churlaloo

pagkatapos ko lumusong sa baha. ;))

on May 23, 2008

nagpopost pa din ako. ayan, dahil nakakatamad daw basahin ang mga post ko dahil super long, paiikliin ko na ito as much as possible. so kanina sa review, nagquiz tsaka nagdiscuss. tas nakakafrustrate yung ibamng problems pero ok lang kasi pasado naman ako sa parehong quiz. tapos sabi ni ekay, samahan daw namin siya sa kfc, dun na daw kami kumain. eh kasi dun siya sunduin. so, go,go,go lang ako. di na naman ako sumabay kina clint. tapos lakad kami sa kagubatan “eco trail” ng ateneo. tas sabi ni ekay, uwi na lang daw siya up. so kamusta naman. so sumakay na kami ng jeep ni alexeis at ekay tas nagoverpass na si celina at dianne.

tapos halos wala laman jeep. super parang nagmamadali siya. so chika-chika lang kaming tatlo dun sa jeep. libre ni ekay. yehey! tas baba na kami up. si ekay naghintay na lang ng sundo sa tapat ng romulo hall tapos kami ni lacuata, sumakay ng jeep papuntang sm. tas super aliw na aliw ako kasi yung isang guy sa jeep, siya din yung kasama ko sa jeep nung nagcommute ako papuntang sm kahapon. so sa dami-dami ba naman ng pwedeng jeep na sakyan niya, yung jeep pa na sinakyan ko. ;)) destined ata kami. :))

baba kami sa tapat ng mcdo tapos tawid sa trinoma. tapos withdraw sana siya kaso transaction cancelled. so sa chinabank kami nagwithdraw. tapos ililibre kasi ako ngayon ni alexeis ng lunch kasi inapi-api niya yung score ko sa chem kahapon. :)) kaya para magkabati kami, ililibre niya ako.=)) akala ko naman sa tabi-tabi lang niya ako ililibre. kala ko sa mcdo lang or whatever. aba, nag-aya ng kenny rogers ang loko. sosyalera ko! :)) edi kain-kain sa kenny rogers tapos chikahan. :)) hahahahaha. ehem alexeis, ehem. tapos nagpapicture siya sa photoline tapos chika-chika. tapos sabi ko magkita na lang kami after niya magpapicture kasi punta ako tickles. bibilhin ko na yung gusto ko. :)) hahahaha. sabi niya, tapos na siya so puntahan na niya ako sa photoline. eh tapos na ako bumili nun. aba, ang tagal. antagal kong naglalakad-lakad. ay nako. tapos nung nakita ko na siya, aba nagdairy queen pala ang loko. tapos dapat samahan ko pa siya sa pisay tsaka sa pcmc kaso naisip ko punta na lang ako opis ni dadi kasi sayang pangpadyak. so sakay na ako ng jeep sa harap ng mcdo.

ito na ang exciting part! dali-dali! :)) hahahahahaha! =))

pagsakay ko ng jeep, aba, biglang bumuhos ang umaaribang ulan. tapos wala akong payong. tapos palakas na siya ng palakas. ay naloka ang beauty ko! tapos nung pumara na ako sa d. tuazon, bonggang-bonggang lubog ang sapatos ko! aba, first time ko nagcommute ng mag-isa talaga papunta kina dadi tapos nabinyagan pa yung bagong sintas ng sapatos ko. o di ba, bongga! so tinahak ko pa din siya at wala akong payong. WAIT, THERE’S MORE. may sorta canal dun or watever, basta depression. tapos nakalimutan ko. at muntik pa ako masagasaan. at tinalsikan pa ako ng taxi ng tubig. ay nako naman. so dun sa kanal, malay ko ba, lumubog ako nung naglakad ako. kamusta naman yun?! abot-tuhod yung tubig. o diba?! so basa ever na ako. tapos la ako kasabay sa abangan so sa kabilang abangan ako pumunta. ayun, may nachika akong babae tapos pinasukob niya ako sa payong. sakay jeep. tapos nagdetour pa jeep dahil baha daw dun. tas bumaba na ako sa opis ni dadi.

maloka ka. pagdating ko, nagtsinelas agad ako at nagpalit ng damit. at natulog. ;))

tas pagkagising ko, 6:30 na!!!! 3 hours ako natulog! tas alis na daw. pero gulat ako mag-gerry’s grill pa daw. so 10 na kami nakauwing bahay ni dadi. yun lang ang chika. :))

good night. :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: