churlaloo

sampung mga daliri.

on August 17, 2008
ang dami kong gustong sabihin kaso hindi ko maisulat.

hindi ko mainitndihan kung bakit ganun. hindi mahabol ng mga daliri ko ang bilis ng takbo ng mga bagay-bagay sa isip ko. o kung masyado lang bang madaming bagay ang tumatakbo sa utak ko ngayon kaya hindi alam ng mga daliri ko kung anu yung uunahin niyang isulat. baka din naman sobrang bagal ko lang talaga kaya hindi ko magawang makapagsulat nang maayos.

ewan, hindi naman ako nauubusan ng mga bagay na pwedeng ikwento tungkol sa buhay ko pero sadyang di ko lang talaga anu uunahin ko sa dami ng bagay na nangyayari sa buhay ko.

linggo na ngayon. kahapon, sobrang frustrated ako. kasi pagdating ko ba namang bahay nung friday, wala kaming internet connection. sabi ni daddy, nung tuesday pa daw yun. hay naku. nakaprogram pa naman na ang loooooong weekend ko. nakaplano na lahat ng papanoorin kong drama at movies o kung anu pa man. nakaplano na din na bibili na ako ng deathnote anime dvd para mapalitan ko na yung dvd ni onats na hindi naman ako ang nakawala pero kelangan ko palitan kasi ako yung humiram. nakaplano na din na tatapusin ko na lahat ng drama na nakapending. pero dahil walang connection, wala akong magawa kungdi makinood sa pinapanood na drama ni inay sa dvd. haaay buhay.

naexcite nga ako nung dal ja’s spring na yung papanoorin ni mami. kasi matagal ko nang pinagpipiplitan sa kanya na panoorin na niya yun. pero anung nangyari, nabore lang ako. akala ko sobrang mahohook ako sa drama na yun dahil kay lee min ki, ako’y nagkamali. ang nangyari, nung natulog si mami, at ako na lang mag-isa ang nanonood, finoforward ko na lang sa mga scene na andun si lee min ki. eh sya lang naman talaga kasi yung dahilan baket ko gusto panoorin yun. akala ko pa naman dahil sa kanya, mapapapanood ako ng dal ja’s spring. HINDI PALA. hindi ako natutuwa masyado lalo na at ang haba nito at ampanget pa nung ibang kaloveteam ni dal ja. pang-asar.

napuyat din ako kakahintay nung partial lunar eclipse. na di ko naman nakita. umuulan kasi samin tas di pa clear yung skies. :(( habang naghihintay, nag-ayos ako ng files. grabe talaga, naloka ako. nakakahilo pala ayusin yung files na ilang taon mo nang iniipon. :))

pero ngayong umaga ay nagkaconnection na. pero nawala na yung drive ko panoorin lahat ng drama ni kanata hongo kaya di na din ako nanood. nawala na yung fangirl drive. haaay buhay nga naman.

nauwi ako sa pagbabasa ng mga forums at kung anu-ano. at hindi na ako nanood ng drama. nagluluko pa yung veohtv ko. nakakalungkot talaga. pero nung friday, pinanood ko na yung the girl who leapt through time. anlupet. ang ganda. chiaki-kun is <33333. :))

ay nako, ang nonsense na ng post ko. andrama pa naman nung simula. :)) ja!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: