churlaloo

teletubby

on May 28, 2009
kanina nga pala ay pumunta akong dlrc sa up para sa aking landbank atm card! yehey! dun ilalagay ang aking stipend! yehey!

anyway, ang aga ko. 8am pa lang andun na ako. kaso sarado pa yung casaa so hindi pa ako nakapagpaphotocopy. e hindi naman kelangan na may collar yung picture so keri lang.

medyo matagal din ako naghintay pero nung may number na, mabilis na. ang CHAKA ko lang dun sa picture ko dun sa card. HAHAHAHAHA! =)) kadiri. buti atm card lang yun at hindi siya ID. XP

before lunch tapos na ako kaso hinintay ko pa matapos si erin. magkasama ako si erin at zaldy forever. nung lunch time na, humiwalay si jenny kasi may practice pa daw yung mga RA. so kami naman ni erin at zaldy, kumain sa casaa. sa sizzling. ang alat nung gravy. anyway. kasama rin namin kumain si jombo. ang daya talaga ni zaldy nagpalibre ba naman sakin. pero sagot naman niya drinks. iced coffee. e hindi ako mahilig sa kape so halos siya rin uminom nung akin.

parang akong shunga kanina. kasi super inuubo ako. tapos sinasapak ko si zaldy kapag umuubo ako. hahahahaha. sorry zaldy. anyway, ayun. after kumain, naglakad kami papuntang math building sa teletubby way. at may narinig kami. :))))

girl: e kasi di ba pinuprove mo na 7 is not equal to zero blahblah
erin + zaldy + ako: ano daaaaw?

grabe, naaamoy na namin yung amoy ng mga bagsak sa math. HAHAHA =))

after nun, balik dlrc na rin. kasama pala namin si jombo, onats at trishia papauntang MB. pero pabalik, hindi na. bumaba ng kamia si erin tapos kami ni zaldy, nag-ikot talaga kami ni zaldy para malaman yung ruta ng ikot. :))) 

pagkatapos ng isang ikot, baba na ulet kami ni zaldy sa kamia. epal si zaldy, uwi na raw siya. so sinamahan ko na lang ever si erin. at nagkasabay at chinika pa kami ni mike. tas nag-aya magtaxi si mike. sabi namin ayaw namin kasi wala kami pera. akala ko kasi maghahati ng bayad. e libre naman pala niya so ayun. magtataxi kami! yey! kaso walang dumadaan na taxi so nagjeep kami hanggang vinzons. nashock si mike nung sinabi ko na lalakarin. sagot ni mike yung jeep. tas nung binayaran siya ni erin, parang asar epek pa siya. sabi nga niya, kung mag-aaya ka, dapat ikaw magbabayad. sasakay kami dapat ng taxi sa vinzons kasu walang dumadaan. e medyo lumamig na rin although super init. super init sa dlrc kanina. hindi na nga maka-absorb anymore yung panyo ko e. :))))))) 

anyway, sagot na naman ni mike ang ride. nakakaasar si mike, nahihiya ako. kasi sagot niya lahat. pero at least nalaman namin na sale sa trinoma. tapos chika ever. may nakasakay pa kaming 08 na pisay.

tapos bumaba na sila ni erin sa trinoma kasi dun sila baba. ako sa sm kasi kinuha ko pa yung GC ni dadi. ayun, tas umuwi na ako.

yung katabi ko sa bus, matandang babae. hindi naman ako matapobre kaya tinabihan ko siya. kasu nung minsan, dumudura na siya dun sa gilid ng bus. grabe, yun naman yung ayoko. ako kasi yung tipo ng tao na kahit may plema na sa bibig ko, baka lunukin ko pa kesa idura. sa loob pa ng bus. ayun, basta blahblah. nakauwi na ako. XD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: