churlaloo

banyo

on August 12, 2009
Pinipilit ako ni Sarah magsulat. Lalo na at gusto ko raw kasing magsulat. Isa kasi sa mga pangarap ko ay maging isang mahusay na manunulat. Hindi ko naman pinapangarap na maging propesyonal na manunulat pero gusto ko maging magaling na manunulat. Marahil nalalabuan ka na sa akin dahil parang pare-pareho lang ang mga sinasabi ko. Basta, hindi mo na kailangan intindihin. Pero dati (hanggang ngayon naman), pangarap ko manalo ng Don Carlos Palanca Award. Bongga kung bongga pero mataas talaga ako mangarap. Wala namang masama, hindi ba? Napapalayo na ako sa dapat na paksa ng post na ito. Hinahamon ko ang sarili ko na magsulat nang maayos na gamit ang Filipino. Hamon rin ito ni Sarah para sa akin. Sana matupad ko. Kaya kung mapapansin mo, diretsong Tagalog ang post na ito, maliban na lamang sa salitang post. Masakit na ang tiyan ko, kailangan ko na magbanyo. Paalam na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: