churlaloo

Tula

on November 22, 2010

Para Kay E.S.
ni Priscilla Supnet Macansantos

walang tama
o maling pag-ibig
ang bawat umiibig
ay mapag-angkin
at mapanghimasok
mapagbigay, ngunit mapaghanap
mapagtiwala
subalit madalas
naghihinala at naghihimagsik

paano titimplahin
ang kape ng pag-ibig
kapag labis ang tapang
ay walang kasimpait
at kung matabang, ay di nakakagising
kung sumobra naman ang tamis
madaling pagsawaan ang pag-ibig
at kung lubhang mainit
ay nakakapaso sa dila at sikmura
kung malamig naman
ay mahal ko
kape ba ito?
subalit hindi kape
ang pag-ibig
na itatapon sa lababo
kapag nagkulang sa init, hindi
tinuturuan ang pag-ibig
ng tamang init at lamig
pinapayapa kapag lubhang nag-iinit
pinapasigla kapag nanlalamig
at kung nanghihimasok na nang labis
ang pag-ibig ay hinaharang sa pintuan
at pinipigilan
nakikihamok ang pag-ibig
sa pagbabantas
at sa panahon ng tag-tuyot
at panghihina
hihimukin ang pag-ibig, at pagyayamanin
walang tama o maling
pag-ibig
hindi. hindi susuriin
o susukatin ang pag-ibig

ang marapat na tanong
ay kung mayroon ngang pag-ibig

Alam ko napost ko na ito dati pero dalawang beses ko ginawa kasi nawala. Apparently, nasave naman pala sa drafts. Kaya ito, nasa drafts na naman. Super gusto ko itong tula na ito kasi ang witty niya. Kaya wala akong paki kahit ipopost ko na naman siya. Haha! :D



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: