churlaloo

hiroki narimiya my <3. :X

on September 14, 2008
kung hindi dahil sa panaginip na ito, makakalimutan ko na lang na birthday pala ng isang labs ko, si hiroki narimiya. isa siya sa mga unang japanese actors na nakilala ko. at nagustuhan ko. sa unang napanood ko na japanese drama, ang gokusen, si jun matsumoto ang pinakapaborito ko. pero sumunod kay matsujun ay si hiroki narimiya. so masasabi kong siya ang pangalawa kong minahal sa lahat ng mga japanese actors na kilala ko.

kanina, nanaginip ako. birthday daw ni hiroki narimiya. tapos parang kuya ko siya. syempre mas matanda siya sa akin eh. pero ako kasi may gusto ako sa kanya. pero dahil mas bata ako, alam kong hindi naman niya ako titignan. para lang akong kapatid sa kanya. tapos matagal ko na daw siyang di nakikita kaya pinuntahan ko siya sa store na pinagtatrabahuhan niya. yung hairstyle pa niya dun ay yung hair niya sa nana. tapos isusurprise ko daw siya sa pagpapakita ko dun at pagbati sa kanya. tapos kinontsaba ko yung iba niyang katrabaho. tapos kunyari daw may naghahanap sa kanya. tapos pagtingin niya, ako lang pala. tapos naghappy birthday ako. tapos naiyak ako nung nakita ko siya. as in umiiyak na ako kahit tulog ako. GRABE. SUPER INTENSE. tapos di na lang daw niya ako masyadong pinansin. umalis pa siya at nagbike papalayo sa akin. habang umiiyak ako at tinatawag siyang kuya.

haaaay. andrama ng panaginip ko. tas after nun, nagising na ako at narealize ko na birthday nga pala ni hiroki narimiya ngayon kaya siguro nagkaroon ako ng ganung panaginip. pero grabe, anlupet. tapos dahil dun may naisip na akong love story. parang di alam nung mas batang girl na may gusto din si kuya niya sa kanya kasu nga di pwede kasi malayo ang age gap. kung alam lang nung girl. haaaay.

anyway, HAPPY 26TH BIRTHDAY HIROKI NARIMIYA!
ang pangalawa sa mga unang labs ko. :X:X:X


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: