churlaloo

dilis

on August 14, 2009
Hindi na nagchcheck ng attendance si Sir Zara. Nagpapapass na lang siya ng yellow paper sa klase tapos kung kanino man niya iabot yung papel, magbibigay ng tanong yung unang tao tapos sasagutan ng klase. Bale ‘yun na yung attendance namin. Naalala ko tuloy si Demm kasi ganun siya magpa-attendance sa Electron dati.

Anyway, hindi yun yung topic ng post ko. Hahahaha :))

Nung Wednesday kasi, ang tanong, “If your crush were an animal, what animal would it be?”. Hindi ko maalala kung sino yung nagbigay ng tanong pero basta ayun. Yung mga nauna samin ni Sarah (magkatabi kasi kami ni Sarah at nasa dulo kami ng front row) ang mga sagot, rabbit, dog, puppy at kung anu-ano pang mga animal na cute at adorable at lovable. Nung si Sarah na yung magsisign, tinignan ko yung tanong tapos ayun nga yung tanong. Nag-iisip ako ng isasagot ko kasi hindi ko talaga alam. Tapos bigla kong naisip si Eunhyuk. Edi ba yung mga SuJu may mga animals silang counterpart. Parang ganun. At si Eunhyuk ay isang dilis. XP So sinulat ko dilis. As in dilis lang, walang kahit anong emoticon o tawa man lang. Alam mo yun, parang seryosong sagot. Tas pinasa ko na sa likod. Tapos tawa ng tawa si Sarah kasi ang weird daw ng sagot ko. Sabagay. :)))) I mean, DILIS? Bakit dilis? Anung meron sa dilis? =)))) HAHAHAHA. And weird ko talaga, nakakatawa na lang. Ano kaya reaksyon nung ibang nakabasa ng sagot ko na gusto ko dilis yung crush ko. =))) Ewan na lang. XP

Ang chaka, walang matinong final words yung post ko. Wala lang, gusto ko lang ishare yung sagot kong dilis. XP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: