churlaloo

mahirap kapag nakalock yung bahay tapos wala kang susi.

on October 3, 2008
dahil nga andito ako kina karl at nakikileech ng internet connection dahil warak yung sa amin, napagdesisyunan naming magkapatid (ako tsaka si lianne) na kina karl na magstay. wala kasi si derek (isa ko pang kapatid) dahil nasa school siya pati si ate mira kasi siya bantay. ang swerte din ni lianne na wala din siyang pasok kasi bulprisa tapos si karl din wala pasok kasi nga bulprisa.

pagkagising, kumain kami ng breakfast ni lianne. tapos sabi ko, dun na nga lang kami kina karl magstay. dun na din kami manood ng conan. kasu pagdating namin don, nanonood yung yaya ni karl ng madelaine so no choice naman kami kundi makiayon na lang at manood. after naman nun ay cardcaptor sakura. namiss ko na din yung kuya ni sakura. (toya/touya whatever. xp)

habang busyng-busy ako sa aking new michael seater fandom at ang panonood ng life with derek episodes sa youtube, nagkukulitan lang si karl at lianne. ang tawag ni karl dun sa pusa niyang stufftoy ay TEDDY. inaway pa ako kasi teddy daw yun. sabi ko meow yun e. syempre talo si ninang.

NANG BIGLANG NAGWAWALA SI LIANNE. umuwi daw siya ng bahay at napagalaman niyang wala kaming susi. sabi ko, aanhin naman natin ang susi eh hindi naman nakalock ang bahay. YUN ANG AKALA KO. nilock pala ni lianne yung bahay para daw safe. WAAAAAW. at ngayon ay wala sa taguan ang susi. di pa din umuuwi si ate mira at derek at sila lang ang marahil may dala ng susi. pero sabi ni lianne wala daw dalang susi si ate mira. HALOS MALUKA NA AKO KAKAISIP PAANO KAMI PAPASOK NG BAHAY. 1:30 na noon at gutom na kami. la kami lunch. ayoko naman makikain kina karl kasi nakikileech na nga ako ng connection tas makikikain pa ako.

buti na lang talaga matalino ang ate ni lianne. at malinaw ang mata. NAKITA KO ANG SUSI AT BINUKSAN KO AGAD ANG BAHAY. successful ang mission. nagtatalon sa tuwa si lianne at karl. nakakain na din ako. kaya ngayon sabi ko kay lianne, sa bahay na lang siya para maiwasan ang mga insidenteng tulad nito.

BAW.

inlababo na ako kay michael seater. buti na lang meron namang episodes sa youtube. :p susunod kong imarathon yung drake and josh kasi miss ko na si drake. tas susunod naman yung naturally, sadie. miss ko na si rainbow padakis. :p

exciting naman ang impromptu looooong weekend lalo na kung di ka makapasok ng bahay. :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: