nagkakilala, malalaman niyo na. Hep-hep-hep! Teka muna! Wala pa! Hintayin niyo lang. Heto na!

        “ Cely, kumuha ka nga ng panahog sa gubat,” utos ni Aling Mercy. “ Oo na!” pagdadabog ni Cely. Habang naglalakad ay natanaw siya ng isang engkantado, si Bahaghari. Sinundan ni Bahaghari si Cely. Dahil sa kagandahan ni Cely ay nabighani si Bahaghari na isang mapaglarong engkantado. Nadapa si Bahaghari. “Aray!” wika ni Bahaghari kaya napansin siya ni Cely. “ Sino ba yung nadapa?” tanong ni Cely. Nagpakilala si Bahaghari kay Cely. “ Magandang Binibini, ano ang iyong pangalan?” tanong ni Bahaghari. “ Lumayo ka sa akin,” sabi ni Cely. “Huwag kang matakot, isa akong masama este mabuting engkantado,” tugon ni Bahaghari. “ Ako si Cely,” pagpapakilala niya, “ ikaw, ano ang pangalan mo?” “Ako si Bahaghari,” tugon niya. “ Ikinagagalak kong makilala ka,” tugon ni Cely. “ Pwede bang magpatulong maghanap ng panahog?” tanong ni Cely. “ Naku, hindi mo na kailangang maghanap,” sabi ni Bahaghari. “ Tseran! Ang dali di ba?” pagmamayabang ni Bahaghari. “ Nasaan ang hinahanap ko?” wika ni Cely, “ nag-iimbento ka lang yata eh.” “ Nasaan ang sinasabi mong kapangyarihan? Pinagloloko mo lang ako eh!” dagdag pa ni Cely. “ Sandali lang ito na,” sagot ni Bahaghari. “ Tseran! Ang dali di ba?” pagmamayabang ni Bahaghari. “ Maraming salamat. Magkita na lang tayo bukas. Paalam na, wika ni Cely. “ Paalam na rin,” sagot ni Bahaghari.

        Sa araw-araw na pagkikita ay nagkaibigan ang dalawa. “ Cely, may ipagtatapat ako sa iyo, mahal kita,” pagtatapat ni Bahaghari. “ Ako rin, Bahaghari,” wika ni Cely. Dumating ang araw na natuklasan ni Reyna Enkantusia ang pagiibigan ng dalawa. Pinamimili niya si Bahaghari kung ang pagiging engkantado o si Cely. “ Bahaghari, mamili ka ang pagiging engkantado o ang pagsama sa taga-lupa na iyan? Kung ang pipiliin mo ay ang pagiging engkantado, hindi mo na siya pwedeng Makita at kung si Cely ang pipiliin mo ay mawawala na sa iyo ang pagiging engkantado mo,” tanong ni Reyna Enkantusia. “ Pipiliin ko ang pagiging engkantado,” sagot ni Bahaghari. “ Maaari ka nang magpaalam kay Cely,” wika ni Reyna Enkantusia. “ Opo,” sagot ni Bahaghari.

        Pinuntahan nga ni Bahaghari si Cely. Nagpunta siya sa gubat na saktong-sakto ay namumulot ng mga panahog si Cely. “ Cely, hindi na kita maaaring Makita dahil sa pagpili ko sa pagiging engkantado. Paalam na Cely,” pagpapaalam ni Bahaghari. “ Iiwanan mo na ako?” tanong ni Cely. “ Oo, patawad,” tugon ni Bahaghari.

        Labis na hinagpis ang naramdaman ni Cely. Huli na nang malaman niya na nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Siya ay buntis. Minsan ay nagsuka si Cely at nakita siya ni Aling Mercy, ang kanyang ina. Tinanong ni Aling Mercy si Cely. “ Bakit ka nagsusuka?” tanong ni Aling Mercy. Hindi makatingin nang diretso si Cely kay Aling Mercy. Naisip na lang niya na sabihin sa kanyang ina ang totoo. “ Inay, buntis po ako,” pagtatapat ni Cely. “ Ano? Sino ang ama niyang dinadala mo?” tanong ni Aling Mercy. “ Si Bahaghari po, isang engkantado,” sagot niya. “ Ano?” pagkagulat ni Aling Mercy. Hinimatay si Aling Mercy dahil nagulat siya. “ Naku! Si Nanay paarte-arte pa diyan,” wika ni Cely. Dahil ayaw magising ni Aling Mercy ay binuhusan ni Cely ng malamig na tubig ang kanyang Nanay. “ Ano ba? Bastos ka!” sigaw ni Aling Mercy. At nasampal niya si Cely. “ Naku anak pasensya na nagulat lang ako,” wika ni Aling Mercy. “ Wala yun. Dapat nga ako pa ang humingi ng patawad dahil sa nagawa ko,” tugon ni Cely. “ Naku wala yun. Pabayaan mo na lang. Anak mo naman iyan at apo siya ng pinakamagandang lola sa mundo,” pagmamayabang ni Aling Mercy. “ Inay, masusuka na yata ako sa sinabi mo,” pang-aasar ni Cely. “ Kanino mo pa ba makukuha ang ganda mo? Eh, di sa akin rin,” hirit pa ni Aling Mercy. “ O, tama na iyan,” sabi ni Cely.

        Dumating na ang araw na manganganak na si Cely. “ Mga kapitbahay, tulungan niyo ako! Manganganak na ako!” sigaw ni Cely. Buti’y dumating si Neneng at tinulungan niya si Cely. Dinala ni Neneng sa ospital.

        Nanganak na si Cely. “ Misis, lalaki po ang anak ninyo” wika ni Dok. Doktor. “ Salamat naman at ligtas kaming dalawa! Wika ni Cely. “ Maiwanan ko na po kayo,” pagpapaalam ni Dok. Doktor. “ Ang ipangangalan ko sa iyo ay …… mmm … … PIDO,” wika ni Cely.

        Itinago ni Cely ang pagkatao ng ama ni Pido. Hindi niya ito ipinaalam. Si Pido ay lumaking isang normal na bata. Siya ay masayahin, pilyo, makulit, maharot at mapaglaro. Pagdating ng ika-limang kaarawan ay may nadiskubre si Pido. Meron siyang kakaibang kapangyarihan na hindi taglay ng kanyang mga kalaro.

        “ Inay, bakit ganun?” tanong niya, “ may kakaiba akong kapangyarihan?” “ Anak ka namin ng iyong Tatay,” pagpapaliwanag ni Cely. “ Ang iyong tatay ay isang engkantado,” wika ni Cely. “ Ibig sbihin, may kapangyarihan talaga ako? Yehey!” sigaw niya. “ Ngunit Pido, hindi mo iyan maaaring gamitin sa kalokohan at kasamaan,” wika ni Cely. “ Opo, Inay,” tugon ni Pido.

        Nang umalis na ang kanyang Nanay ay bumulong siya sa kanyang sarili. “ May kapangyarihan nga, hindi naman pwedeng gamitin sa kalokohan,” bulong ni Pido sa sarili.

        Lingid sa kaalaman ni Cely ay ginagamit ni Pido ang kanyang kapangyarihan sa kalokohan, kasamaan at pagyayabang. “ Hoy, kayo igagalang niyo ako simula ngayon,” sabi ni Pido sa mga kalaro niya. “ At bakit?” tugon ng kanyang mga kalaro. “ Dahil may mga kapangyarihan ako,” sagot niya. “ Maniwala kami sa iyo,” sagot ng kanyang mga kalaro. “ Ayaw niyong maniwala ha. Sige. Gagawin kitang PALAKA!” wika niya sa kanyang kalaro na si Bebot. Ngunit hindi nagging palaka si Bebot. “ O, ano yung sinasabi mong kapangyarihan?” tanong ni Bebot. “ Eh, pahiya!” wika ng iba pa niyang kalaro. “ Sandali lang, huwag kayong atat,” sagot niya. “ Gagawin kitang palaka,” wika ni Pido kay Bebot. Naging palaka nga si Bebot. “ O, naniniwala na ba kayo?” tanong ni Pido. “ Oo, Pido, pabalikin mo na siya sa kanyang dating anyo,” pagmamakaawa nila. “ Ano akala niyo sa akin, walang alam! Hindi no!” wika niya, “ simula ngayon tatawagin niyo na akong Sir Pido. Hindi! Pangit pakinggan. Ahhh… mmm… MASTER PIDO! Oo, tama, MASTER PIDO. Naiintindihan niyo ba?” “ Opo, Master Pido,” sagot nila. “ Sige, ibabalik ko na si Bebot sa dati niyang anyo,” wika niya. At ibinalik na niya sa dati si Bebot.

        Dahil nayabangan ang mga kalaro ni Pido sa kanya, nagsumbong sila kay Aling Cely. Kumulo ang dugo ni Cely at kumuha siya ng itak. “ Nasaan na ang batang iyon? Mapapatay ko na yata,” sabi ni Cely. Pinakalma nila si Cely. “ Aling Cely dahan-dahan lang po, ang puso niyo. Huminahon lang po kayo. Kul lang po kayo,” wika nila.

        Pagdating ni Pido sa bahay ay nakangisi siya. Nang Makita siya ng kanyang Nanay ay tinalakan at pinagalitan siya. “ Di ba kabilin-bilinan ko sa iyo na huwag mong gagamitin sa hindi magandang paraan ang iyong kapangyarihan!” pagtatalak ni Cely kay Pido. “ Ginawa ko iyon upang hindi nila ako apihin,” palusot ni Pido. “ Wala ng mga eksplanasyon,” sabi ni Cely. “ Ah ganon ha?” wika ni Pido. Dahil napagalitan siya, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang maglakad ang kanyang Nanay na walang patutunguhan.

        Dahil doon nabundol si Cely ng isang kotse. Dahil doon nabagok ang ulo ni Cely kaya hinimatay siya.

        Nang magkamalay siya, wala na siyang maalala.

        Ang nakabundol sa kanya ay isang hamak na biyudong lalaki. Dahil naakit siya kay Cely, pinaniwalaan niyang siya ang kanyang kasintahan. Binago rin niya ang pangalan ni Cely. “ Sino ako? Nasaan ako? Ano ang pangalan ko?” tanong ni Cely. “ Mahql kong Sarah, ako si Vaughn, ang iyong kasintahan,” sagot niya. “ Nasaan ako?” tanong ni Cely. “ Nandito ka sa aking bahay,” tugon ni Vaughn.

        Sa kabilang banda, si Pido ay naiwan sa puder ng kanyang Lola, si Aling Mercy. Nagsisi siya sa ginawa niya sa kanyang Ina. “ Dapat hindi ko iyon ginawa kay Nanay. Nagsisisi na ako. Gusto ko na siyang makita,” hiling niya. “ Ngunit paano ko siya makikita?” tanong niya sa sarili. “ Alam ko na! Kakausapin ko si Itay,” wika niya. “ Paano iyan? Wala naman akong alam na impormasyon tungkol kay Itay,” bulong niya sa sarili. “ Ano kaya gagawin ko?” tanong niya sa sarili. “ Ahhh… mmm… alam ko na! Magtatanong ako kay Lola at baka may nalalaman siya tunkol kay Tatay,” pag-iisip-isip niya.

        Tumungo siya kay Aling Mercy upang magtanong. “ Lola, ano po ba ang pangalan ni Itay?” tanong niya. “ Ah… si… Ba… Bahaghari!” sagot ni Aling Mercy. “ Lola, paano ko po siya makakausap?” tanong ni Pido. “ Nabanggit dati sa akin ni Cely na kailangan mong masagot ang tanong ng matalino at wais na ermitanyo na nagbabantay sa Encantasia,” wika ni Mercy. “ Bago makapunta doon ay kailangan momg malagpasan ang tatlong pagsubok,” dagdag pa ni Aling Mercy. “ Anu-ano po ba ang mga pagsubok na kailangang pagdaanan?” tanong ni Pido. “ Iyan ang hindi ko alam,” tugon ni Aling Mercy. “ Lola may mapa po ba kayo diyan na makakatulong sa aking paglalakbay?” tanong ni Pido. “ Aba, meron ako, siyempre,” wika ni Mercy, “ ako pa!”

        “ Lola, maaari ko po bang hingin ang mapa?” tanong ni Pido. “ Siyempre, eh malakas ka kay Lola,” sagot ni Mercy. “ Naku, maraming salamat talaga, Lola!” tugon ni Pido. “ Kunin mo sa baul ang mapa,” utos ni Mercy. “ Opo,” sagot ni Pido.

        Nag-ayos na si Pido ng mga bagay-bagay na kailangan niya sa paglalakbay.

Kinabukasan, nagsimula na siya maglakbay patungo sa Encantasia upang magtanong sa kanyang ama.

        Sa kabilang banda, nabighani rin si Cely kay Vaughn dahil isa siyang makisig na lalaki. Nagtapat na ng pag-ibig si Vaughn kay Cely. “ Sarah, maaari ko na bang mahingi ang iyong kamay?” tanong ni Vaughn. “ Huwag muna tayong magmadali. Pwede bang bigyan mo muna ako ng panahon upang mag-isip?” tanong ni Cely. “ Sige,” tugon ni Vaughn.

        Umalis muna si Vaughn. “ Kasi naman eh. Nagpakipot pa ako. Naku! Hayaan mo na lang para may thrill, suspense at excitement. Pahihirapan ko na lang muna siya,” bulong ni Cely sa sarili.

        Lingid sa kaalaman ni Cely ay isang mambabarang si Vaughn. Si Vaughn ay isang mangkukulam na bakla. Huli na nang malaman ni Cely ito. “ Minsa’y nasa kuwarto si Vaughn. Dahan-dahang sosorpresahin ni Cely si Vaughn ngunit iba ang nakita niya. Si Vaughn ay nasa harap ng salamin at nagsasabing, “ GLORY MARY, GLORY MARY, magpakita ka sa akin.” “ Vaughn, mali naman ang sinasabi mo eh. Hindi Glory Mary noh? Haler!” paliwanag ni Cely. “ Sarah, ganito talaga kaming mga bakla, nag-iimbento ng bago,” sagot ni Vaughn. “ Ano? Bakla ka?” tanong ni Cely. “ Hala! Nadulas ako! Oo, BAKLA ako, Sarah,” sagot ni Vaughn. “ Niloko mo lang ako!” sigaw ni Cely. “ Sarah, patawarin mo ako. Para makabawi ako sa iyo, memeyk-apan na lang kita,” sabi ni Vaughn. “ Nyek!” pagkagulat ni Cely. “ Ano ba talaga ang nangyari sa akin?” tanong ni Cely.

        Ikinuwento ni Vaughn ang nangyari noon.

        “ Vaughn, salamat at ikinuwento mo ang totoong nangyari. Pwede mo ba akong tulungang malaman ang nakaraan ko? Kasi bakit ka ba nagsinungaling sa akin?” tanong ni Cely. “ Ang ganda mo kasi, masarap meyk-apan,” sagot ni Vaughn. “ Ano ba talaga ang pangalan ko, Sarah ba talaga?” tanong ni Cely. “ Malay ko, inimbento ko lang yun noh! Haler!” sagot ni Vaughn. “ Paano ko malalaman yung totoo kong pangalan at kung sino ba talaga ako?” tanong ni Cely kay Vaughn. “ Eh di magtanong-tanong ka sa mga taong madadaanan mo,” payo ni Vaughn. “ Eh di mukha naman akong luka non,” tugon ni Cely.

        Nag-iisip pa rin sila ng paraan.

        Sa kabilang banda, natagpuan na ni Pido ang daang papuntang Encantasia dahil may nakapaskil na karatula sa isang puno na nagsasaad “ Simula ng daan papuntang Encantasia.” Ang puno kung saan nakapaskil ang karatulang ito ay nasa gitna ng gubat. “ Hay, salamat nandito na ako sa daan papuntang Encantasia,” sabi ni Pido sa sarili. Ngunit pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, may biglang lumabas na taong putik galing sa ilalim ng lupa. Basa ang lupa dahil umulan. “ Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin? Huwag mo akong sasaktan,” wika ni Pido habang nanginginig. “ Ako si Luwad, ang taong putik. Isa ako sa mga pagsubok na kailangan mong harapin at matalo upang makapasok ka sa Encantasia,” sagot ni Luwad. “ Aba, yakang-yaka kaya kita noh! Chicken na chicken ka lang sa akin noh!” pagmamayabang ni Pido kahit natatakot siya. “ Ahh…, ganon ha…, sige masubukan nga ang lakas mo. Napakayabang mo kasi eh,” galit na tugon ni Luwad. “ Sige ba. Tinatakot mo lang ako eh,” pagmamayabang ni Pido. “ Sige, kailangan mo akong matalo sa isang labanan upang makapagpatuloy ka na sa iyong patutunguhan,” wika ni Luwad. “ Lagot na ko,” bulong ni Pido sa kanyang sarili. “ Sige, magsimula na tayo,” paghahamon ni Luwad. “ Pwede bang umatras?” tanong ni Pido. “ Hindi na. Magsimula na tayo,” wika ni Luwad. “ Sige na nga, payag na ako,” sagot ni Pido.

        Nagsimula na ang labanan sa pagitan ni Luwad at Pido. Sa una’y dehado si Luwad kay pido dahil sa bilis nitong umilag sa mga tira niya. Ngunit pinagbibigyan lang ni Luwad si Pido. Ipapakita na ni Luwad ang kanyang kapangyarihan. “ O, ano talo ka na?” tanong ni Pido. “ Madali ka lang palang talunin eh,” dagdag pa niya. “ Akala mo lang yun. Pinagbibigyan lang kita. Ipapakita ko na sa iyo ang tunay kong lakas,” wika ni Luwad. “ Lagot na ako, hanggang yabang lang naman ako eh,” bulong ni Pido sa sarili. Dahil inilabas na ni Luwad ang lahat ng kanyang kapangyarihan, kuminang ang hiyas na nasa katawan niya na siyang nagbibigay ng kanyang lakas. Nakita iyon ni Pido at tinanong niya ang kanyang sarili, “ Ano yung kumikinang?” Napag-isip-isip ni Pido na doon kumukuha ng lakas at kapangyarihan si Luwad. “ Siguro, doon kumukuha ng lakas si Luwad,” sabi niya sa sarili. Kinuha niya iyon ng patago habang naglalaban sila ni Luwad. Bigla na lang nalusaw si Luwad. “ Bakit ako nalulusaw? tanong ni Luwad sa sarili. “ Ito ba ang hinahanap mo?” tanong ni Pido habang nakangisi. “ Bakit mo kinuha iyan? Diyan ako kumukuha ng lakas,” sigaw ni Luwad. “ Buti na lang kinuha ko. Hehehe!!!” pagmamayabang ni Pido. “ Tanggap ko na ang aking pagkatalo. Itago mo iyan at magagamit mo iyan sa mga susunod na pagsubok,” wika ni Luwad. “ Salamat din. Paalam na,” pagpapaalam ni Pido.

        Bumalik na si Luwad sa ilalim ng lupa.

        Nalagpasan na ni Pido ang unang pagsubok ngunit may dalawa pang natitira upang marating niya ang matandang ermitanyo na siyang nagbabantay sa pintuan ng Encantasia.

        Sa kanyang paglalakad-lakad ay nakakita siya ng isang mayabong na puno. Nagpahinga muna siya doon. Kumain siya at pagkatapos ay natulog. Habang siya ay mahimbing na natutulog, may biglang kumaluskos. Nagising siya hindi dahil sa mga kaluskos kundi dahil sa mga kagat ng lamok. Sa kanyang pagkabigla, napalilibutan na pala siya ng mga maaamong hayop. Nagsalita ang mga hayop. “ Ang pangalawa mong pagsubok ay ang matalo ang aming pinuno,” wika ng mga hayop. “ Sino ba ang inyong pinuno?” tanong ni Pido. “ Si Alexander, ang matapang na lobo,” sagot ng mga hayop. “ Nasaan siya?” tanong ni Pido. “ Nandoon siya sa puno ng kamatsile. Halika, sundan mo kami,” sagot ng mga hayop.

        Sumunod si Pido sa mga hayop. Nakarating na sila sa puno ng kamatsile. Nagulat si Pido dahil ang laki ng makakalaban niya. “ Lagot na ako nito. Paano ko siya matatalo?” bulong ni Pido sa sarili. “ Siya ba ang nangangahas na pumasok sa Encantasia? Pwes, hindi kita hahayaan na pumasok sa Encantasia,” wika ni Alexander. “ Ang yabang mo naman! Porket, malaki ka lang eh, napakayabang mo na,” bulong ni Pido sa sarili.  Si Alexander ay naghamon ng isang laban. “ Ikaw na isang hamak na tao na nangangahas na pumasok sa Encantasia, kailangan mo muna akong matalo sa isang labanan,” wika ni Alexander. “ Sige ba, yun lang pala eh,” sagot ni Pido kahit natatakot siya. Alam ni Pido na dehado siya kaya nag-isip siya ng paraan. Naisip niya na maaaring matalo niya si Alexander kung gagamitin niya ang hiyas na galing kay Luwad. Nagkunyari muna siyang natatalo. Tsaka niya gagamitin ang hiyas. “ Talo na ako sa iyo,” wika ni Pido. “ Buti at tinanggap mo ang iyong pagkatalo,” wika ni Alexander. Tumalikod na si Alexander kay Pido. “ Sandali lang, humarap ka lang dito,” wika ni Pido. Pagkaharap ni Alexander ay itinapat ni Pido ang hiyas kay Alexander. Bigla na lang tumumba at natalo si Alexander. “ Nasa iyo pala ang hiyas ni Luwad,” wika niya. “ Oo, natalo ko kasi si Luwad,” sagot ni Pido. “ Sige, maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay. Ngayon pa lang ako nakaharap ng isang nilalang na katulad mo. Ikaw pa lang ang nakatalo sa akin,” wika ni Alexander. “ Ang galing ko talaga,” pagmamayabang ni Pido. “ Heto ang isa pang hiyas na magagamit mo sa susunod na pagsubok,” wika ni Alexander. “ Salamat at paalam na rin,” wika ni Pido.

        “ Hay, salamat at natapos ko na ang ikalawang pagsubok,” sabi ni Pido sa sarili habang naglalakad.

        Nang kumagat na ang dilim, narating niya ang isang pintuan na may nakapaskil “ Ikatlong Pagsubok: Marating ang dulo ng daan na ito.” “ Ano ba iyan may padikit-dikit pa sa pintuan. Natulog muna siya malapit sa pintuan at siya ay maglalakbay pagdating ng bukang-liwayway.

        Pagkagising niya ay bukang-liwayway na. Binuksan ni Pido ang pinto at hinigop siya nito. “ Ano ba naman ito? Nanghihigop pa. Nakakagulat anman. Grabe ang daming effects na ginamit, ano ito Mulawin?” wika ni Pido.

        Naglakad-lakad siya at nakita niya ang isang lumang tren. Nakapaskil dito ay  “Sumakay ka nang magkasubukan.” Sumakay si Pido. Sa unahan siya sumakay. Pag-upo niya ay biglang umandar ang tren at gumalaw ang mga panakot sa loob. “ Naku, sanay na ako sumakay nitong horror train kasi naman lagi ako sumasakay ng ganito sa perya,’ sabi niya sa sarili.

        Nagulat na lang siya dahil talagang nakakatakot sa loob. Hindi ito isang ordinaryong horror train dahil hindi ito basta-basta. Lahat na ng mga masasamang espiritu at multo ay nandoon. Ngunit hindi peke ang mga panakot na ito, ngunit totoo. “ Grabe akala ko hindi nakakatakot, hihimatayin yata ako. Mukhang galing pa ang mga panakot na ito sa iba’t ibang ghost stories,” bulong ni Pido habang nanginginig. Nag-isip siya kung paano niya haharapin ang takot. Naalala niya ang dalawang hiyas na naipon niya. “ Hahawakan ko na lang ang dalawang hiyas na ito at baka hindi ako matakot habang nandito ako,” sabi ni Pido sa sarili kahit nanginginig siya sa takot. Ngunit hindi pa rin nawala ang takot niya. Lalo lang sumidhi ang takot niya.

        “ Wala naman palang epekto itong mga hiyas na ito. Maitapon na lang kaya,” wika ni Pido. Itinapon nga niya ang dalawang hiyas paharap. Nagulat na lang siya dahil biglang huminto ang tren. Bumaba siya ng tren at naglakad. Nawala rin ang mga panakot sa loob. “ Ano kaya ang nangyari dito?” tanong ni Pido sa sarili. Bigla na lang siyang nasilaw ng lumiko siya. Napakatingkad ng ilaw kaya’t hindi niya maibuka ang kanyang mga mata. “ Ano ba itong ilaw na ito?” wika ni Pido. Bigla na lang nawala ang ilaw at may isang batang lumabas. “ Sino ka bata? At ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Pido. “ Ako ang tagapagbantay ng tren na siyang magdadala sa iyo sa daan papunta sa matandang ermitanyo. Ako si Sekyuzam,” wika ni Sekyuzam. “ Pangalan ba iyon?” tanong ni Pido kay Sekyuzam. “ Aba, meron katulad ng pangalan ko,” sagot ni Sekyuzam. “ Ang korni kasi ng pangalan mo eh,” sabi ni Pido kay Sekyuzam. “ Nalagpasan mo na ang pangatlong pagsubok. Maaari ka na magpatuloy sa paglalakbay mo tungo sa matandang ermiyanyo na siyang magbabantay sa pintuan ng Encantasia. Humayo ka na,” wika ni Sekyuzam. “ Sige, paalam na,”  pagpa        paalam ni Pido kay Sekyuzam. “ Teka lang! Alam mo bang ikaw palang ang mnakalagpas dito na isang ordinaryong tao,” dagdag ni Sekyuzam. “ Hehehe… Magaling ako eh,” pang-aasar ni Pido. “ Heto ang hiyas na makatutulong sa iyo,” wika ni Sekyuzam. “ Salamat,” sagot ni Pido.

        Lumabas na ng pinto si Pido at nagulat siya dahil napalilibutan siya ng mga puno, bulaklak at mga diwata. “ Nalagpasan mo na ang tatlong pagsubok,” wika ng mga diwata. Dumeretso lang si Pido sa paglalakad. Kumagat na ang dilim. Natulog muna si Pido sa isang puno.

        Nang tumagos na ang sikat ng araw sa mata ni Pido ay nagising na siya. Nakapalibot pa rin ang mga diwata sa kanya. “ Ituro niyo sa akin ang daan ha,” sabi ni Pido sa mga diwata. “ Oo, dahil kami ang iyong mga bantay,” sagot ng mga diwata.

        Pagkaraan ng pitong oras ay narating na niya ang kweba kung nakatira ang matandang ermitanyo, si Uweng.

        “ Iiwanan ka na namin dito dahil ipinagbabawal ang mga diwata sa loob,” wika ng mga diwata. “ O, sige,” sagot ni Pido.

        Pumasok na si Pido sa kweba. Madilim sa kweba kaya dahan-dahan lang siyang naglakad. Bigla na lang nabuhay ang mga apoy sa mga gasera. Nagulat si Pido. “ Nakakagulat naman. Panahon pa yata ni Kopong-Kopong ang kweba na ito eh,” sabi ni Pido. Bigla na lang may lumabas at nagsalita. “ Bakit ka nandito?” tanong ni Uweng kay Pido. “ Gusto ko po kasi pumasok sa Encantasia,” sagot ni Pido. “ Kailangan mo munang masagot ang tanong ko sa iyo,” tugon ni Uweng. “ Ano ba ang tanong na iyan?” tanong ni Pido kay Uweng. “ May limang anak ang tatay ni Maria. Sila ay sina ChaCha, CheChe, ChiChi, ChoCho at si __________. Sino ang panglima niyang anak?” tanong ni Ka Uweng. “ Hay naku, wala kang originality Tatang eh,” pagmamayabang ni Pido. “ Bakit naman? tanong ni Uweng. “ Eh, galing sa LG Quiz yan eh. Yung sa Channel 7. Napanood ko na yan eh. Kapuso ako noh!” tugon ni Pido. “ Pareho pala tayo. Totoo ang sinabi ko inaamin ko,” sagot ni Uweng. “ Sagutin mo muna ang tanong ko bago ka makapasok sa Encantasia,” dagadag pa ni Uweng. “ Eh di si Maria. Ang dali naman niyang tanong mo,” tugon ni Pido. “ Tama, maaari ka nang pumasok sa Encantasia. “ Sige, salamat,” tugon ni Pido.

        Binuksan na ni Pido ang pinto ng Encantasia. Pumasok na siya rito at pinuntahan niya ang mga engkantada. Nagtanong siya, “ Nasaan po ba si Tatay Bahaghari?” “ Sino ka at bakit mo hinahanap si Bahaghari?” tanong ng isa sa mga engkantada, si Anang. “ Ako si Pido, ang anak ni Bahaghari kay Cely na taga-lupa,” sagot ni Pido.

        “ Sandali lang at tatawagin ko si bahaghari,” sagot ni Anang. “ Sige maghihintay ako rito, “ tugon ni Pido.

        Tinawag nga ng isa sa mga engkantada si Bahaghari. “ Bahaghari, may batang naghahanap sa iyo. Anak mo raw siya kay Ce… Cely,” sabi ni Anang. “ O,sige, pupuntahan ko na siya,” tugon naman ni Bahaghari. “ Sundan mo ako para makita mo siya,” dagdag pa ni Anang.

        Sinundan nga ni Bahaghari si Anang. “ Sige, iwanan mo na kaming dalawa rito,” pakiusap ni Bahaghari kay Anang. “ Sino ka at bakit mo ako hinahanap?” tanong ni Bahaghari kay Pido. “ Ako si Pido, ang anak niyo ni Nanay Cely, tugon ni Pido. “ Ano ang kailangan mo sa akin? tanong ni Bahaghari. “ gusto kong maibalik si Inay sa aming bahay,” sagot ni Pido. “ Ako na ang bahala doon. Huwag mo na lang alalahanin ang problemang iyan. Ako ang lulutas ng problemang iyan. Ngunit kung hindi ko pa nagagawa ang dapat kong gawin pagkatapos ng limang araw, tawagin mo lang ang aking pangalan ng tatlong beses at pumito ka ng tatlong beses at susulpot ako,” wika ni Bahaghari. “ Salamat, Itay. Basta huwag mong kakalimutan ha. Huwag kang gagaya kay Inay ulyanin na daig pa si Lola Mercy sa pagkaulyanin. Mauna na po ako,” sabi ni Pido. “ Sige,” sagot ni Bahaghari. “ Teka Tay, ngunit paano ako makakalabas ng Encantasia?” tanong ni Pido sa ama. “ May tren diyan na diretso na sa bukana ng gubat,” sagot ni Bahaghari. “ Ano? Horror train uli?” sigaw ni Pido. “ Hindi, tren talaga iyan para makarating sa bukana ng gubat,” sagot ni Bahaghari. “ Hay, salamat, akala ko horror train uli eh,” wika ni Pido. “ Saan po ba yung tren?” tanong ni Pido. “ Sa tabi lamang ng pinto ng Encantasia,” tugon ni Bahaghari. “ Paalam na!” pagpapaalam ni Pido.

        Nilakad na ni Pido ang tren at natagpuan nga niya ito. Sumakay siya sa likuran dahil nadala na siya lumagay sa unahan. Bigla na lang bumukas ang mga ilaw at umandar ang tren. Napakabilis ng takbo ng tren kaya possible na mabilis lang siya makarating sa gubat. Nakatulog siya pagkatapos lumapat ang kanyang likod sa sandalan ng upuan. Pagkatapos ng dalawang oras ay nagising siya at saktong-sakto na dumating ang tren sa bukana ng gubat.

        Bumaba na siya pagkahinto ng tren. “ Hay, salamat, tapos na ang biyahe na tren na ito nahihilo na ako sa bilis ng takbo ng tren na ito,” sabi ni Pido sa sarili. Naglakad na si Pido papunta sa bahay nila. Pagkatapos ng tatlong oras ay narating na ni Pido ang kanilang bahay. “ Sa wakes narating ko na rin ang aming bahay,” bulong niya sa sarili.

        “ Lola Mercy, heto na ako!” sigaw ni Pido. Nung panahon na iyon ay nagluluto si Aling Mercy ng  niya. Napaluha si Aling Mercy ng Makita niya si Pido. “ Buti na lang at nakauwi ka na. Ang tagal kitang hinintay,” wika ni Aling Mercy. “ Lola, kain na tayo. Nagugutom na ako eh,’ wika ni Pido.

        Kumain na silang dalawa. Ikinuwento ni Pido ang mga pagsubok at landas na pinagdaanan niya. Hindi makapaniwala si Mercy sa mga ikinuwento ni Pido dahil hindi niya akalain na ang kanyang apo na isang paslit pa lamang ay malalagpasan ang mga pagsubok. “ Naku! Napakagaling talaga ng apo ko!” sigaw niya.

        Sinabi niya sa kanyang Lola ang tungkol sa ipinangako sa kanya ni Bahaghari.

        Nang sumapit na ang ika-anim na araw ay wala pa ring nangyayari kaya tinawag niya si Bahaghari. “ Bahaghari, Bahaghari, Bahaghari,” wika niya. At pumito siya ng tatlong beses pagkatapos niyang sabihin iyon. Dagli-dagling lumabas si Bahaghari. Kinausap ni Pido si Bahaghari. “ Tay, ika-anim na araw na ngayon ngunit wala pa ring nangyayari,” wika niya. “ Anak, may malaki kasing problema sa Encantasia kaya hindi ko naasikaso ang problema mo. Ngunit dahil tapos na ang problema sa Encantasia, gagawin ko na ang ipinangako ko sa iyo,” tugon niya. “ O, sige maghihintay ako hanggang sa susunod na lingo,” sabi ni Pido. “ Sige, sang-ayon ako sa iyo,” wika ni Pido.

        Umuwi na sa Encantasia si Bahaghari at pumunta na si Pido sa kanilang bahay upang magpahinga. Pagdating sa Encantasia ay inasikaso na ni Bahaghari ang problema. Sinilip na niya sa Ilog ng Encantasia ang nangyayari kay Cely. Nakita niya si Cely kasama ang kaibigan niyang bakla. Naisip niya na kontrolin ang isip ni Cely upang maibalik na niya siya sa  bahay nila Pido at bumalik ang kanyang alaala.

        Ipinasok niya sa utak ni Cely na maging masipag muna siya ngayong araw na ito sa paglilinis ng bahay. At ang partikular na lilinisan niya ay ang hagdanan.

        Nakahiga si Cely nang ipasok ni Bahaghari sa kanyang utak ang kanyang dapat gawin.

        “ Bakit ganoon? Parang may nagdidikta sa utak ko kung ano ang dapat gawin. Parang bigla yatang pumasok sa utak ko na kailangang maglinis ng bahay lalo na ang hagdanan? Naku, hayaan mo na lang, sinisipag yata ako ngayon eh. Maglilinis na nga ako,” wika niya sa sarili.

        Inuna niya ang paglilinis sa 2nd floor pababa. Nang maglilinis na siya ng hagdanan, kinuha niya ang floorwax upang kumintab ito. Pagkatapos niya mag-floorwax ay isinoli na niya ito sa 2nd floor. Pagbaba niya upang linisin ang 1st floor ay nadulas siya dahil sa sobrang dulas ng floor.

        Nagpagulung-gulong siya sa hagdanan kaya nabagok ang kanyang ulo. Nang huminto na siya sa paggulong ay duguan siya. Saktong-sakto na dumating si Vaughn galing sa kanyang parlor shop.

Dinala ni Vaughn sa ospital si Sarah.

Nang natingnan na siya ni Dok. Tangengot ay sinabi na nito kay Vaughn ang kalagayan ni Cely. “ Maayos naman ang kanyang kalagayan. Maaari siyang magka-amnesia kapag nagkaroon na siya ng malay,” wika ni Dok. Tangengot. “ Ngunit Dok nagka-amnesia na siya dati at ako lang ang umampon sa kanya dahil wala siyang maalala. Ano yun magkaka-amnesia uli siya?” tanong ni Vaughn. “ Hindi na. Maaaring bumalik na ang kanyang alaala sa nakaraan,” tugon ni Dok. Tangengot.

“ Hay, salamat at babalik na ang kanyang alaala!” sigaw ni Vaughn. “ Hintayin mo na lang ang pagbalik ng kanyang malay,” wika ni Dok. Tangengot.

Hinintay ni Vaughn na magkamalay si Cely. Kinaumagahan ay nagkamalay na si Cely. “ Vaughn, naaalala ko na ang lahat ng aking nakaraan,” wika ni Cely. “ Sige, kapag nakalabas ka na ng ospital ay dadalhin na kita sa iyong tirahan,” tugon ni Vaughn. “ Salamat talaga, Vaughn,” pasasalamat ni Cely. “ O, ano ang pangalan mo?” tanong ni Vaughn. “ Cely ang tunay kong pangalan,” sagot niya. “ Sige, magpahinga ka na,” sabi ni Vaughn.

Ngunit dahil hindi pa nakakalabas si Cely pagkaraan ng isang linggo kaya hindi uli natupad ang ipinangako ni Bahaghari kay Pido.

Nag-alala uli si Pido dahil baka kinalimutan uli ni Bahaghari ang kanyang pangako kaya tatawagin niya uli ito. “ Bahaghari, Bahaghari, Bahaghari,” wika niya at pumito siya ng tatlong beses. Sumulpot na sa ere si Bahaghari at alam na niya na tatanungin siya ni Pido kung bakit wala pa rin si Cely kaya binungaran na niya si Pido ng paliwanag. “ Pido, hindi pa lumalabas ng ospital ang Nanay mo dahil nabagok ang kanyang ulo. Kailangan talagang mabagok ang kanyang ulo upang maalala niya ang nakaraan na nakalimutan na niya dahil nabundol siya,” paliwanag niya. “ Sige, maghihintay lang kami ni Lola Mercy dito,” sagot ni Pido. “ Sige, paalam na dahil aasikasuhin ko pa ang problemang gusto mong malutas. Tawagin mo na lang ako kung may problema ka,” pamamaalam ni Bahaghari. “ Sige, paalam na rin,” tugon ni Pido.

Pagdating ni Bahaghari sa Encantasia ay sinalubong siya ng talak ni Reyna Encantusia. Nadiskubre na ni Reyna Encantusia ang ginagawa ni Bahaghari kaya hindi na niya nagagampanan ang pagkaengkantado mo. “ Huwag mo ng pakialamanan ang buhay ng mga taga-lupa. Kung ayaw mong tigilan ang ginagawa mo eh, hindi ka na makakapasok sa Encantasia, hindi ka na engkantado at mawawalan ka ng kapangyarihan,” talak ni Reyna Encantusia. “ Opo, Reyna Encantusia,” sagot ni Bahaghari.

Ngunit hindi pa rin ito tinigilan ang pagtulong kay Pido. Ginagawa niya ito ng palihim upang hindi na uli siya mapagalitan.

Dumating na ang araw ng paglabas sa ospital ni Cely. Pagkatapos niyang lumabas ng ospital ay nagpahinga pa siya sa bahay ni Vaughn upang magkaroon siya ng enerhiya sa paglalakbay kinabukasan. “ Magpapahinga muna ako upang may lakas ako sa ating paglalakbay kinabukasan,” wika ni Cely. “ Oo ba,” sagot ni Vaughn.

Kinabukasan ng umaga ay nagsimula na silang maglakbay. Pagkatapos ng dose oras ay narating na nila ang bahay nila. “ Pido, anak heto na si Inay!” sigaw niya. “ Nanay, nandito na po ako!” sigaw ni Cely.

Dagli-dagling lumabas ng bahay si Pido at si Mercy upang tinganan kung si Cely nga talaga ang tumatawag. Nagulat na lang sila dahil talagang si Cely ang tumatawag sa kanila. Parang reunion ang naganap.

“ Nanay, buti na lang at tinulungan ako ni Tatay Bahaghari na ibalik ka dito. Patawarin mo sana ako dahil nagging suwail akong anak. Ipinapangako na hindi ko na po iyon uulitin,” wika ni Pido kahita nahihiya. “ Oo, pinatawad na kita kasi hindi ko naman matiis na hayaan ka lang. Ano uli ang ginawa ng tatay mo at nagpapasalamat ka?” wika ni Cely. “ Dahil hindi ka na namin nakita, humingi ako ng tulong kay Tatay,’ sagot niya. “ Ngunit paano mo siya napuntahan sa Encantasia?” tanong uli ni Cely. “ Nagtanong po ako ng mga impormsyong nalalaman ni Lola tungkol kay Tatay,” sagot niya. “ Ah, ganon pala. Paano mo nalagpasan ang mga pagsubok na nakahanda sa daan patungong Encantasia?” tanong ni Cely. “ Nanay, mahabang kwento tsaka ko na lang ikukuwento basta kaya ko nagawa iyon, siyempre magaling ako,” sagot niya. “ Maiba tayo ng usapan, sino yang kasama mong bakla?” tanong ni Aling Mercy. “ Ah, siya po ang nakabundol sa akin at kumupkop sa akin habang wala akong maalala,” sagot ni Cely. “ Naku, salamat ha, buti na lang nandyan ka. Bakit Cely wala ka bang naalala?” wika ni Aling Mercy. “ Opo, dahil nga po nabundol ako kaya nabagok ang aking ulo, Nanay,” tugon ni Cely. “ Ah, ganon ba. Pumasok na kayo sa loob at magmerienda,” wika ni Aling Mercy. “ Naku, huwag na po. Uuwi na po kasi ako sa bahay,” tugon ni Vaughn. “ O, sige. Mag-ingat ka at salamat talaga ha,” wika ni Aling Mercy. “ Mauna na po ako. Paalam na,” wika ni Vaughn. Sumakay na si Vaughn sa kanyang sasakyan at umalis na siya. “ Paalam na! sigaw nila Pido, Mercy at Cely.

Sa kabilang banda, nahuli uli ni Reyna Encantusia si Bahaghari na tinutulungan ang mga taga-lupa. “ Nahuli na naman kita. Ngayon talagang kailangan mo nang mamili kung ang mga taga-lupa na iyan o ang pagiging engkantado mo?” tanong ni Reyna Encantusia. “ Kung dati ay pinili ko ang pagiging engkantado, pipiliin ko na ngayon ang pagsama sa mga taga-lupa dahil nandun ang aking anak pati na ang kanyang Nanay,” sagot niya. “ Kung ganon ay tatanggalin ko na ang iyong mga kapangyarihan at maaari ka nang sumama sa mga taga-lupang iyon.

Tinanggal na nga ni Reyna Encantusia ang kanyang mga kapangyarihan at tinanggal na niya ang mga alaala ni Bahaghari tungkol sa Encantasia. Tinira lang nito ang alaala na itinakwil niya ang kanyang mga kapangyarihan. Pinasakay siya sa tren at pinapunta sa bahay nila Cely.

Kumatok siya at sumigaw, “ Pido at Cely, heto na ako!” Nabigla ang tatlo kay lumabas sila at laking gulat niya na si Bahaghari nga ang nasa labas. “ Buti na lang at magsasama na tayong buong pamilya,” wika ni Cely. “ Oo nga eh. At salamat rin na buo na ang ating pamilya,” sagot ni Bahaghari. “ Ngunit paano na ang pagiging engkantado mo?” tanong ni Cely. “ Tinalikuran ko na iyon dahil ayaw ko nang matulad ang nangyari non sa ngayon,” sagot niya. “ Halika na sa loob at kumain na lang tayo,” yaya ni Mercy. “ Salamat po, Nanay Mercy.

Pumasok na sila sa loob at simula noon ay wala na silang naikwentro na mga matitinding problema. Nakakaranas nga sila ng mga problema ngunit ito ay nalulutas nila agad.

Lumaki si Pido bilang isang mabuting bata. Lahat ng masasamang ugali niya dati ay binago na niya.

Dumating na ang ika-labingwalo niyang kaarawan. Noong araw na iyon ay nakilala siyang isang magandang babae, si Florence. Napangasawa na ni Pido si Florence nung sila ay dalawampu’t limang taong gulang na. Noon na lang ipinagtapat ni Florence na siya ay isang engkantada rin. “ Pido, may ipagtatapat ako sa iyo. Ako ay isang engkantada. Nagustuhan kita dahil alam ko na isa ka ring engkantado,” pagtatapat ni Florence. “ Naku, ok lang yun alam ko rin naman na isa ka ring engkantada,” sagot ni Pido.

Namuhay sila ng masaya hanggang isang araw ay nadiskubre ni Florence na buntis siya. Pinuntahan niya agad si Pido at ipinagtapat na buntis siya. “ Pido, buntis ako. Magkakaanak na tayo,” wika ni Florence. “ Ha! Ang saya- saya ko talaga! Basta aalagaan natin siyang mabuti,” wika ni Pido. “ Oo,” sagot ni Florence.

Pagkaraan ng siyam na buwan ay nanganak na si Florence ng isang malusog na batang babae. “ Ang ganda ng anak natin,” sabi ni Florence kay Pido. “ Oo nga. Tama ka. Siyempre mana sa akin. Ngunit ano ang ipapangalan natin sa kanya?” tanong ni Florence. “ Ahhh… PRINCESS! Tama, Princess dahil siya ang prinsesa ng ating buhay,” tugon ni Pido. “ Oo, tama ka. Ang galing talaga ng asawa ko,” pagmamalaki ni Florence.

Mahal na mahal nila Mercy, Bahaghari at Cely ang anak nila Pido at Florence. Nagtulung-tulong sila sa pag-aalaga kay Princess at pinalaki nila ito bilang isang mabuti, matalino at maganda babae.

Si Princess lang ang tanging anak nila Pido at Florence kay ibinuhos nila ang lahat ng pagmamahal na kaya nilang ibigay para sa kanya. Ganito rin ang ginawa nila Mercy, Cely at Bahaghari. Kaya  lumaking magiliw, matulungin, magpamahal at masayahin si Princess. Mapagkumbaba rin siya.

Namuhay ang pamilya ni Pido ng matiwasay simula noon. Namuhay na rin silang masaya at maliligaya sa kanilang buhay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: