churlaloo

G-Dragon <3

on August 30, 2009
I finished a book today. Woah. Nakakamiss magbasa ng libro. Meron kasing book sale wannabe sa National. 50pesos and below. So di ko na pinalagpas. Super naghanap ako ng magandang basahin. Ayun. Ayoko kasing nagbabasa ng libro na hindi ko nahahawakan yung libro. Gusto ko kasi naaamoy ko yung papel, nahahaplos ko, nararamdaman ko na nagbabasa ako ng libro. E ang mahal ng mga librong gusto kong basahin so hindi ko mabili. Kaya HAHA, book sale muna. Maikli lang naman kasi yung libro. Sweetness by Torgny Lindgren. Hindi ko pa ganun nagagrasp yung book kaya baka basahin ko ulet pero gusto ko siya. Gusto ko yung insights ng author about life and about things. Ganun yung gusto kong binabasa, yung may pa-deep effect. XD Masaya talaga ako na nakabasa ako ng libro after a long time. Yung for leisure at hindi textbook okay. HAHAHAHA :))))

Bumili na rin sa wakas si Mamee ng DVD ng Shining Inheritance! At dahil walang pasok bukas, malamang yun lang gagawin namin bukas. XD May ginagawa kasi siya ngayon e kaya hindi kami nanonood. :P Kaya kelangan ko na gawin mga bagay-bagay para naman tuluy-tuloy na ang panonood bukas.

Ang dami kong To-Do posts kaso never ko naman magawa. Aaaccckkk. Minsan kasi nakakastress din sa neurons magcompose ng matinong post. HAHAHA =))

Nanalo nga pala NIMBB sa CS Cheerdance! Ang saya-saya! Sasali na ako next year kasi hindi ako nakuntento sa aking participation bilang booster.

Kakanood ko lang nung Comeback Stage ni GD. OMG. I MISS HIM SO MUCH. Pag nakikita ko siyang nagpeperform, pakiramdam ko Big Bang na rin yun e. Grabe, ang saya niya nung nasa stage siya. As in parang feel na feel niya talaga. Siguro iba talaga magperform ulet sa iyong homeland. grabe. :D Ang saya-saya ko. :)))))

Nakakaasar kasi parang wala akong magawa. I mean ang dami kong dapat panoorin na Wild Bunny eps at kung anu-ano pero wala ako sa mood. Ohwell.

Ayun lang, tinatamad na ako magsulat as of now. :D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: