churlaloo

E. coli festival

on March 17, 2009

so dapat S namin kahapon. hinatid ako ni daddy sa pisay tas sumama na lang ako kina tita dory at karl sa pcmc kasi magpapatingin si karl nung malalang ubo niya. mukhang may hika daw siya. tas nung medyo feeling ko malapit na umalis papunta kina cam, sumakay na ako ng padyak papuntang mcdo quezon ave. tas pagdating ko dun, wala akong nakitang katok in sight! aysus. kaya naman pala. sa mcdo mindanao ave magkikita. kung sino man nagsabi sakin na sa q. ave, amp. anyway, so nastress naman ako kakapadyak at super naexpose na ang pores ko to smoke. XD pagdating ko naman sa mcdo mindanao ave, hindi daw tuloy ang S at puro katoks na lang andun. cancelled na dahil naman ang onti ng batoks. si goma bear/piolo nga lang ang dumating with mama bear. dapat si apple din andun kasu late. di na namin pinapunta. eto namang anak ko, malandi, ayaw pumunta. tinatamad daw at feeling e pinaglalaruan lang namin sila. asar. bahala nga siya. i really don’t care na lang.

pagdating sa mcdo ay naglaro lang kami ng the animal game. at ang nerdo talaga nga namin. tas ang ingay pa namin sa mcdo. hohoho. tas after so long, umalis na kami. at naisipan naming maglakad na may hawak na kandila. so mukha kaming nagpuprusisyon. pinangfencing ko pa yung kandila. :)) dapat magthe annex kami kasu pinuntahan muna namin yung mga katoks na naghihintay sa may volleyball court. sayang di natuloy. tas ang tagal namin nag-usap dun. tungkol sa S, tribute nila samin at kung anu-ano pa. nauntog pa ako sa fence so nagkabukol pa ako. dapat magpapasundo na si cam kay mama niya para makaalis na sila at makapgswimming na kami sa bongga nilang bahay sa whitney at para maisuot ko na ang aking outfit na pinaghandaan ko pa na black and white ang theme. pero hindi rin natuloy. so naglakad na kami to trinoma. di na kami nagthe annex kasi ang layo. *madami kaming nakitang kababalaghan habang naglalakad tulad ng tumataeng bata sa pader ng pisay at umiihing bata na rin.* nagpalamig sa trinoma. dapat manonood kami ng movie. unborn. kasu ayaw ni verge kahit ilibre pa namin siya. tinamad na rin kami manood kaya nagvideoke na lang kami sa timezone.

as usual, pinanood yung mga madramang background dun sa videoke. ang ganda nung mga story. isa yung clay na namatay tas yung isa yung sirena. ohwell. after niyan, kain naman kami sa landmark. at naganimal game at nagplant game na rin kami. :p after nun ay akyat ulet sa timezone pero di na kami nagtimezone. natuloy na ang aming quezon memorial circle plan. habang kinukuha nina norman yung gamit nila sa package counter, dapat pupunta na kaming mercury drug kasi dun magkikita. e nakita namin (ako, jhon, moony at verge) na may bantay na yung fitness first na booth. lose 100calories tas magkakaroon ka ng free 1-day VIP pass sa fitness first. so dalawa yung equipment at naglose nga kami. 20+ calories lang nalose ko. heehee. si verge gumawa nung most of the exercise. ang fun niya tas nainip na sina norman at rej. hahahahahha! :)) so punta na kami hintayan ng jeep. :p dapat kasi kanina pa kasu mainit na. tapos ang tagal namin naghintay sa hintayan ng jeep. tas pagdating qmc, uminom ng buko juice. tas naglaro lang kami sa playgrounds. swing at ang peyborit namin ni verge na, SEESAW. it was so fun nung nagseesaw kami. heehee. :))

tas nag E. coli festival na kami! kumain kami ng worth 100+ pesos ng kwek-kwek, pishbol, chikenbol at skwidbol. ang saya-saya talaga. tapos umuwi na kaming pisay ni jeffrey at nakipagchikahan naman sa mga tao. at finally, umuwi ng dorm.

di kami umattend ng grad practice. hohoho. :)) wala naman daw halos ginawa e. :D

pinahiram na rin ni maesor yung artemis fowl kaya nagbabasa na ako. :))

at nagplurk lang ako hanggang 3am. yeah! :D:D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: