churlaloo

hindi ito tungkol sa upcat. :p

on August 3, 2008
ayokong magpost ng entry tungkol sa upcat dahil andami na naman dyan. :)) masasabi ko lang, ang lamig sa CAL. =))

napapansin ko na nahihilig na ako sa panonood ng mga movie, na malungkot yung ending. nahihilig na ata ako sa mga poignant love stories. well, di ko naman kasi sila pinapanood dahil poignant sila. pinapanood ko kasi maganda daw, kesyo nirecommend ng kung sinu-sinong adik sa panonood ng mga movie. kahit pinagsabihan na ako na malungkot daw, go for the goldilocks naman ako. maganda daw eh. pero sa dulo, aawayin ko sarili ko kung baket ko ba pinaiyak ang sarili ko sa panonood nun. pero matutuwa din ako sa sarili ko kasi hinayaan kong makapanood ako ng ganung kagandang film.

magagaling kasi yung mga artistang gumaganap sa mga pinapanood ko kaya siguro natutuwa ako kahit malungkot siya. yung tipong namatay yung isa, bawal umibig yung isa kasi may sakit sa puso baka daw mamatay sa intense ng emotion na sobrang cliche na. meron din yung sinabihan siya ng girl ng i love you sa isang lenggwaheng hindi niya naiintindihan at akala niya byebye lang ang ibig sabihin kaya di niya ito pinansin. pero pagkalipas ng isang taon, pagbalik niyang china, nalaman niya na i love you pala ibig sabihin nun. tapos binalikan niya yung bahay nung babae, WALA NA, DEMOLISHED. sa dami ba naman ng tao sa mundo, paano niya hahanapin yung babaeng yun? haaaaay. sa dulo, hahagulgol lang ako at maghihinagpis at magrarant sa mga tao kung gaano ako napaiyak ng movie na ito at kung gaano ito kaganda.

bago ako mag-upcat, nung saturday, ay nanonood ako ng about love. na movie ni tsukamoto takashi. na isang magaling na actor. kasu mas magaling yung babaeng artista kaya nasapawan siya. pero magaling pa din siya.

anyway, ayun, imbis na kabahan ako para sa upcat, ambigat talaga ng pakiramdam ko nung saturday sa pelikulang iyon. haaaaaay. tumambalelong ang mundo ko sa lungkot at frustration at awe. =))

ang walang kwenta ng post ko. di ko na lang sasabihin kung aling plot sa mga nabanggit ko yung sa about love. haaaaay. papanoorin ko ulet yun para maiyak ulet ako. at magandahan ulet. at magwapuhan kay TakaC.

pero may gusto akong panoorin na movie. kasu ang brutal niya. kelangan ko pa ata magpatanda ng onti para matake ko na yung pagpapatayan ng mga 3rd year high school hanggang isa na lang ang matira. survival of the fittest nga. kaya nga battle royale ang title eh. battle galore. =)) anlabo ko. super ganda kasi daw nung film tsaka nung nasimulan ko, ang ganda talaga kasu nga brutal.:s

*fangirl mode kasi*

gudnayt. :p


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: