churlaloo

Jeep Anecdotes

on August 17, 2009
Para makalma ang aking sarili, uulitin ko na yung nabura na post ko. Ang tanga kasi, baket ko ba na-X.

Huli na tong post na to pero hindi ko pwedeng palampasin kung kaya naman ikukuwento ko pa rin. :D

Background sa Storya.

Si Sarah at Jamon ang aking uwianmates. Sabay kami lagi (o madalas) umuwi. Pareho kasi kami ng ruta papauwi, sa SM. Si Jamon sasakay ng jeep pa-Munoz, si Sarah FX papuntang Novaliches at ako naman, hinihintay si Daddy para sumabay. At dahil sabay kami lagi umuuwi, syempre sabay din kami sa pila ng jeep. Ang dami naming napagkukuwentuhan at madaming nauungkat sa buhay ni Jamon. Baket buhay ni Jamon? Malamang, alangan naman na buhay namin ni Sarah. XP Nalaman namin na fan si Jamon ni Kim Bum at closet kpop rin siya kung paminsan-minsan. At syempre ang highlight ay ang pagkatuto namin ng Chinese. Kaya ko ng sabihin ang I don’t speak Chinese at I’m not good at Chinese at I’m Dianne at kung anu-ano pa. Ang dami naming natututunan kay Jamon, tungkol sa Chinese at syempre tungkol sa buhay niya. Kaya naman hindi kataka-taka na si Jamon ang pinakaclose namin ni Sarah sa mga MBB na hindi Pisay. :D Ang dami na sanang jeep anecdotes nun kung isasama ko pa yung oops, fan ako ni Kim Bum moment ni Jamon kaso tinatamad na ako magkwento ng sobrang haba. Kaya yung pinakalatest na lang. Sabi ni Sarah gawa daw ako ng Commuting Chronicles. XP Parang eto na rin siguro yun. :D Ang haba nung background, nahilo ang beauty ko (kung meron man). XP

Story # 1. The Nagpaparinig Driver
Kasama si Emman sa istorya na ito. Minsan kasi sumasabay din samin si Emman dahil umuuwi rin siya sa Bulacan. Magkatabi si Sarah at Emman at magkatabi naman kami ni Jamon. Magkatapat kami, eksakto kaya nakakapagdaldalan kaming apat nang bonggang-bongga. Kung kami pa nga lang tatlo sobrang ingay na namin panu pa kaya kung kasama si Emman. Medyo malapit kami sa drayber. Usap kami ng usap kasi malamang, madaldal kami. :)))))) May mga nag-aabot ng bayad tapos hindi naririnig ng drayber kung saan sila bababa kaya mali-mali yung sukli kaya nababadtrip na siya. Tapos may mga pumapara na hindi niya naririnig so lalo na siyang nababadtrip. Tapos isang beses biglang tawa ng tawa si Emman at Jamon. Tapos ayaw nila sabihin kung baket sila tumatawa. Naintriga naman kami ni Sarah pero dahil ayaw nila ikwento at pagkababa na lang daw, tuloy lang kami sa kwento. Pagbaba namin sinabi nila na nagpaparinig daw yung drayber na ang ingay-ingay daw namin kaya hindi niya marinig yung mga tao. Kaya tawa ng tawa sila Jamon at Emman. Grabe! Si Sarah narinig niya pero hindi niya pinansin kasi hindi siya tinamaan. Akala niya yung nasa harap yung sinasabihan. E ako wala talaga akong narinig. Kung kaya naman, FAIL KAMI. Grabe, ang funny nung incident na yun. =))))))

Story # 2. The Menopausal Driver
Kaming tatlo, nagtitipid talaga kami. Kaya naman otso pesos lang talaga binabayad namin sa jeep para makatipid ng dalawang piso. Ganun kami katipid. Isang araw, as usual si Jamon ang baryador/kolektor ng bayad. XD Siya taga-collect and tagabayad. Nagbebenefit rin siya kasi nababaryahan yung moolah niya. Anyway, nung binayad ni Jamon, tatlong SM estudyante. Tapos biglang si Manong Drayber, “E ASAN YUN ID NIYO? ISUOT NIYO YUNG MGA ID NIYO. HIHINGI-HINGI KAYO NG DISCOUNT TAPOS HINDI NAMAN KAYO NAKA-ID. UTANG NA LOOB NIYO SAKIN TO TAPOS HINDI NIYO ISUSUOT ID NIYO.” Kaya naman nilabas namin yung ID namin at ipinakita. Lahat din ng nagbayad ng otso inaaway niya. Sobrang init ng ulo niya yun. Ang aming pananawa sa bagay nito. Manong, medyo nakakakaasar ka. Pwede naman kasing sabihin nang maayos na ipakita yung ID e. Hindi naman kailangan na sigawan mo kami at ipahiya. At isa pa, alam ko Manong na mababa lang ang kinikita niyo at lalong bumababa dahil may mga estudyanteng tulad namin na mas mura ang binabayad. Pero Manong, karapatan namin yun bilang mga estudyante na mas mura ang bayad namin. Wala kaming trabaho panustos sa sarili naming gastusin kung kaya naman may discount kami. Maaari ngang utang na loob namin sayo ito pero huwag mo ipamukha sa amin na ninanakaw namin ang dapat na kita mo dahil karapatan namin magkadiscount, Manong. At tsaka Manong, sa dami ng estudyante na nagbabayad ng sampung piso, hindi ba’t ang dami na ring dalawang piso na labis doon? Kaya sana huwag kang ganyan.

Kaya naman ngayon, pag sumasakay kami ng jeep, tinitignan namin yung drayber. At nung minsan nasakay kami kay Drayber # 1 (wala si Jamon kasi nakisakay siya sa car ng kaibigan niya), hindi kami makadaldal ni Sarah kasi nasa may harapan pa kami. At lagi na kaming ready with our IDs in case masakay kami kay Drayber # 2. XPP


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: