churlaloo

Lab Kowts

on December 1, 2008
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
5. “Ang Pag-ibig parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
19. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
20. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
21. “Minsan alam mo na kung anong sagot sa gusto mong itanong sa kanya pero sige tanong ka pa din ng tanong kahit alam mong masasaktan ka lang.”
22. “Ang alam mo kayo pero sa kanya kayo ba? Ang alam mo gusto ka niya pero alam mo ganun din siya. At ang buong alam mo din mahal mo siya pero ang tanong mahal ka din ba niya?”
23. “Katangahan bang lumapit kahit umiwas na siya? magpapansin kahit binabalewala nya lang? maghintay kahit sa wala? ikaw ba ang tanga o siya? dahil hindi nya maunawaang sobrang mahal mo siya?”
24. “Minsan may mga bagay na hindi dapat sabihin sa kanya hindi dahil gusto mong iligtas ang sarili mo o dahil ayaw mo talaga, kung hindi dahil ayaw mo lang siyang masaktan o gusto mo na maging masaya pa rin kayo sa kabila ng lahat.”
25. “May pagkakataon na gulong-gulo ka dahil pinasok mo ang magulo at mahirap na sitwasyon, Magulo, dahil hindi mo alam kung paano ang gagawin mo, Mahirap, dahil alam mo na masakit at hindi mo rin kayang mawala siya sayo.”
26. “Masaya ka kapag nandiyan siya, nakikita at nakakasama, pero paano na lang bukas kung wala na siya. Masaya pa din kaya?”
27. “Naaalala mo ba ang mga linyang eto. “Gaano kadalas ang Minsan.. Once? Twice? Thrice? More?” eto ang tanong, Ikaw gaano kadalas nga ba ang minsan mo?” HAHAHA


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: