churlaloo

second week ng june. xp

on June 13, 2008

para sa akin, nakakalurkae ang week na ito. kahit 2nd week pa lang ng aming last school year sa pisay [huhuhuu. T.T ], pagod na pagod pa din ako. actually, devastated ba ang tamang term? hahahahaha :)) nung tuesday, due na yung mga UPCAT forms. at pagkatapos magpasa ng forms [sila lang, ako later ko pa pinasa kasi naiwan ko sa dorm xp], napatitig kami dun sa nakapost sa labas ng guidance na mga top sa upcat simulation. tas inaasar kami ni maam turingan na kaming lima daw yung magiging top5 sa simulation. ako, si baj, jer, oj at cel yap. syempre sabi namin chicken lang yan. hahahaha feel na feel e.

fast forward sa upcat simulation kanina. xp di ako nakapagbreakfast. so kamusta naman ang buhay ko, magtetest na walang laman ang tiyan, kahit tubig wala. nagbaon lang ako ng isang banana chips tapos 2 sachet ng milo. for energy. mahirap na mawalan ng ATP. xp

aba, yung english kering-keri. nakakain pa ako. tapos nung science na, di ako nagmamadali magsagot kasi feeling ko sakto lang siya sa time tulad nung eng. YUN ANG PAGKAKAMALI KO. grabe naman kasi, super ikli nung time. mga 20-30 items yung hindi ko nasagutan. tapos bio pa yung nasa dulo, e dun ako magaling, so ewan ko na lang yung ranking-ranking na yan sa simulation.

yung math, medyo kinulang din ako sa time. GUTOM NA GUTOM na kasi ako at ang sakit na ng tiyan ko kaya di ako makapagsagot ng matinu.

haaaay. xp nagspeech din ako nung wednesday sa english at well, panget siya. hahahaha :)) i don’t care naman kasi 5% lang yun ng grade ko. NAKS, ang yabang e. well, anu bang magagawa ko e di na ako nakakanood ng tv at malay ko ba kung sinung mga senators ang nageendorse na ng mga produkto. AT AYON SA MGA BALITA, mababa daw magbigay ng score si sir arias so kamusta na lang yun. xp

nagCAT kanina tapos tawa ng tawa. hahahaha =)) tawa kasi ng tawa si oj at quilove e kaya natatawa kami. :)) antagal namin bago idismiss tapos nabubulol-bulol pa si neon kaya minsan nakakadisorient. tapos inaalala ko pa baka tagusan ako bigla kaya super uncomfy ko kanina. at least, easy-easy pa lang kanina kaya next week, wala ng gagambala sa aking uncomfiness. :))

bago nun, nagactibity kami sa chem with the pellet guns. ang cool talaga ni sir de ocampo. kasi super nagegets ko yung chem. :)) tas medyo he lets us play around sa classroom kung tapos na kami as long as di kami super ingay. hahahaha =)) sir de ocampo the best. heehee. :) super simple niya magexplain.

tapos bio. naligaw-ligaw pa kami. =)) pero nahanap na rin namin yung room. buti pa yung room nahanap namin. anak ng telophase, ang hirap hanapin ng telophase. rarr. hahahaha =)) buti pa sila algo, nakita na nila yung telophase. haaaay. di naman ako gagawa nung results whatever kaya ok lang sakin yun. =))

DI AKO NAKAPAGLUNCH KANINA. haaaay. kasi nagcram kami ni baj ng pinoy lt at math hw. kasi di na kami nakagawa ng hw kagabi kasi subrang tagal nung dorm meeting tapus umattend pa kasi ako nung meeting sa kabilang dorm. ayun. tapos nung 12 na, sugod na ako sa grandstand. nakakahiya naman malate sa assembly e tatakbo pa naman akong PRO. hahahha =)) pero in the end, partial elections lang yung nangyari. di pa umabot sa PRO. kamusta naman. xp

pero pinakain naman ako ni jerkybells ng super sarap na pandesal kahit di na siya mainit na may palamang reno liver spread. yun na ang nagsilbing lunch ko. =))

at almost 5 na kami nadismiss sa CAT kaya naman di na natuloy ang CARE officers meeting. pinuntahan ko agad si sir talaue kung tuloy ba tas hindi na lang daw, :) so page naman ako agad na di tuloy. kaya nasabihan tuloy akong efficient ako na PRO kasi page agad. YES NAMAN, COMPLIMENT. hahahahahaha =)) tapus hinahanap ako ni sir talaue sa lifesci. ok lang naman pala sa kanya na di ako umattend lagi pero hinahanap pa din niya ako. hahahahaha =)) nagsign up kami ni jeffrey sa team bio. todo karir na to sa 4th year!

tapus stroll habang kumakain at nakikipagbonding sa mga batchmates na ngayon ko lang nakachummy-chummy. tapos aalis na sir talaue sa car tapos nagbabai kami. tapos hinabol namin ni verge. i mean, tumakbo kami papuntang gate para abutan yung kotse ni sir. at naabutan naman namin siya at nagbabay. ang kulet daw namin. hahahahah =))

shoot, ang haba ng post ko! lagi na lang. :)) tapus unti lang nakalagay sa exlog ko sa econ kasi puro libre mga kinakain ko. libre ni alexeis, jerome o ni baj. bongga talaga pag naiwan mo yung wallet mo sa bahay. sigesige, nytnyt. :))


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: