churlaloo

aaaawww

on September 19, 2009
Wala pang alas-dyis ng umaga na iyon pero napakataas na talaga ng sikat ng araw. Para ngang hindi umulan ng napakalakas noong nakaraang araw sa sobrang init. Nakasakay ako sa dyip kasama ang kaibigan ko papuntang eskuwelahan. Ang trapik kaya sa ganoong init, wala kang magagawa kundi magmasid sa iyong paligid dahil hindi rin kayo makapag-usap dahil pagod na pagod at init na init na kayo. Kahit maingay ang makina ng dyip, natawag ang aming pansin ng dalawang magkapatid na nag-aaway sa gilid ng kalsada. Maliliit na bata. Siguro si Ate 5 o 6 na taong gulang lamang tapos yung nakababatang kapatid niya mga 3 o 4 na taong gulang pa lang. Hindi namin maintindihan yung sinasabi nila pero nagsisigawan sila. Nagwalkout bigla yung babae tas hinabol nung kapatid na lalaki. Nagsosorry na siya sa nagawa niyang kasalanan. Binilisan niya ang lakad para maharang niya ang Ate niya sa pagdadrama nito. Nang biglang dumating yung Kuya nila na siguro kasingedad ko at pinahinto sila sa pag-aaway dahil baka masagasaan sila. Malamang nasa may gilid sila ng kalsada at napakaliit nila baka hindi sila makita ng mga nagmamaneho. Sabay niyang binuhat yung magkapatid at sila ay umuwi na ng bahay.

Ang ganda nung eksena. Naramdaman ko yung pagmamahal nung Kuya sa mga kapatid niya kahit sa simpleng pagbuhat lamang sa kanila. Yung mga simpleng eksenang ganito na nakikita ko yung nakakapagpa-aaaaawww sa akin.

Nanood nga pala kami ni Rej ng Amphitryon kaso tinatamad ako ikwento kasi pakiramdam ko hindi sapat ang mga masasabi kong salita para maipahayag ko yung naramdaman namin ni Rej nung pinanood namin. At syempre, kinikilig pa rin ako kapag naiisip ko si Neil Sese na siyang gumanap na Amphitryon dahil siya talaga ang GFC ko (Greatest Filipino Crush). HAHAHAHA. :)))) Pakiramdam ko kailangan may sariling post yung Amphitryon.

At tungkol sa mga ibang bagay tulad ng MBB Night o kaya yung pagpapaiyak na naman ni Jay sa akin. XC Babay.

P.S. Bakit magkamukha talaga minsan ni GD at Sungmin? O nagbibigay sila ng same vibe, parang ganun. Pakiramdam ko tuloy I loved Sungmin dahil kamukha siya ni GD. HAHAHAHA. :))))))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: