churlaloo

nakakapagtaka…

on July 29, 2008

na kung kelan pa 4th year tsaka ako nagiging pabaya. dati naman, pinipilit ko gawin yung best ko sa lahat ng requirements at tests. pero ngayon, parang wala na akong pake kung papasa ba ako o babagsak. basta ang gusto ko na lang, matapos na. di naman ako ganito dati. di nga ako GC dati pero di din ako pabaya. may pake ako sa bagay-bagay. pero ngayon parang wala na. never akong nagtest dati na hindi ako handa pero ngayon barely na ako mag-aral for exams. nawawalan na ba ako ng drive para mag-aral?

isang malaking patunay niyan ay ang 2nd long test ko sa math. imbes na mag-aral ay nanood lang ako ng 100 days with mr arrogant (korean movie). as if mala-jeric o raymond ako na kahit hindi mag-aral eh makakakuha ng mataas na grade sa math. eh hindi eh. grabe talaga.

pagkatapos ng LT, parang nanghinayang ako. kasi kung nag-aral sana ako, nasagutan ko yung ibang tanong na hindi ko nasagutan. super nagsisi talaga ako nun. actually, nagsisisi pa din ako hanggang ngayon kahit alam kong nakapasa naman ako sa test na iyon. nakakaiyak isipin yun na pinagpalit ko yung kinabukasan ko sa isang panandaliang kasiyahan na manood ng pelikula na maaari ko namang gawin kahit kailan ko gustuhin. pero hindi ko magagawang mag-aral at magLT sa math kung kelan ko gusto, kung kelan ako handa.

at isa pang malaking patunay nito ay ang pagbblog ko kahit di pa ako lubusang nag-aaral para sa physics. eh kasi naman nakakatamad, pagkatapos ko ba naman simulan at tapusin yung mythology ngayong araw na ito at maalala na bukas na pala kami magrereport sa str. masaklap isipin na nagpapabaya ako pero totoo.

anu bang dapat ko gawin? dapat ko ata muna ilayo ang sarili ko sa teknolohiya. magpapakauncivilized at barbaric akong tao na wari ba’y hindi marunong gumamit ng laptop. :)) sana kayanin ko. lalo na’t mag-uupcat na. kelangan ko makapasok sa MBB. sabi nga ni oj, “it’s oblation or nothing”. :)) ankapal talaga nun. :))

sige, pipilitin ko pa ang sarili ko mag-aral kahit alam kong makakatulog lang ako. :)))

gudnayt. :D

at tsaka may bago na akong motto sa buhay ngayon.

…i am what i am and that’s all that i am i’m popeye the sailor man toot toot

HAHAHAHAHA. :))


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: