churlaloo

strike 4 kay ma’am bonics

on August 9, 2008
hindi ko na maalala anu nangyari ngayong week. :)) so ikukwento ko na lang kung anu yung mga naaalala ko. :)) *nasa dulo pa yung mga strike kay mam bonics*

monday: walang flagcem kung kaya naman nagchikahan lang ang elec-churon tungkol sa upcat. well, yun yung ginagawa nung mga gumagana na yung electroscope. yung iba nagccram ng electroscope. tapos sa ss, nagelimination ng kkkwiz.

tuesday: nagpractest sa cs si viel kaya ako naman ay wala lang. naextend ang tulog sa dorm. badshot kay timmy nung hapon kasi super late sa practice for readers’ theater dahil sa portfolio sa str.

wednesday: kahit nilalagnat, nagcs test ako at nagphysics. nagchikahan lang sa physics kaya napagdesisyunan kong wag na pumasok dahil ansama ng pakiramdam ko. natulog lang sa dorm buong araw.

thursday: pumasok lang ako nung tanghali kasi sabi ni mentos magkakademerit daw pag di nakapagpamerit nung lunch. pumasok naman ako. pero si baj lang hinanap niya. di ako nagpe.

friday: ang pinakamalupet na araw. BADSHOT kay maam bonics. strike 4 na ako. mamaya na ang kwento tungkol dun. gumawa lang portfolio buong araw. partner na kami ni rimel sa cs. CARE AKWE. ansaya-saya! tapos emcee ako kahit sinisipon. so ang weird talaga ng boses ko. =)) andaming food! sobrang nabusog ako! :)) CAT. parang joke lang eh. si jut kasi CO namin. buti nga di si castro eh. balita ko napakastrict nun. =)) tawa lang kami ng tawa nung CAT. wala pa talagang CO ang Charlie2 na hindi mabait. :)) super nagcram ng str nung gabi. olympics opening. ang galeng-galeng nila! :))

saturday: praktis sa bahay ni ces! weeeeeeeeeeh, super laughtrip lang. :)) nagkaubo na ako. so may sipon na ako at ubo. yung sipon nung thursday pa. :)) tapos hinulaan yung crush ni impante. ok na yung chorus. actors na lang. :)) pag-uwi bahay, nilagnat na ako. :((

Strike 1 kay Ma’am Bonics: NIght before ng reporting sa physics, tinext ko siya. kung anu ba talaga yung topic ng group namin sa reporting. kasi si maynard pinagpipilitan na electrostatic printing kahit painitng talaga ang alam namin. at napagalitan lang ako kasi naman di namin alam kung anu. kinabukasan, tawa kami ng tawa sa class sa nangyari sakin at nagparinig pa si maan bonics na daldal daw kasi ng daldal kaya di alam topic.

Strike 2 kay Ma’am Bonics: akala ko tinatanong ni baj kung isusubmit na ba yung namiss niyang seatwork sa physics. sabi ko oo. yun pala clearbook tinatanong niya. kaya nung sinubmit niya, sabi ni maam di pa submit yan. at nasabi niya na ako daw nagsabi nun. anak ng tokwa.

Strike 3 kay Ma’am Bonics: Napunta sa gluon yung answer sheet ko sa physics long test. sa lahat ng tap, ako pa.

at ang latest. Strike 4 kay Ma’am Bonics: bumalik kasi ako ng dorm nung friday after comsci kasi may naiwan ako. tapos nung pumunta akong physics room, walang tao. kaya todo panic naman ako. kasi la din elec-churon sa caf. text naman ako ng tao pero walang nagreply sakin. tapos naglalakad ako sa hallway nang bigla ako makita ni ma’am bonics. sa lahat naman ng taong pwedeng makakita si maam bonics pa. napagalitan na naman ako na di daw nakikinig. eh di ko naman kasi alam na may peace camp video ang ss dahil forever absent ako sa physics. :((

ang haba na ng post ko. hayaan mo na. sa haba la naman tatapos magbasa eh. :))

bbye. :D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: