churlaloo

on October 12, 2009
Dahil mukhang matatagalan pa bago magka-internet connection sa bahay dahil kay Ondoy, hindi ako makapagblog. Ni kpop nga hindi ko rin magawa e. Kung kaya naman sa notepad na lang muna ako gumagawa ng entries para pag nagkaroon ako ng pagkakataon, copy-paste-post na lang ang gagawin ko. HAHA. :D

Nung Sunday, October 4, nagrerewrite ako ng Geog notes ko kasi malapit na finals. Tinamad kasi ako mag-aral ng Fil40 so kaya ayun, nagrewrite na lang ako ng notes. HAHA. XDD Tas habang nagrerewrite ako, feeling ko ang bangag ko na, sinulat ko “protein”. Tas napahinto ako kasi nagtaka ako kung baket may protein. Sabi ko Geog to di ba. Tapos ayun, pattern pala yung kinokopya ko pero protein yung nasulat ko. HAHA. =)))) Feeling ko nakita ko lang na letter P yung word tas protein na yung sinulat ko. Grabe mehn, ibig sabihin pag pinag-isip ako ng word na nagsisimula sa letter P, protein ang una kong naiisip. Grabe mehn, hayoko na. HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA. =))))))) Infested na ng MBB terms ang aking brain. :D:D

Monday, October 5. Maaga ako nagising pero dahil ayoko pa rin mag-aral ng Fil40, nagprocrastinate na naman ako. HAHA. Una, nag-organ ako. Nadagdagan na yung mga natutugtog ko. Ohyuzz. Tas nung tinamad na ako, tas ayoko rin manood ng Mei-chan kasi di ko feel, bigla ko naalala yung mga Japanese songs na kinaadikan ko. Naalala ko kasi yung mp3 ko na dedz na ngayon na puro Hapon yung kanta. =))))))))) Hinanap ko sa PC yung files para ilagay sa fone ko tas wala. Nasa back-up CDs ko nga pala. XDD So hinanap ko pa yung CDs ko tas ayun, sinuksok ko sa PC. Walang DVD chever yung PC (i know, rawr) so yung ibang files na nakastore sa DVD, di keri. Tas grabe, naungkat ko yung mga love na love kong Jpop songs dati at naalala ko rin yung kaadikan ko kay Toma. Grabe talaga ako nun. At narealize ko na memorized ko pa rin hanggang ngayon yung mga lyrics nung mga kanta. As in memorized pa talaga! Grabe mehn, I can feel the love for Jpop. Pero di na kasi ako updated sa Jpop e so ang hirap magcatch-up. HEEHEE. :)))) So nilagay ko na sa fone ko. Grabe, ang trabaho! Ang tagal-tagal ko. Pati kasi yung lyrics nilalagay ko na rin. HAHA. Karir ito bells! =)))) Tas nung tapos na, pinapatugtog ko. AYAW. Akala ko nacorrupt yung files o navirus ko yung fone ko kaya binura ko agad yung mga Japanese songs. Tas nung tinry ko naman yung hindi Jap songs na nilagay ko, gumana! So hindi naman pala siya corrupted or may virus. Sayang lang yung oras na inilaan ko para magtransfer ng songs na binura ko naman. Azar. Haaaaaay buhay. XD pero happy pa rin ako kasi may lyrics na ako ng mga kanta so nakakanta ko na sila. Handy na. :)

October 6. MBB reporting. Di namin natapos yung report kasi antagal ng groupmates ko e pero tawa ng tawa si Sir Fabs sa skit namin. I knoooow, ang galing ko talaga. =)))))))) CONCEITED MUCH! :DDDDDD Tas Fil40 exam na so-so. Mamimiss ko si Sir! Ambait niya super tas lenient!

Ayun lang. Gumawa na naman ako ng coffee jelly ngayon. XD Dapat gagawa ako ng Fil40 paper pero tinamad na naman ako at nadedepress pa rin ako dun sa nawawalang chem lab notebook ko. At naisip kong gagawa na lang ako pre-lab. Kaya babay na. :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: