churlaloo

time space warp ngayon din!

on August 17, 2008
sinu bang taong di nakakaalam nung line na yan? joke lang, siguro yung mga batang hindi na nakaabot na pinapalabas yan. o kaya yung mga batang sadyang di nanonood ng tv.

pero baket nga ba yan title ng post ko?

wala lang. gusto ko lang. blog ko ito eh, hehehe. :))

pero actually, may hangover pa kasi ako sa panonood nung the girl who leapt through time. sinu ba naman ang ayaw sa konsepto ng time machines, ng pagtravel across time, ng pag leap back sa time. siguro kasi marami akong gustong takasan, gustong ibalik, gustong baguhin, o gustong mangyari.

oo na, alam ko namang boring at walang patutunguhan ang post na ito. baket mo kasi binabasa di ba? pinilit ba kita? :)) pero since nasimulan mo na, ituloy mo na lang di ba. :))

kung totoo sana ang concept ng time machines, madami akong gustong baguhin. hindi naman sa hindi ako masaya sa kung anu ang meron ako ngayon. ang totoo niyan ay sobrang saya ko na sa estado ng buhay ko ngayon. panood-nood lang ng drama. pablog-blog lang. nag-aaral paminsan-minsan. pero kahit ganun, imposible naman na wala kang bagay na nagawa dati na ginusto mong di mo na lang sana ginawa. o bagay na sana ginawa mo.

pero isipin mo. oo, isipin mo. sumabay ka sakin habang nag-iisip ako. kung may time machine nga, magiging mas komplikado siguro ang buhay natin kasi pwede natin itong baguhin kung kailan natin naisin. pwede ding ibahin ng ibang tao yung buhay mo. so kahit masaya ka na sa ginawa mo, kapag napagdesisyunan ng isang tao na ibahin ang mga pangyayari, maiiba pa din siya.

kaya siguro ok na din ang ganito. gagawa ka ng isang bagay ngayon na kung hindi mo pag-iisipang mabuti, baka pagsisihan mo kinabukasan. pero kahit magsisi ka pa, hindi mo na maibabalik.

pero kasi kung may time machine nga, wala ng sense ang salitang pagsisisi. kasi pwede mo naman ibahin kung anu na yung nangyari.siguro ganun talaga para sa susunod na may mangyaring bagay na nangyari na dati,alam mo na kung anu gagawin mo. kasi we learn through failure nga di ba? :)) pero minsan, kahit ilang ulit ng nangyayari ang mga bagay-bagay, hindi pa rin tayo natututo. parang sa math perio. pag nagkamali ka na, yun na yun. di mo na mababago. :))

anong konek ni Shaider at ng time-space warp ngayon din? wala naman, eh sa trip ko eh. :))

sabi nga sa the girl who leap through time, TIME WAITS FOR NO ONE. di ako hihintayin ng oras. di niya ako hihintayin kung malalate na ako sa comsci. patuloy lang ang pag-inog ng mundo kahit malalate na ako sa comsci. hindi niya ako hihintayin. ako ang hahabol sa kanya.

kaya ang motto ko na ngayon, galing sa kisarazu cat’s eye:

DO EVERYTHING. REGRET NOTHING.

gawin mo na lahat. at least kahit mali yung ginawa mo, di mo iisipin someday na anu kaya nangyari kung ginawa mo yung bagay na yun. kahit panget yung kalalabasan, at least alam mo kung anu mangyayari at matututo ka dun sa pagkakamali mo na yun. motto ni jer: WE LEARN THROUGH FAILURE. :))

napakalabo ng post na ito kasi parang ang serious niya. napakadalang lang ng mga panahon na nagiging seryoso ako sa pagpopost. masyado ata akong natamaan nung the girl who leapt through time.

sige. bbye. :)) ja!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: