churlaloo

Day 3 sa Aking World with Bangs

on January 25, 2011

Hindi ko siguro magagawa yung postaweek ko. Sobrang tamad ako eh.

Anyway, hindi ko siguro nasabi sa blog na ito na nagpagupit nga pala ako. May bangs na meh! Pagkatapos ng mahigit anim na taon ng pagiging boring ng buhok ko, ni layered kahit ano wala kundi trim lang ang gupit na naranasan ng buhok ko, nag-iba ako ng look at nagpabangs! Dapat nung New Year pa kaso lagi kong nakakatamaran pumunta kay Tita Jojo, yung ka-chummy ko sa salon, para magpagupit. Medyo out of my way kahit konting lakad lang naman. Anyway basta ang point, nung SUnday nagpagupit na ako!

Binlow-dry siya kaya hindi makatotohanan. Ang ganda ng bangs ko paglabas ko ng salon. Tapos OMG< kumulot na siya pauwi. Leche, iyon kasi pinakakinatatakutan ko eh, kumulot yung bangs ko. Sobrang eeww ano itsura nun di ba, kulot na bangs? Hello? E kasi naman Dianne, alam mo naman na kulot ka tapos nagpabangs ka? E kasi wala naman akong magawang ibang gupit sa hair ko. Sabi ng bading dati magiging chaka daw pag nagpalayer ako. Anyway, ayon, nag-clip na lang ako nung Sunday para hindi makaget-in-the-way sa pag-aaral ko yung bangs ko. Sa katotohanan, makati lang sa noo. HAHA! Sobrang naweirdohan ako sa itsura ko kasi di ako sanay na may bangs ako. Parang di ko na kilala sarili ko. Choz lang HAHA pero medyo totoo pa rin.

Day 2 ng aking life with bangs ay kailangan ko harapin ang reaksyon ng mga kaklase at friends ko. Haggard! Nagclip ako para hindi nila makita ang kulot kong bangs pero pinilit naman nila ako tanggalin. At iyon nga, natatawa na lang sila kasi HELLO KULOT NA BANGS. Stress talaga. Yung iba, cinocomfort ako, bagay naman sakin, cute naman, chuchu, pero may NAMAN. I know naman na X talaga pero wala na akong magagawa kasi HELLO, nagupit na yung buhok ko. Kung may super glue lang na magbabalik nung buhok ko, why not? Nung nakita ko sarili ko sa salamin, ang weird talaga.

Day 3. Nagclip na muna ako habang nagcocommute kasi ayoko naman na kumulot na siya early in the morning. Pagdating sa albert, tinanggal ko na yung clip at naglugay at nagheadband. Tas bungad sakin ni Cherry ay “O, bakit maayos yung bangs mo ngayon?”. Point taken, sobrang sabog niya kahapon at panget at weird tignan. So far so good ako ngayon! Hindi nga siya kumulot ngayon at kung kumulot man, super minimal lang. I AM SO HAPPY! Pag-uwi ko ng bahay after ng aking commuting escapades eh maayos naman ako tignan. Although pinagtawanan din ni Ced kasi nga kulot pa rin kahit papaano. At least maayos na ako tignan. Or so I think.

Somehow, naiintindihan ko na kung bakit yung mga taong may bangs sobrang dalas hinahawakan yung bangs nila at hinihimas-himas at inaayos-ayos at tingin nang tingin sa mga salamin o kaya sa mga bintana ng sasakyan. Kasi sobrang hassle pala niya. Konting hangin lang, nagugulo na kaya aayusin mo na naman. Siguro isandaang beses ko hinawakan yung bangs ko ngayong araw na ito kakaayos, kakapakiramdam kung magulo ba siya, kakaayos, kakaayos ulit, paulit-ulit. Tuwing mahahanginan ako, tuwing gagalaw ako, aayusin ko. Ay grabe sobrang hassle.

As of now, hindi naman ako major major nagsisisi na nagpabangs ako. Kasi seriously, nagsasawa na ako sa itsura ko. Dumadating siguro talaga yung point sa buhay natin na gusto nating umiba sa status quo. May mga tao na they live for change pero hindi naman ako ganun pero nagsasawa din naman ako. Kaya ayan! Masaya naman ako sa bangs ko except sa hassle na dulot nito at na kumukulot siya. Kailangan ko na ma-master ang science of lessening the waviness or curliness ng bangs ko. Although sabi nila cute naman daw, KULOT pa rin. Hindi sa ayaw ko ang pagiging kulot ko. Sobrang mahal na mahal ko ang pagiging naturally wavy ng hair ko na hindi ko na kailangan mag-ayos eh may style pa. Pero yung kulot na bangs lang, medyo X. Haha!

Sana makapagpost ako nang mas madalas. Sobrang tamad ko kasi. T_T


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: