churlaloo

kwento-kwento.

on October 12, 2008
sa october 26 na nga pala yung DLSUCET ko. 8am – 12:30pm. andami naming magkakaroom. ako, si baj, rej, mentos, jer, rj, macoy, quilab at madami pang iba. :))

on depressing matters. from 2.75, naging 3.00 ako sa math. 52 yung raw score ko, dati 57. yung 5% na difference eh dahil never ako nagrecite. kaya 0% yung recitation ko. eh 5% yun ng grade. kung nagrecite sana ako, edi sana 2.75 pa din ako. waw, antaas ng pangarap ko. ang pangarap ko lang sa math ay makapasa. masaya na ako basta makapasa ako. pag lumagpas pa a pagkapasa, sobrang bonus na lang yun. dahil bumaba nga ako, ayan, pinapaghanap na ako ni dadi ng tutor. magtututor na daw ako para naman pumasa daw ako sa math. sa manila pa ako magtutor. gusto ko kasi sana sa bahay na lang. haaaaay.

nung october 6, nagpunta kaming la salle para magsubmit ng applix form. naextend eh kasi naman nasunugan na nga kami. ako, si rej, bawang at menez. hehehehe. :)) super lakas ng ulan nung umalis kami ng pisay kaya naman sooooper wet kami nun. nagparushID pa kami ni rej dyan sa may agham na nagkakahalagang 70pesos kahit ampanget. naging yellow yung ends ng buhok ni regina. :)) nagpedicab papuntang mrt. soooooper nabasa. nilamig sa mrt. :)) nagkwentuhan lang. pagdating sa la salle, antagal namin. andami kasing problema. pero nakachikahan naman namin ni rej yung mga ate dun tas nanghingi si rej ng picture ng gwapo. binigyan siya. e naawa naman si rej sa akin wala akong picture ng gwapo so binigyan din ako ni ate. :)))) mas matino yung kay rej pero pwede na din yung sa akin. mayaman e. at least alam ko name. :))) kulang pa pic ni king cantos kaya naman nagparecopy pa ako sa netopia. naabutan din kami nina ram, jer at rj. so go, go, go. kumain kami sa mcdo tas nagLRT na kami papauwi. tas trinoma lang saglit para bumili ng extra joss. :))

kinabukasan, inaway-away ako ni ram dahil di daw siya nakatulog dahil sa extra joss. :))

walang madaling perio. yun lang masasabi ko. parang pinatay yung brain cells ko. ambaba ko sa bio, di kasi ako nag-aral nang mabuti. almost passing lang. tas yung p6 practest, pati yung chem, nakamamatay din. pero huwag natin kakalimutan ang deadliest of them all, yung PUTEK na econ lt na yun. nag-aral naman ako nang mabuti pero to no avail. yun yung tipo ng test na maari kang makabokya. PUTEK.

fun naman yung health video. ang funny eh. tas medyo mahirap yung comsci long test. di ko pa din nasubmit yung lab work. gawin ko na nga ngayong sembreak.

nung thurs night, medyo nakinood lang ako kay amag ng 1 liter of tears. maganda nga siya. gusto ko simulan. bukas na siguro ako manonood nun kasi magaalasdose na. :)))) ipaalala sa sarili na itext si dadi bukas kung ano ang landline ng lsc. naiyak na daw ng ilang beses si amag dun sa 1liter of tears. kinakabahan tuloy ako. paano pa ako? e si amag yung tipong di naman palaiyak e.

super nanood lang din ako ng big bang nung thurs. bwahahahahaha. :)) nung wed naman, pinanood ko yung mga music vid starring yoo seung ho. super tangkad na niya ngayon at super gwapo na din. :)) tas napanood ko na din yung season 1 episode 7 ng life with derek kasu di ko mapanood yung episode 8 kasi binura na ata ng youtube. :(( kaya puro big bang lang ako.

akala ko dati pareho lang yung haru haru tsaka yung lies. magkatunog lang pala. :)) dinodownload ko na ngayon yung 2nd concert album ng big bang. e kasi naman, dapat tapos na ito kanina kasu si dadi nahugot yung avr so umuulit na naman ako. ang bata pa pala ni seung ri. :)) crush ko na din siya. tas idodownload ko pa yung drama starring t.o.p. grabe, ang badboy niya dun. super hawt. :x so seung ri fan na din ako. si tae yang na lang di ko masyadong gusto. e kasi super pro ng boses ni dae sung kaya kahit di siya ganun ka-oppa e kebs lang. :))

tatapusin ko na itong post ko. ang haba na niya e. :p

sana may magsub na ng kansahoujin. super miss ko na si takac.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: