churlaloo

sunog sa pisay.

on October 2, 2008
marahil ay alam na ng lahat ng taga-philippine science high school ang masaklap na pangyayaring naganap noong ala-una ng madaling araw noong ika-30 ng setyembre. nasunog ang faculty center.

bago sa mga malungkot na bagay. konting kwento muna. :)

pumasa ako ng math long test. sana pumasa na ako sa math.

marahil iyan na lang ang naaalala ko dahil nasa sunog mode pa din ako.

nag-aaral ako para sa periodicals ng gabing iyon. natulog ako ng bandang 12mn kahit hindi pa ako tapos mag-aral ng econ. bigla akong nagising sapagkat ang init. may nakatapak na naman ata sa extension cord ko at dahil dito ay namatay ang aking bentilador. pagkabangon ko, sakto naman ang pagdating ni regina sa kwarto at nagsisigaw siya na nasusunog ang shb. noong una ay hindi ako makapaniwala marahil na din siguro sa hindi naman kapani-paniwala na masusunog ang shb. first time ko masunugan ng school kaya hindi ko alam ang ieexpect ko. nakapikit pa ako at nakayapak habang tumatakbo kami ni regina patungo sa bintana upang makita ang sunog. bagamat hindi ko man nakita ang apoy, nakita ko ang malaking usok na kalakip nito. para bang may ulap na bumaba. may dalawang fire truck ayon sa aking nakita at andmaing kotse sa field.

sinabihan kami na tapos na daw ang sunog kung kaya naman bumalik na kami sa aming mga kwarto. alas-dos na noon. naganap daw ang sunog bandang ala-una. napaisip kami sa dorm. sa panahong ito ay halos gising na ang lahat dahil sa ingay ng lahat ng nakakita. iniisip namin kung paano na ang recommendation form ni regina na marahil ay nasunog na sa cubicle ni maam bawagan. ang silk screen nina baj. ang picture ng mga anak ni maam aguila (tama ba spelling?). naisip din namin ang mga cheatsheet namin sa english. at ang aming mga long test at paperworks. at ang aming grades.

dahil sa pangyayaring ito ay hindi na kami makatulog. nagkwentuhan na lang kami tungkol sa naganap na sunog at kung ano o sino ba ang salarin. nag-aral na din kami dahil sa tingin namin ay matutuloy pa ang perio kinabukasan. alas-kwatro na noong natulog ako.

bandang ala-singko ay nagising ako sa sigawan ng mga tao na wala na daw pasok. hindi ko ito pinansin dahil no big deal naman para sa akin. ngunit sadyang napabangon ako noong sinabi na bawal pumasok sa shb. naisip ko agad, paano na ang recommendation forms ko??! sadyang susugod na kami sa telepono sa baba upang pakiusapan ang la salle na iextend ang submission ng application form. nabanas lang kami dahil parang ayaw pa nila. NASUNUGAN NA NGA KAMI HINDI NIYO PA DIN ICOCONSIDER? anak ng shunga.

pagkatapos maligo ay pumunta kami sa ruins ng faculty room. bawal pumasok ng shb kaya sa walkway na lang kami. pinapasok kami ni sir reygie ng shb kung kaya naman nakuha ko ang recomm form ko. nag-usap lang kami dun at binigyan kami ni sir reygie ng scical. =)) dumating din si bentot at nakigulo.

pinalayas na kami doon sapagkat tapos na ang meeting ng mga teacher at nameet ko din ang anak ni maam bonics na si carlos vincent raphael/rafael aka kushi. hindi ko alam kung ganyan ang spelling basta yan yung pangalan ng isang equation sa physics. tama bang ipangalan ang equation sa anak. xylene talaga ipapangalan ko sa anak ko pag nagkaganun. JOKE.

pumunta kaming front lob at nasaksihan namin ang mga cubicle-less teachers. tinulungan si maam paz magpatuyo ng long test answer sheets at nagpapicture sa photographer ng newspaper. initerbyu namin bawat isang teacher at lahat sila ay mukhang devastated. si sir jogon na 32 years ng cubicle yun. nasunog pati ang kanyang uniform at sapatos. himala namang nakasurvive ang laptop at ipod ng isang teacher. swerte ang iba na nabasa lamang ang kanilang gamit. kawawa yung iba na nasunugan talaga. pati computer natunaw.

umalis kami ng frontlob at kumain sa caf. naisip namin ang lungkot na nadarama ng aming mga guro. ang saklap talaga ng pangyayari. pero ganun talaga. kelangan na lang natin sila tulungang bumangon.

kinuha ko recomm ko sa shb at chumika kina maam len. uuwi na si rej ng biglang umulan. kinuwento niya muna yung tundo.

nilayasan na ako ng sambayanan kung kaya naman nakatulog lang ako sa dorm. nagising ako at kanina pa pala naghihntay si daddy sa baba. umuwi ako at nanood ng dyesebel. patay na si buboy. :(( nanood ng drama at natulog. :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: