churlaloo

The Stalker Song

on August 20, 2009
Kung sinumang nagbabasa ng blog na ito (ahem Sarah ahem), marahil ay alam mo ang kantang ito.

Baby, now that I found you
I won’t let you go
I’ll build my world around you
I need you so
Baby even though
You don’t need me
You don’t need me
Oh oh

Siguro hindi mo memorized yung kanta pero kapag narinig mo sa radyo, kaya mo naman yang kantahin. At ngayon ko lang nalaman na ang title pala ng kantang yan ay “Baby, Now that I’ve Found You” at si Alison Krauss ang kumanta pagkatapos kong i-google. HAHAHAHA. :)) Ang tawag ko kasi sa kantang yan ay “The Stalker Song”. Oo, hindi ka nagkamali ng basa, The Stalker Song talaga. HAHAHAHAHA. =)) (Pero sabi ng friends ko dapat daw The Song of the Obsessed eto. Mas tama nga yun pero masisira ang concept ng post na ito kung hindi ko paninindigan yung The Stalker Song. XP Tsaka yung mga stalker ay obsessed kaya ok na yan.)

Baket kamo?

Basahin mo maigi yung lyrics. At para sa tinatamad, let us analyze each line.

Baby, now that I’ve found you… O ayan, nahanap na daw niya si Baby. Hindi pa masyadong halata dito na stalker song ito pero makikita niyo rin mamaya. Syempre ang pagiging stalker ay nagsisimula muna syempre na nakita mo yung ini-istalk mo. Bakit mo naman siya isstalk kung hindi mo siya nakita. Ang labo nun di ba. :))

I won’t let you go…Nako, medyo nakikita mo na ang pagiging stalker niya. Hindi ka na daw niya i le-let go. Might as well, hindi ka na niya tatantanan, lulubayan at forever na siyang naglulurk sa iyong surroundings, HINDI MO LANG ALAM.

I’ll build my world around you…NAKO ETO NA TALAGA. Ang freaky ng line na to di ba?? YES, YES? Kasi OMG, eto na talaga ang patunay na hindi ka niya tatantanan at lulubayan. Yung tipong siguro nakatira na siya sa isang kariton na natatanaw yung bintana mo sa bahay at pinapanood ang iyong bawat galaw. OMG, DI BA ANG CREEPY?? As in, wala na, ITO NA TALAGA ANG PATUNAY NA THIS IS THE STALKER/OBSESSED SONG. =)))

I need you so…Malamang, kailangan ka niya. Kasi nga obsessed na siya sayo kaya nga ini-istalk ka na niya e. Yung tipong magkakaanaphylactic shock na siya kapag hindi ka niya nakita for the day. Ganun ka niya ka-kailangan. AS IN. CAN YOU FEEL IT?

Baby even though… Even though what? :)))0

You don’t need me…Ayun naman pala, even though you don’t need him/her. HALA, KAHIT DAW HINDI MO SIYA KAILANGAN. Dahil nga stalker siya, hindi mo talaga siya kailangan sa iyong life. UNLESS, GUSTO MO NG REGULAR FREAK EFFECT SA BUHAY MO. =))) At kahit daw hindi mo siya kailangan, andyan siya. HOMG, NAKAKATAKOT DI BAAAA.

You don’t need me… Okay, inulit lang niya yung line.

Oh oh… Okay, hum-hum-hum.

So ano naman ang point ng post na ito. HAHAHAHA. Baket nga ba may mga stalker? Anung masaya sa pagsunod at pag-alam sa lahat ng ginagawa ng taong gusto mo? Alam ko ang sagot dyan. Naniniwala kasi ako na… *drumroll*

To know is to love.

Oo, naniniwala ako dyan. Kasi ako mismo, stalker. PERO HINDI YUNG STALKER IN THAT SENSE. Cyber lang. Tinitignan yung Facebook, Multiply at kung anu pa man. Kasi iba yung pakiramdam kapag nababasa mo yung mga post niya kunyari. Pakiramdam mo, nakikilala mo siya kahit sa pamamagitan lamang ng mga bagay-bagay sa Internet. Pag binabasa mo yung mga blogpost niya, nalalaman mo paano tumatakbo yung utak niya. Nalalaman mo paano siya magsalita o magsulat. Nalalaman mo na takot pala siya sa ipis o kaya naman nagbreak sila ng jowa niya dahil sa rabbit. Okay, ang labo na nga examples ko. :)) Malalaman mo na tumutugtog pala siya ng gitara o kaya naman bumubuga pala siya ng apoy. (DEH JOKE LANG YUN.) Anyway, nahihirapan ako magexplain kaya tatalak nalang ako.

Nagsimula siguro ito nung maadik ako sa mga Japanese dramas at sa mga Hapon. Syempre dahil nasa distant land sila, gusto ko malaman sinu sila. I mean, gusto ko malaman yung mga tao behind that character. Search ako ng age, birthday hanggang pati favorite color at kung anu-ano. Lahat ng drama niya alam ko at papanoorin ko. Alam ko yung height niya. Shame, ganun ako kaadik. Ganun. Pero hindi pa yan yung ultimate level.

Sa mga Koreano talaga ako naging stalker. Nagsimula ito sa Big Bang na siyang nagsimula ng Kpop Fandom ko. Syempre pagkatapos ko manood ng mga performances, magdownload ng albums at kung anu-ano pa, gusto ko malaman paano ba sila bilang isang tao. Ano yung personality nila? Ano yung mga hilig nila? Mga ganun. Nagbabasa ka ng fan accounts kung mabait ba sila. Ganun. Sobrang natotouch ka kapag pumupunta silang mga orphanage (Yunho; SUJU) at kung anu-ano pa. Nanonood ka nga Reality Show kung saan mas makikita mo kung paano talaga yung ugali nila (SHINee Yunhanam; SUJU Full House & Adonis Camp). Makikita mo yung kakulitan nila at kaweirdohan nila. At mapapa-aaawwww ka kapag umiiyak sila dahil sa mga maliliit na bagay. Tapos pakiramdam mo, kilala mo na talaga sila. At gustung-gusto mo na sila dahil nga pakiramdam mo, ganun yung ugali nila. Syempre kung hindi naman kaaya-aya yung napanood mo, aayawan mo na sila. Kaya oo, kung tatanungin mo ako kung kilala ko sila, masasabi kong kahit papaano kilala ko yung mga iniidolo kong Koreano. Kasi nga TO KNOW IS TO LOVE. Paano mo naman mamahalin ang isang taong hindi mo kilala? At pag nakilala mo ang isang tao, mas malaki ang posibilidad na magustuhan mo siya. Kaya naman para sakin, hindi lang enough na alam ko yung mga kanta nila. Kailangan kilala ko rin yung pagkatao nila kahit kaunting parte lang naman nito.

Kaya bumalik na tayo sa usapang stalker. Gusto ng mga stalker malaman kung ano ugali nung mga taong gusto nila kaya nila ini-istalk. Gusto nila malaman sino mga kaibigan niya, saan siya nakatira at ano yung ginagalawan niyang kapaligiran. Para siyang sponge na taga-absorb ng kahit anong impormasyon tungkol dun sa ini-istalk niya. Ganun.

Masisisi mo ba sila kung gusto nila makilala yung mga gusto nila? Hindi naman di ba. Dahil ikaw mismo, gusto mo makilala yung taong “apple of your eye”. Paano kaya siya magsalita, nagddrive ba siya? Ano kaya talent niya? Ilang taon na siya? Taken na ba siya? Hindi ba inaalam mo rin yan.

Haynako, ayon. Yun ang aking take on things. :DDDD

Tandaan mo, To know is to love. :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: