churlaloo

GFC

on September 21, 2009
Noong Saturday, nanood kami ni Regina ng Amphitryon ng Dulaang UP. First time kong manonood ng play kaya super excited talaga ako. Hindi kasi ako makanood nung ibang play kasi laging gabi. Hello, kung taga-Bulacan ka pa at gabi na, malamang gusto mo na umuwi. Kaya ayun. Sabi nila maganda daw kaya di ko na rin pinalagpas. Buti may nahingan pa ng libreng ticket si Regina kundi di ako nakanood kasi wala akong pera dahil Php 1.75 na lang ang pera ko nung araw na ‘yon. Pero ibang storya naman yun. Hindi namin namalayan ang oras kung kaya naman hindi naming nasimulan ang play. Kaasar naman kasi ang trapik sa may Tandang Sora kaya ang tagal talaga ng biyahe. Sobra. Pagdating naming sa harapan nung teatro, nakita ko yung litrato ni Neil Sese at natuwa ako na kasama pala siya sa play na iyon. Hindi ko sinabi kay Regina kasi syempre late na nga kami dadaldal pa ako. Nakatayo kami siguro for 1 minute bago kami pinaupo nung usher. Nood naman kami. Naabutan na naming parte ay nung si bumalik si “Amphitryon” sa bahay nila. Si Lex Marcos nga pala ang gumanap na “Amphitryon”, nalaman ko pagkatapos nung break kasi tinignan ni Rej. Hinihintay ko talaga na lumabas na si Neil Sese kasi super idol/crush ko talaga yun. As in. Nang ‘yun nga, bigla na siyang lumabas sa entablado na naka-shades pa. Grabe, nagflutter talaga yung puso ko nung panahon na iyon. I mean, ang tagal ko na siyang hindi nakikita sa TV at ngayon nakikita ko siyang nagpeperform sa harap ko para sa isang play. Super kinikilig talaga ako. Gwapo/hot pa siya so dedz na talaga kahit matanda na siya kung tutuusin. Sabi ko kay Regina na crush ko yun. Tas bigla na niyang tinanggal yung shades niya. Wala na. Super giddy ko na. HAHA. Tas sabi ni Rej gwapo nga daw. XDXD Syempre patuloy sa panonood. :D Ang saya ko nun kasi narealize ko na siya talaga yung GFC ko (Greatest Filipino Crush). As in. Seryoso ako. Idol na idol ko siya. Stage actor tapos ang galing pa niya talaga. Haaaaaaaay, super dreamy ng feeling ko habang nanonood ng play. Tas grabe, sanay ako sa mga serious role niya pero ngayon, ang joke nung role niya kaya super benta talaga. Kaya niya rin magcomedy. HAHA. :DDD Haaay super idol talaga. Siguro yung pagkakacrush ko sa kanya, more of idol talaga. Heehee. Si Rej naman daw ang type ay yung si “Amphitryon”/Jupiter pero di ko kasi yun type lalo na kung nasa harapan ko si Neil Sese. HAHAHAHAHA. =))) Lumabas ako nung teatro na masaya at nagandahan sa play at fulfilled dahil nakita ko si Neil Sese. Kaya ngayon, lagi na ako manonood ng plays. HAHA. Joke lang. :)))))

Tungkol dun sa play. Sayang hindi namin nasimulan at hindi namin sila narinig kumanta nung tambay song. Pero keri pa rin. Ang ganda ng lines lalo na yung emo lines ni Amphitryon. Ang funny pa nila, super. Yung type na funny peor may message at may lalim rin kahit papano. Although hindi naman kasi malalim yung play, yung serious lines talaga yung mapapa-aaawwww ka e. Tapos yung dalawang Sosias, GRABE, super funny. Mas nakakatuwa pa dahil magkamukha pa sila. Longganisang hubad. HAHA. =)))) Ang ganda pa nung boses ni Mercurio (ikalawang Sosias) tsaka ni Jupiter (ikalawang Amphitryon). Live yung pagkanta! At yung set, ang simple pero perfect e. Tapos well, yung ending na winner. Haaaaaaaaaay, ang fulfilling naman na hindi muna ako umuwi ng bahay para manood ng play.

Weeeeeee. Ang saya. :DDD At ngayon, super giddy pa rin ako dahil kay GFC kahit Monday na ngayon. :D Tsaka kahit medyo matanda na siya may abs pa rin. HAHAHAHA. Bonus. XDDD


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: