churlaloo

Dreams

on September 15, 2009
Sabi nila kapag daw napapanaginipan mo ang isang tao, siya yung lagi mong iniisip o kaya naman ay siya yung nasa utak mo, sa iyong subconscious kung gusto mo talagang malaman. Sabi naman ng iba, napapanaginipan mo daw yung huli mong inisip bago ka matulog. Hindi ko alam kung alin ang totoo at tama pero masasabi ko na malala na ang estado mo sa buhay kung napanaginipan mo na ang iniidolo mong mga tao (mga Koreano sa kaso ko) dahil ibig sabihin nun, 24/7 Koreano na ang nasa isip mo. Ay ko pala. XD Ibig sabihin, mga Koreano na ang hinihinga kong oxygen at inilalabas kong carbon dioxide. Ganun na talaga kalala. Aminado naman ako dahil malalang kaso na talaga ako. Yung tipong nagsasayaw sa daan kapag narinig yung kanta, yung tipong kumakanta na lang kahit may Koreano na palang kaharap kahit mali ang lyrics (Aray, tagos sa ribs, pare) pero ibang storya nay un. Dahil ang paksa ng akda ko na ito (Naks, paksa, naks, akda) ay ang mga panaginip. [Ang haba ng intro! Buhay ka pa ba? Kahit hindi mo na ‘to basahin kasi tungkol naman ‘to sa mga Koreano XDD]

Magkukuwento ko (pero kung tamarin maglilista na lang XDD) ng mga panaginip ko starring my Korean loves. <3

Bandang May nito, bagong fan pa lang ako ng Super Junior. Napagdesisyunan ko na sa puso’t damdamin at utak at laman-loob ko na si Eunhyuk ang paborito ko. (Sabi ko sayo tungkol sa Koreano ‘to pero kung kaya mo namang hindi pansinin yung mga pangalan ng Koreano, bahala ka na.) As in kulang na lang mangako ako na si Eunhyuk ang papakasalan ko at kung hindi ay magmamadre na lang ako. Joke lang. Exagg yun pero basta nasa rurok (OHYUZZ) ako ng aking pagkabaliw kay Eunhyuk. Weeheehoo. Pero biglang dumating si Sungmin sa buhay ko. Unti-unti ko siyang nakita sa ibang ilaw??? Kasi di ba sa Ingles, I saw him in a different light ang drama? HAHA. Anyway, basta ayun, parang nagiging espesyal si Sungmin bigla sa mga mata ko. Yung tipong andun na talaga siya malapit kay Eunhyuk at kinukwestiyon ko na ang sarili ko kung tama ba ang desisyon ko na si Eunhyuk talaga ang aking paborito. Grabe, parang nilindol ang pagmamahal k okay Eunhyuk. HAHAHAHA MEEEEH GANOOOOOON. =))) At nung araw na yun, sobrang puro Sungmin videos lang sa youtube ang pinapanood ko. Iba-ibang clips. HAHA. Super parang umaakyat ng Baguio yung love ko for Sungmin. HANUBAYAN, ANG HABA NAMAN NG INTRO KO SA STORY. E ang point ko lang naman ay napanaginipan ko si Sungmin nung gabing iyon. HAHA. Nakakaasar nga si Sungmin kasi hindi naman siya yung paborito ko tapos siya pa yung unang napanaginipan. Nag-uusap daw kami pero super bilis lang ng panaginip na ‘to.

Late May/early June naman ata itong next dream. Grabe kung ganito kahabang paragraphs per dream, GRABE NA, sana nagsulat na lang ako ng script ng telenobela di ba. =))) Dahil isang malaking pain sa mousetrap si Nichkhun, HAHAHA, naintriga talaga ako kung sino ba siya kaya naman napagdesisyunan kong panoorin yung isang video ni Nichkhun. Yung Mnet Scandal ni Nickhun. At dahil dun, grabe na talaga, naadik na ako kay Khun. At nung gabi nay un, napanaginipan ko si Khun at ang kanyang kagwapuhan. Madrama yung panaginip ko kasi naman, NAMAN, NAMAN. May habulan pa with Khun dahil hinabol daw niya ako kasi iiwan ko na siya. GRABE, ANG GANDANG EKSENA. Kung totoo lang sana di ba na may Khun na naghahabol sakin. Weeheehoo.

Hindi ko na alam kung kailan ko na sila napanaginipan, pero yung susunod ay si Eunhyuk at Kyuhyun. <3 Ito yung time na nagging SuJu fan na si Cel at ang paborito niya ay si Kyuhyun so may kasabay na ako magspazz. At syempre dahil Kyuhyun ang paborito ni Cel, magkasama kami ni Cel sa panaginip pati nga si Sarah kasama at syempre si Eunhyuk at Kyuhyun. Yung storya pa nun ay ang yabang ni Kyu na siya yung gusto ni Cel at sinabihan ko siya na ang yabang niya. Tas kami naman ni Hyukkiedeedoo ang nagbonding. OMG talaga. <3

At dahil na-2PM ako, hindi maiiwasan na mapanaginipan ko rin sila. At dahil si Wooyoung ang fave ko, malamang siya ang bida ng aking panaginip. <3 Andun din yung 2PM boys pero kay Woodong nakafocus. <3 Kasi nasa children’s party daw tapos alam mo naman si Woo, super childish so nakikigulo siya dun. E yung other 2PM boys, cool sila so ayaw nila dun. HAHAHAHA. =)))) At syempre nag-usap na naman kami. :DDDD

Eto di ko na alam kung tungkol saan pero G-Dragon and 2PM. Si GD ang focus malamang. =)))) Pero andun pa rin yung 2PM boys.

Next ay SI GD lang. <333 First love never dies! HAHAHA. =)))) Naalala ko lang napanaginipan ko siya nung nagsiesta ako sa sofa. XDDD

Bibilisan ko na kasi inaantok na ako at naiihi na ako. Basta. Next ay si Khun na naman with some MBB upper year. Kasi nung gabi nay un, puro Nichkhun in Summer Festival ba yun ang pinapanood ko. Tsaka yung kasama niya si Wang Suk Hyun magsayaw ng Again & Again. OMG. Tas may kachat kasi ako nun tas di ko alam sasabihin so kaya napanaginipan ko sila. GRABE TALAGA. Chorax pa naman yung upper year nay un. HOMG. Yung storya ay ang tagal ko daw magsintas ng sapatos kaya iniwan nila ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. ANG LABO FRIEND. =))))))))))))

And ang latest, dahil umalis sa 2PM si Jay at iniyakan ko talaga siya (ibang storya na yun), napanaginipan ko siya nung gabi na yun. At ang drama talaga ng buhay.

At dahil naiihi na ako, conclusion ko ay. Dundundundun. I BREATHE KPOP. YOU ARE WHAT YOU EAT, YOU BREATHE, ETC (end of thinking capacity) at I AM KPOP. HAHAHAHAHA IDEOLOGY????! =)))) fil40 mehn. Xp

Bow.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: