churlaloo

PostAWeek 2011

on December 31, 2010

Sabi ko magpopost na ako nang madalas ngayong nasa WordPress na rin yung Tagalog blog ko. Pero hindi rin eh. Tamad talaga ako kahit anong mangyari. Haha! Kaya naman naisipan kong sumali dun sa PostAWeek 2011 ng WordPress. Hindi ko ata keri yung PostADay eh kasi lagi nalang nawawala yung Internet connection ko so at least marami akong panahon para magpost sa isang linggo. O di ba? :D

Hindi ko to gagawin dun sa whoopeeyoo kong blog kasi parang lagi ko naman inuupdate yun, minsan nga lagpas pa isang beses sa isang araw para makabawi. Haha! Depende talaga kung may mapopost na blogworthy dun eh. Pero dito, kahit ano pwede kong ipost kaya kailangan maging mas masipag ako dito. Oh well.

Good luck na lang sakin! :D

Pupunta ako dun sa TheDailyPost lagi para maghanap ng kung anuman na mapost o masagot para lang mapost pero mas gusto ko sana kung tungkol sakin or sa nangyayari sakin yung mapost ko. Hindi yung prompted pa. Yung ako talaga nag-isip. Although pangarap ko rin kasi maging personal + fangirl blog yung whoopeeyoo. Isipin mo, ang perfect nun kasi makakapagpost ako ng reviews sa mga series, movies, kdramas, jdramas, kmovies, jmovies, albums, songs, books, kahit ano tapos nakakapagspazz pa ako. Makakapagpost din ako ng news, drama recaps, photoshoots, kahit ano na kasama sa realm ng aking fandom. At sobrang dami kong fandom, kung alam niyo lang na ngayon hindi ko na napagtutuunan tulad ng jdramas. Huhu. Kelangan ko na magbalik loob. Anyway, pangarap ko talaga yun na yung personal ko na buhay ay masingit ko dun sa pagsspazz ko para lahat na talaga nandun sa blog na yun. Pero malayo pa ata mangyari yun. Tignan natin. Kelangan ko kasi maging masipag na magpost ng reviews ng books at series at kung anu-ano. Problema kasi sakin, dami kong nabasa at napanood pero di ko binoblog. Tsk. Oh well.

Good luck!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: