churlaloo

iyak na lang tayo

on August 13, 2009
Ang hirap magsulat nang diretsong Tagalog. Masyado na akong sanay magsulat at magsalita ng may “HAHA” “i know right” at kung anu-ano pa. Sabi ni Sarah edi magpost daw ako na may mga ganung salita. Kaso pakiramdam ko hindi ganoon kapormal kapag may “HAHA” at emoticons. ‘Yun pa pala isa, ‘di na ata maihihiwalay sa akin ang emoticons. Mapa-text, chat o kahit nagsasalita lang ako. Hay ang labo ng buhay.
Ang dami kong gusto ipost kaso nauubusan na ako ng oras. Mali, hindi pala ako nauubusan ng oras. Masyado akong madaming ginagawa kung kaya naman wala na akong panahon magsulat. Kulang pa nga ang oras ko para sundan ang bawat galaw ng mga iniidolo kong mga Koreano at para manood at humiyaw ng mga telenobelang Hapon/Koreano.
August 19, dali-dali! Kelangan ko ng break. Kelangan ko ng panahon manood ng mga videos sa youtube. Naalala ko talaga yung kanta ng Peryodiko na may pamagat ng Bakasyon. Heto ang lyrics.
kailangan ko ng bakasyon
maaari bang magpahinga ang puso kong
patalon-talon tuwing nabibitin
sa kung ano ba ang alin

Hindi ako in love at hindi rin ako broken-hearted. Haha. (Hayan na ang mahiwagang HAHA.) Siguro broken-hearted ako sa mga Koreano at Hapon. Haha. Pero kailangan ko talaga ng bakasyon. Kailangan na talaga. Pakinggan niyo nga pala ang kantang ‘yan kasi maganda ‘yan. Magaganda kanta ng Peryodiko, sayang wala akong pambili ng CD nila.
Kailangan ko pa gumawa ng post-lab. At matutulog na rin ako. :D (At ayan na ang mahiwagang emoticon.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: