churlaloo

random lang.

on May 8, 2008

grabe. gusto ko magshare at magkwento at chumika nang pagkahaba-haba tungkol sa field bio. syempre naman, tatlong linggo akong nawala dun so ang ineexpect ng sambayanan eh todo kwento ako. kaso sa super dami ng pangyayari, di ko alam anu ikukuwento ko. or sabihin na natin ang totoo. tinatamad akoooooo. kasi kung ikukuwento mo yung buong field bio, dude, ang habang multips post nun. di keri ng ultra bionic powers ko. xp. :)) may bionic powers talaga ako. nakikita ko yung seafloor/bed tas sila di nila kita. nyaks, anlabo. :) pero kung di ko naman siya ipopost, wala akong babalikang super sayang posts sa aking archives kapag bored ako at wala akong magawa. aaackk. ang hirap naman ng dilemma na aking hinaharap. pero kasi, alis na kami for baguio saturday morning. so wala na akong time para magpost tungkol sa field bio kundi ngayon. kaso late na at maaga pa ako gigising bukas para sa review sa ateneo. gen sci bukas at ayon sa mga balita, ito ay punung-puno ng ng mga nagsusumigaw at umaaribang physics! aaaaaay, kalurkae na itech! :)) hahahahah =)) so technically, di ako pwede magpuyat ngayon. kapag naman after baguio pa ako nagkwento, parang ang late na. ewan, libag naman o, ang hirap magdecide. daig pa oral exam. :)) xp

lagi akong inaantok sa review. anlamig kasi tas isang buwan ka ng walang tulog sa field bio, so natural, makakatulog ka. after ng review, trinoma lang saglit para kumain at maglibot tas hinatid na ako ni doodle sa office ni daddy. tapos hinatid namin si doodle sa kanyang dating school dahil punta pa siya sm san lazaro. ewan, la ako paki sa mga ruta at daanan kaya lagi akong napapagalitan eh. although ako yung tour guide nung sa hongkong. eh may map kasi kaya keri ko. pero la ako paki sa direction dito sa pilipinas. :)) completely opposite ko si lil sis kasi interested siya sa daanan.

pagbalik ng office, natulog lang ako. mga 3pm nun. sabi ko gising ako ng 4pm para mag-aral/magbasa ng book. :) pero syempre PAGOD at PUYAT ako kaya inextend ko to the highest level ang tulog ko. i woke up at around 6pm tas naka-aircon na ako. bongga! nakabentilador lang kasi ako nung una. cr tas umakyat si daddy, pinalayas na ako sa room at pinakain. tas pagbaba, pinakain din ako ng ice cream nina tita orange. wootwoot. ice cream. mango flavor. tas biglang nung mauubos ko na, napansin nila na EXPIRED yung ice cream. ay hinihintay na lang namin kung kelan sasakit tiyan naming lahat. ibig sabihin, ang salarin nun ay yung ice cream na binigay nung kliyente. :) xp

9 na kami umuwi. so habang tinatapos ni daddy ang kanyang trabaho, nagbabasa lang ako ng flowers for algernon by daniel keyes. ang PRONESS nung libro although di pa ako tapos. :) tas nung ayoko na, nood na lang ako dvd. :) ang sad pala talaga nung dramang yun (yung pinapanood ko). xc

ay bukas, same routine. sabay sa trinoma kay clint tas kain tas punta office ni daddy. tas tulog/aral/basa ng libro/nood dvd tas punta pa daw megamall bukas kasi may isosoling item. rawr. di pa ako makakapagpahinga before pumuntang baguio. busy bee.

ow, i feel sleepy na. miss ko na ang mga libag. nasasad ako kasi wala akong pangunli ngayon kung kelan madaming nag-gm na libag. :( gusto ko na ulet kayo makasama at makita mga libag. xD sa enrolment at orientation ha! :) yung shirt pa. tas yung thursdays with fb. =))

ow, nytnyt. must sleep now o kaya dadating na naman ako sa ateneo na di pa nagsusuklay. pagsakay kasi sa kotse kaninang umaga, di na ako nakapagsuklay sa sobrang antok ko. tulog na agad. kaya nung nagising ako kasi ateneo na, nagmadali ako magsuklay.

may utang si zaldy na 15 pesos sa akin. baka makalimutan ko.

good night. tit tat for now, buddies. :)) i love keatherback sea turtles. :) want to see one. someday. :) sana di pa sila maextinct pag afford ko na sila dalawin. xp


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: