churlaloo

tanga

on August 17, 2009
May nasimulan na akong post kaso na-X ko yung window so byebye post. Wala na, it’s gone. Coincidentally, tungkol din sa jeep yung post na yun. At yung ipopost ko ngayon ay tungkol din sa jeep.

Kakatapos lang nung balita kanina tungkol sa pagreresibo sa jeep. Panahon na daw para ipatupad ang pagreresibo ng mga jeepney drivers. Ang una kong reaksyon, MY ASS. Yan na yung paborito kong ekspresyon simula nung pagkain ng mga MAKAKAPAL ANG MUKHA sa States ng isang meal lamang na nagkakahalagang 1 milyong piso. Dapat magsusulat din ako tungkol sa reaksyon ko doon pero hindi ko na nagawa dahil sa mga bagay-bagay AKA midterms at kpop. Pero hindi tungkol dyan yung post ko.

Kakatapos lang nung balita kaya medyo dito agad ako nagbuntong ng asar at galit at banas sa balita na yun bukod kay Sarah.

Kung sinuman ang nagbigay ng suhestiyon na magresibo sa jeep ay sadyang hindi nag-iisip. Ang engot-engot nila. ANG DAMI-DAMING PROBLEMA NG BANSA NATIN TAPOS YUNG MALILIIT YUNG TINITIRA NILA. ANG DAMI-DAMING PROBLEMA NG BANSA NATIN TAPOS IBINABALING NILA YUNG ATENSYON SA MGA BAGAY NA HINDI NAMAN DAPAT. E BAKIT HINDI NA LANG KAYA NILA BAYARAN YUNG UTANG NG PILIPINAS? E KUNG BAKET KAYA HINDI NA LANG NILA BAYARAN YUNG KURYENTE AT TUBIG NG PGH? Alam niyo ba na puputulan na daw ng kuryente at tubig dahil hindi nakapagbabayad ang gobyerno. KAMUSTA NAMAN KAYO? TAPOS KUMAKAIN KAYO NG ISANG KAINAN LANG, ISANG BAGSAKAN NA NAGKAKAHALAGANG 1 MILYONG PISO. HALATA BANG GALIT AT NABABANAS AKO? KASI OO, ASAR NA ASAR AKO. Hindi pa ba halata e naka-allcaps na yung pagkakasulat ko dun. NAKAKAASAR TALAGA.

Isa pa, hindi pa ba sila nakakasakay ng jeep? Hindi ba nila alam na hirap na hirap na nga magsukli yung mga jeepney driver tapos pagreresibuhin pa nila? Gusto ba nila ng traffic? Gusto ba nila tumaas ang mga aksidente sa kalsada? At dahil saan, sa pagpaparesibo nila. Alam mo, MGA FILTHY RICH KASI KAYO KAYA HINDI NIYO ALAM PANU SUMAKAY NG JEEP. Hindi niyo alam na kapag maingay yung mga tao sa harap hindi naririnig nung drayber yung mga nagsasabi ng PARA kaya nababadtrip siya. AKO ALAM KO KASI NAASAR SAKIN YUNG DRAYBER KASI ANG DALDAL KO. Sa tingin niyo ba makakapagresibo pa sila nun? NAKAKAASAR KASI SILA YUNG MAY MGA PH D DAW, KESYO ECONOMIST KESYO GANYAN E YUNG MGA SIMPLENG BAGAY NA TULAD NITO HIDNI NILA MAISIP. NAKAKAPANGGALAITI. ANG SARAP NILA KITILAN NG BUHAY. ANG SARAP NILA SAKMALIN AT ILIBING NG BUHAY.

Tungkol naman dun sa 1M pesos na ginastos ng Pangulo at ng kanyang mga EPAL NA KASAMA sa isang kainan lamang, BWISET SILA. Kahit sabihin pa nila na si Cong. Suarez yung nagbayad nun, WALA PA RING SENSE ANG GINAGAWA NILA. SA DISTRITO NI ROMUALDEZ, MAY MGA 5TH CLASS MUNICIPALITY. Ano kamo ang ibig sabihin nun? Ibig sabihin, hindi umaabot ng 1M kada isang taon ang kita ng bayan na iyon. Ibig sabihin walang trabaho dun. ISIPIN MO YUN TAPOS KAKAIN KAYO NG GANYAN-GANYAN. Susunod naman 700k-800k pesos sa isang meal ulet. ANAK NG PATOLA. Alam niyo, sa araw-araw na nakakanood ako ng Noontime Show sa buong buhay ko, ang dami kong nakikitang mga tao na tuwang-tuwa kapag nananalo sila ng pera. At yung pera na yun, minsan nagkakahalaga lamang na limang libong piso. May mga tao na unang beses pa lamang makakita ng limang libong piso ng isang bagsakan lang. Isipin mo yun, limang libo lang yun kung IKUKUMPARA MO SA 1M. Kung makahalik at makapagpasalamat yung mga tao sa host kapag nananalo sila, parang yun na yung pinakamasayang nangyari sa buhay nila. TAPOS ANU KAYO? PAKAIN-KAIN NA LANG KAYO SA EAST NEW YORK. MY ASS. Nakakaasar at nakakakulo talaga ng dugo. Ang daming taong naghihirap sa Pilipinas, baket hindi nila tulungan? ANG DAMING NAGHIHIRAP SA DISTRITO MO SUAREZ BAKET HINDI MO DUN GASTUSIN YUNG PERA MO. Nakakaasar talaga. Wala naman akong magawa kundi MAGALIT AT MAGALIT. Haaaaaay, nakakafrustrate ang ganitong buhay. Kung pwede lang talaga, Death Note na. Ako na si Light. Kill all the bad politicians. Paano ba sila nakakatulog sa gabi? Ako ng natangay ko lang yung eraser ni Regina hindi na makatulog tapos sila MAGKANO KINUKURAKOT NILA TAS BUHAY PA SILA NGAYON. Lord, sana po talaga matauhan na sila kung tao pa nga sila. RRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR. ASAR.

Tungkol naman sa pagtira nila sa media. BAKET DAW YUNG IBANG TAO MAGAGASTOS PERO HINDI TINITIRA. E HELLO, THEY DON’T FLAUNT IT. AND THEY HELP PEOPLE KAYA. Buti pa nga yung media may Kapuso Foundation, nakakatulong sila. Don’t dare put the blame on them for reporting kung anuman yung ginagawa niyong masama. KASI IT’S YOUR FAULT FOR DOING IT AT TRABAHO YUN NG MEDIA. My ass talaga. Do something kasi for the country and yun yung ibabalita ng media. LOGIC NAMAN O. GETS NIYO BA? Nakakaasar, lawyer pa yung nagsabi nun. HAAAAY NAKO, AKO NGA 15YEARS OLD MAY LOGIC E. Ewan na lang ha. Ewan na lang.

And as for the post na nabura, uulitin ko na lang.

NAKAKAASAR KASI DEPRESSED AKO SA MIDTERMS. TAS SUMAYA AKO DAHIL KAY CHANSUNG TAS NGAYON NABWISET AKO DAHIL SA MGA QENFLQBHFTLGQW NA YAN. RAWR, PAG NAKITA KO SILA, UUPAKAN KO TALAGA.

HAAAAAAAAAY. HANGGANG NGAYON HINDI PA RIN AKO NAKAKAPAGCALM DOWN KAHIT ANG HABA NA NUNG POST KO.

BOW.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: