churlaloo

Nicknames

on December 1, 2008

Minsan, natatawa talaga ako kapag naiisip ko kung paano nagkaroon ng sandamukal na nicknames ang isang taong katulad ko na sobrang pinag-isipan ng mga magulang ang pangalan – Dianne.

Well, ‘yan lang naman yung given name ko. ‘Di naman ako tulad ng Sor Twins na andaming pangalan. So ewan ko ba kung bakit andaming tawag sakin bukod sa Dianne.

Di-anne. Tawag ni Timmy sa akin. Sa ganyang paraan niya rin ako inintroduce kay Chris Chew.
Di-aaaaaaaaaannnne. Tawag ni Timmy kapag agitated, excited o kinakabahan para sa mga long test.
Dayan. Tawag sakin ng ibang taong tinatamad ispell ang pangalan ko. Ganyan ko din ispell ang pangalan ko kapag tinatamad na talaga ako.
Dian. Variation ng Dayan sa text. Pag tinatamad na.
Danay. Tawag sakin ni Isay, Ate Honey at ibang 08. May mga ibang FC din na nakakaasar na tinatawag akong ganyan kahit di kami close. :))
Jacob. Espesyal na tawag sa akin ni Regina, OJ at Sir Tayco.
Jollibee. Tawag sa’kin nina Roy Tia at Driza. Si Meñez minsan tinatawag pa din akong ganito.
Tababee. Tawag sakin ni Fungeeboy.
Junanak. Tawag ng Nanay ko sa’kin kapag tinatawag ako para kumain.
Mamee: Hoy mga junanak! Kakain na!
Mamee. Tawag sa’kin ni Onats. Kasi ako yung nanay niya sa Ramayana. Tinawag din niya ako minsang Siddharta dahil kamukha ko daw yung cover nung Siddharta niya.
BadingB. Tawag sakin ni Mamah (Cyd). :p
Ms. Acoba. Tawag sa’kin ng aking Dear Adviser, si Papa Kent. Never pa niya ako tinatawag sa first name ko.
Jake. Si Malanding Regina lang tumatawag sakin nito.
Binukot. Tawag sakin ni Dear Purveyor ko, si Quiloves. Eh kasi nagsimula ‘yan nung nanood kami ng documentary sa Pinoy. Eh dahil alalay namin siya ni Baj, kami ang kanyang mga Binukot.
Ma’am Fermin. Tinawag ba naman ako ni Vitug na ganito. Ay nako.
Anne. Tawag ng mga nambubwiset sa akin. Please lang. Wag na akong tatawaging ganito.
Diane. Tawag ng mga taong hindi alam ang spelling ng pangalan ko.
. Tawag ng mga nang-aasar. 
Ka-PACT. Tawag ni Zaldy at Verna dati. Miss ko na ang PACT.
Bading/Bakla/Bells/Chongga/Chuba/Hoy. Generic na palayaw ko. Pwede mo ring palayaw ‘yan. Kadalasang si Baj ang maririnig na tumatawag sa’kin niyan.
Jacoba. (dya-ko-ba). Tawag sakin ni OJ. Madalang gamitin.
Babaeng Hindi Naman Kagandahan. Tawag ng Lola ko sa’kin. Isama mo na rin angSudalay (ganyan ko ipronounce ang Suklay nung bata ako).
Ninang. Tawag ni Karl sa’kin.
Yan. Tawag sa’kin ni Gayet. Pinsan kong bata. Yan lang ang naiinitndihan kapag tinatawg niya ako.
Tita. Tawag sa akin ng 20++ kong mga pamangkin. Andami kasing kapatid ni Mami ko kaya andaming ganyan ang tawag sakin.
Acoba. Tawag ng ibang tao. Uso ‘to sa mga CO. :p
Ate. Tawag ni Lianne. Tawag din ng mga lower year.
Ate maSKara. Tawag ng mga Batch 2010 na nambubully sakin.
Punong Babaylan. Tawag sa’kin ni RJ dahil sa Cui Bono.
DianneLabidubski. Tawag ni Emmanbabes sa’kin. :)
Ms. Shades. Screen name ko nung fair.
Albino. Eh kasi hindi ako nagpapatawag ng niggah. Kasu maitim na ako ngayon. :(
PRO. Tawag sa’kin ni pro-neil. :)

Hindi ko na maalala yung iba. Kapag meron kayong naaalala, icomment niyo na lang. :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: