churlaloo

Yung Mga Isda sa Dagat, Isda rin ang Hanap

on January 26, 2011

Bakit nga ba ang dami nang bading ngayon? Hindi sa may galit ako sa mga bading, sa katunayan ay tuwang-tuwa ako sa kanila lalo na sa mga nagladlad na. Niyakap na talaga nila iyong sekswalidad nila at kahit alam nilang maraming mapapangiwi, mapapangiti nang tipid, nagladlad pa rin sila. Palagay ko nga isa sila sa mga pinakamatatapang na tao sa mundo dahil handa silang tanggapin na maraming taong may ayaw sa kanila. Pero hindi naman nila kailangan din masyadong mangamba kasi marami rin namang tanggap sila. <3

Ayan nga kasi. Ang dami na talagang bading ngayon na kahit saan ka mapalingon, meron at meron talaga. Madalas pa ‘yung mga gwapo at may itsura pa ang bading. Sobrang sayang talaga! Minsan nga nakakafrustrate na kasi natataunan pa na yung crush ko ay bading. Ang sakit kaya! Tapos kaunti na nga lang ang lalaki sa mundo, ibig kong sabihin yung straight na mga lalaki, pinag-aagawan pa ng mga babae at bading! Di ba, ang taas ng demand! Nakakaloka talaga! Kasi iyong mga mismong isda dapat sa dagat, sila rin humuhuli ng kapwa nila isda. TSK TSk. Haha!

At syempre dahil scientist-in-the-making ako, kailangan ko magresearch. Sabi ng International Programs Center ng US Census Bureau, as of January 26, 2011 12:41 UTC, pumapatak na 6 895 939 265 ang populasyon ng tao sa mundo ngayon. Grabe, ang dami natin! Malapit na tayo magpitong bilyon! Daig pa natin bacteria! Well, exagg naman yun pero ang dami pa rin natin! At ayon pa sa bestfriend ko na si Google, 50.2487562% nito ay kalalakihan. Kung ganun, may halos 3 447 969 630 na lalaki sa mundo. Tapos sabi pa ulit ni Google, ayon daw sa mga survey, 3-6% dito ang aminadong bading. Isipin natin na 6% na sila. Ibig sabihin may 206 878 178 na bading na mga lalake sa mundo. 200 MILLION! I bet hindi pa kasama dyan iyong mga closet at confused at kung anu-ano pa. I-imagine mo na lang kung isasama pa natin sila. ANG DAMI TALAGA NILAAAAA! Tatlong porsyento ng kabuuang populasyon sa mundo ang mga bading. Ano ba ito, pinagmumukha ko ngang madami sila pero parang hindi kapani-paniwala kasi 3% lang yung lumabas. ANG FAIL KO NAMAN. T_T HAHA!

Pero bilang paglalagom, keri ko lang naman na ang daming bading. Sana lang lumadlad na sila kasi minsan nakakastress kapag may nakikita kang tao tapos gusto mo na lang lapitan at iconfirm kung bading sila. Yung tipong nakakapanatag ba na alam mong bading pala siya at tama ang hula mo o kaya naman nakakalungkot kung mali ang hula mo at bading pala siya akala mo hindi. Basta, less bitchy badings in the world and I’m for it! Seryoso, ayoko talaga nung matataray na bading. Feeling ko mas girl at mas maganda pa sila sa akin kasi ang taray nga nila. Pero may mga bading nga talaga na mas maganda sa akin at although nakakalungkot, THAT’S LIFE. =))


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: