churlaloo

One-Act Plays <3

on November 26, 2010

Hindi ko pa nababasa ang Aralin 3 para sa Hum 1 kasi naubos ang oras ko kakabasa ng One-Act Plays. Matagal ko nang hinahanap yung script ng I Laugh You ni Neil de Mesa kasi nawala ata yung kopya ng SK. Ngayon ko lang ulit naalala. Hindi ko nga alam bakit ko naalala. Tapos nakita ko yung blog kung saan nakapost yung mga script ng plays niya. At heto, inuubos ko na. Pati oras ng tulog ko inuubos ko na rin. Masaya naman ako. Pagkatapos ng ilang taon, nabasa ko na muli ang I Laugh You. At dahil dati ay hindi naman available ang script ng Sampung Minuto Bago Makaraos, hindi ko pa ito nababasa. Pero ngayon, nabasa ko na. Ang saya-saya ko talaga. Kung mababasa niyo lang ang I Laugh You at iba pa niyang play, hindi talaga kayo titigil sa pagkatuwa at sa kakatawa. Yung iba naman niyang play poignant o minsan ay may relihiyoso pang tema. Yung iba naman, kakaiba ang mga ending. Kelan kaya ako makakanood ng mga One-Act plays. Sana makapit na. Kung sana lang mahanap ko rin yung script ng Subtext. Matagal ko ng pangarap mapanood ang Subtext at mabasa ang script nito. Haaaaaay. Wala na akong paki ngayon sa Hum 1. May Math homework pa pala ako pero BAHALA NA.


5 responses to “One-Act Plays <3

  1. sarah says:

    Nakakatuwa talaga magbasa kapag sa Tagalog nagsusulat ang mga taong alam ko naman ay Pilipino. Pakiramdam ko, mas lumalapit ako sa manunulat.

    Kakabasa ko lang ng I Laugh You. Gusto ko siyang i-stage dahil kahit maiksi lang siya, nakakatuwa ung mga linya. Ito ung paborito ko na dialog:

    LALAKE: Mayroon nga akong karamdaman sa puso…

    BABAE: Gayon ba? Ano’ng tawag sa iyong karamdaman?

    LALAKE: Ikaw.

    Sana magamit ko yan sa hinaharap. Hahaha.

  2. whoopeeyoo says:

    Ay eto pala yung link, di ko pala nasama sa post ko. http://playsofnjeldemesa.blogspot.com/2010/08/i-laugh-you.html

    Walang anuman! :D

  3. joyfool says:

    Ayan na po ba yung buong script ng I laugh you? gusto ko po sana makakuha ng full copy ng script. Saan po ba pwede? :(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: