churlaloo

Transparency

on November 25, 2010

Gusto ko magblog tungkol sa strike at sa pakiramdam ko pagkatapos ng lahat ng ito pero hindi ko alam paano sisimulan o kung anong atake ang gagawin ko sa pagsusulat ng mga naganap. Pero gusto ko lamang ishare itong nabasa ko sa virtual classroom namin sa PanPil12. Dahil nga strike, wala kaming klase pero may diskusyon sa Google Docs. Matapos ipabasa ang Statement ni PNoy tungkol sa mga tanong hinggil sa Budget Cut sa SUC’s (State Universities and Colleges), mangangatwiran kami kung makatwiran nga ba o hindi ang budget cut. May kaklase akong napakahaba ng pinost at ipapaste ko dito ang bahagi ng sinabi niya.

Hindi ang Presidente ang problema ko; sa kulang ng “transparency” at “accountability” sa pamahalaan natin, malamang hindi ako maniniwala kahit si Jesus pa ang presidente ng Pilipinas.

Natawa ako nang mabasa ko ito pero totoo ang sinasabi niya. Sobrang kulang talaga sa transparency at accountability ang pamahalaan natin na hindi talaga natin alam saan napupunta ang lahat. Well, alam naman natin na porsyento nito ay sa mga bulsa ng mga KAGALANG-GALANG na administrador na binoto natin napupunta. Pero seryoso na. Saan nga ba mapupunta? Kung masisiguro na mailalaan sa dapat paglaanan ang pera na dapat ay sa SUC’s, baka magdalawang-isip pa ako. Sige, para sa ikabubuti ng nakararaming tao ang budget cut pero paano naman ang mga magulang ko? Hindi namin kaya magbayad ng P100, 000 kada semestre para sa matrikula pa lamang. Taga-Bulakan pa ako kung kaya naman may pamasahe pa at baon na kailangan gastusan. E di sana kung ganyan lang din naman pala, nag-Ateneo na lang ako. Deh, joke lang, asa naman na mag-Ateneo ako. Haha! Pero balik ulit sa pagiging seryoso. Hindi naman ako nagstrike dahil selfish ako at gusto ko sa UP lang ang pera ng bayan. Muwahaha. Hindi ganun yun. Hindi ko ma-imagine na kung matutuloy ang budget cut ay mapapabayad ng ganoong kalaking halaga ang mga magulang ko. Ang tanong pa nga eh kung mababayaran namin yun. Makakapag-aral pa kaya ako kung ganoon na ang presyo ng edukasyon sa UP? Lalo na kung madidissolve pa ata ang DOST scholarship kapag nagkaganito? Paano pa ako magiging Molecular Biologist and Biotechnologist kung wala ng pera ang College of Science para sa mga laboratoryo? Buti sana kung yung dagdag sa matrikula ay sa pasilidad mapupunta. Hindi e. Ipangbabawi lang nila yun sa P1.39 B na binawas sa budget. Ayokong isipin ano mangyayari sa buhay ko kung matutuloy ang budget cut na ito kasi ayokong mangyari talaga. Hindi ko ata kaya.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: