churlaloo

i <3 food stubs. :X

on September 7, 2008
so masaya naman yung family day nung saturday. :)) 2nd ang red! weehoo! <:-p anyway, masarap yung food dun sa salu-salo tas super nabusog ako. ang konti pa lang nung kinain ko pero super nabusog na ako for some unknown reason.

pagkatapos nung salu-salo ay card-giving na. nagulat nanay ko kasi ambata daw ng adviser ko. hahahahaha. :)) tapos ayun nga may bagsak ako, yung math. tapos well, wala si sir petri so magschedule na lang daw ako ng appointment. haaaay.

inaantok ako after. parang ang sarap humiga lalo na’t malinis ang room. so imbis na magtrinoma kami ni mami, sabi ko tulog na lang. di ako umattend nung briefing for the ushers para sa alumni homecoming later kasi natulog lang kami ni mami. tapos nung kelangan na yung mga ushers, iniwan ko na si mami sa frontlob para sunduin ni dadi at lianne kahit labag sa kalooban ko.

grabe yung alumni homecoming. sobrang nakakastress. may mga taong nagrereklamo pa at parang naaasar sa amin. di naman namin kasalanan yun kasi di pa kami ready nung biglang nagsidatingan sila. ni hindi pa nga nasasabi ni maam barrer yung instructions kung kaya naman andaming nangyaring hindi maganda. tulad na lang nung foodstubs issue ni verna. na hindi naman niya kasalanan. hindi naman kasi inexplain sa kanya ng maayos tapos sisihin siya. ang gulo-gulo talaga nung sistema. as in supeeeeerrr. tapos 3hours++ din kaming nakatayo lang ni king dun sa registration area. eh kasi naman walang upuan. tapos yung free food na inaasahan naming lahat eh walang lasa at overcooked. di pa fresh yung ingredients. di ko nga naubos kasi sobra nga naman talagang saklap na yun lang ang ipapakain nila sa amin. nung bandang 9 na, nagsara na nag registration area so free to party na kami. pero may iba pang trabaho tulad ng pagbibilang ng boto. tapos malay ba namin na yung kasama namin eh ex-director ng something ng pisay basta si mr. ra.ff.y sal.da.na. pinipicturan niya kami nang walang pakundangan at nagpapicture naman kami. hahahahaha. =))

tapos ang saya nung homecoming kasi may bago akong naging chummy. si migo. before di talaga kami naguusap nun pero ngayon chummy-chummy na talaga kami. eh kasi minsan umeepal siya dun sa place namin ni king so nag-uusap na din kami dun. tapos lagi na kaming magkasama nung gabi. kasi nagpapasama ako at nagpapasama din siya. nung nauhaw na siya, kasama namin si king, bumili inumin tapos nagparty na kami. yung iba kasi andun pa sa labas. kami nakikiparty na. TAPOS MAY NAGBIGAY SAMIN NG FOODSTUB. weehoooo! =)) super saya namin nun kasi at last ito na ang time para makakain ng matinong food. so todo bili kami. tapos pati pala sila chesca binigyan din ng foodstub. ambait talaga nila. so kain-kain tapos may nagbigay ulet! after nun andami na talagang nagbigay.

so inaya na din namin yung iba. share your blessing ika nga nila. TODO KAIN. tapos nang biglang naging dance time na. super wild talaga namin. nakatayo na nga kami sa mga upuan. kahit ancient na yung mga kanta, sige pa din! kain pa ng kain. dami kasi namin foodstub. =))

tapos nung medyo matatapos na, lumapit kami nsa harap at doon kami nagsayaw. yung iba nga pinaakyat at umakyat pa ng stage e. ahemahem. =)) buti nga nakapagstay kami ng matagal eh. kasi nakay maam butaran yung susi ng dorm. so kung kelan siya uuwi, sasabay kami sa kanya. eh sabi niya party all we want daw. so TODO PARTY NA TALAGA. ang fun pa nung mga dance steps ni sir petri at ni sir vlad. =))

pero syempre lahat ng bagay may katapusan. nung tapos na, inuwi na namin ang enfakid gift packs at umuwi ng dorm. weehooo! super pagod kaya nakatulog agad. =)) next post na yung open house. :))


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: