churlaloo

ang istorya ng naiwang upcat forms sa trinoma. :))

on May 29, 2008

siguro naintriga na kayo sa title noh? kung anu nga ba ang nangyari sa upcat form ko. wait, di lang pala akin, pati kay celina, dianne co at tintin. hehehehe =))

pagkatapos ng upcat orientation kanina sa pisay, sumugod ang isang batalyon ng 09 sa trinoma. kasama kaming 4 doon. nag-taxi kami papuntang trinoma at nagbayad ng 47.50 pesos. ang chaka nung nag-aabang kami ng taxi kasi naman, may mga taong tawag ng tawag habang tumatawid ako. KAMUSTA NAMAN KAYO, GUSTO NIYO BA AKONG MASAGASAAN? =)) HAHAHAHA. anyway, pagdating sa trinoma, nagpadevelop muna ako habang pumunta ng foodcourt sila tintin. at super chummy na kami ng taga-photoline kasi naman araw-araw akong andun dahil lagi may pinapadevelop si mami. after punta photoline, punta na ako foodcourt.

tapos, andaming pisay dun. as in. sa may sisigan. ;)) kain-kain kami nila celina tapos andmaing pisay around us. hehehehe :)) tas after namin kumain, supoer chikahan ever na lang kami. yadayada. at padami ng padami yung mga pisay na dumadating. at yung mga taong pinaguusapan namin, biglang sumusulpot dun sa landmark. hehehehe ;)) para bang naririnig nila na pinag-uusapan namin sila. =))

napagtanto namin na wala kaming pera pangsine tulad ng pota kaya nagpastudio pic na lang kami. SA PHOTOLINE NA NAMAN. kaya super chummy na talaga kami nun. =)) treat ni cephyr. :))

tapos punts kami POWERBOOKS. andami kong gustong bilhin na books! pero no moolah ang drama ko. nakita pa namin si kate tsaka si mami niya dun. hehehe :)) at pagkatapos magbasa ng children’s story books, at nainip na kay gabby, kinuha na namin sa photoline yung pics. :))

tapos nagpart na kami. si tintin at dianne, sa mrt. ako sa may mcdo so nagpahatid ako kay celina. eh dumating na din sa wakas sa trinoma si gabby. kaya nagpalibre kami. eh kuripot yun tulad ko, hahahahaa =)) jolly krunchy twirl sa jobee. tas nakita din namin si thea and mami niya. tapos chika-chika. tas NAGTEXT SI TINTIN. sabi niya, sakin daw muna yung upcat forms niya. TAPOS NAREALIZE KO NA NAWAWALA YUNG UPCAT FORMS NAMIN! KAMUSTA! SUPER NAGPANIC AKO. inisip ko kung saan ko naiwan. tas ang alam ko sa photoline. pagpunta naming photoline, alam na ni ate anu hinahanap ko at naibalik naman sa akin ng buhay ang upcat forms namin. haaaaay. :))

tas uwi na si celina tapos uwi na din ako sa opis ni dadi at sine si gabby. bye pisay peeps. :)) opis na ako. hehehehe =))

miss ko na lumaklak ng sparkle mga libag! pambansang softdrink ata natin yun eh. well, namin. hehehehe :))

ay bakit sparkle yung namimiss ko. MGA LIBAG NA EXTRA JOSSERS! wait, ReDiBeGi + Jer lang pala yun. miss ko na kayu at ang extra joss. di na ako nakakapagextra joss sa bahay namin e. huhuhuhu. :((

babai. yun lang ang chika for the day. =p


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: