churlaloo

sir espi.

on April 7, 2008

gosh. ewan ko ba kung bakit ko naalala si sir espi. siguro dahil sa mga nagtatanong sa akin tulad ni jer kung kelan ba talaga ang field bio meeting kaya pati ako nawiwindang talaga kung kelan at nag-online pa ako para lang magtanong sa mga co-fb ko. at naalala ko si sir espi. at dahil bakasyon ngayon, at knowing Dianne, na mahilig slash adik sa panonood ng mga drama, eh napagconnect ko si sir espi at ang drama! anlabo, pero basta ganun. :))

alala ko kasi nung like, wednesday yun. april 2. tapos like, nagswimming kami slash snorkeling sa field bio sa pisay pool. tapus pagkatapos ko ng 5 laps, ayoko pumunta sa 10 feet kasi medyo takot ako. dahil muntik na ako dati malunod. nyaks, andrama ng buhay ng lola mu. ayun, so kinuwento ko kay verna ang nangyari sa katatapos ko lang that time na taiwanese drama(twdrama para maikli), ang my lucky star. and then, sir espi heard us talking there about twdramas tapos tawa siya ng tawa. aliw na aliw kasi siya sa aking pagkukuwento at sa pagiging adik namin. hahahaha :)) tapus ayun, medyo nanonood din pala si sir espi ng mga drama kasi yung mga kapatid daw niyang babae eh nanonood din. tapus, nagparecommend ako ng maganda. hana kimi japan daw. eh like, tapus ko na yun ever and ever. tas tama ang hula ko na kaya pinanood ni sir yun kasi nga punta siya japan so parang learning material whatever niya yun. haahahah :)) doumo arigato gozaimasu! hahaahahahah :)) actually, naalala ko ang doumo arigato gozaimasu sa tantei gakuen q. anyway, lumalayo na sa topic. tapos sabi niya meteor garden daw. tapos like, nagcomment siya dun na ang haba daw (tama nga naamn!). 3 dvd-9 daw yun eh.. hahaahha :)) di niya tinapos. tapos eto na nga, yung silence. kinuwento ni sir. tas tawa ako ng tawa sa mga comments niya as in para akong mamatay sa kakatawa. ang ingay ko. kasi sabi niya, yung silence daw na isang twdrama ay sobrang nakakalungkot. sobrang nakakadepress. “kung sa totoong tao nangyari yun, namatay na sa lungkot.” yun yung comment ni sir kaya tawa ako ng tawa! as in! kasi naman napakacolorful ng pagkakadescribe niya.. hahahaah :))

actually, yun lang gusto ko ikwneto sa post na ito, ang comment ni sir sa silence.. :)) hahahaahah :)) aliw na aliw lang talaga ako. :))

nanonood kami ng hello my teacher ngayon ni mami, starring gong yoo na yung bida sa coffee prince. iniwanan ko siya para nga magonline at magcheck ng field bio meeting at ending up posting about sir espinas and silence. owmay, papa vic zhou. hahaahah :))

pero susulitin ko na. angburing talaga ng hana kimi taiwan. tatapusin ko pa ba? ang sama ko naman kung di ko tatapusin eh nasimulan ko na. pero kasi. ewan. bahala na. pag wala na ako mapanood, papanoorin ko na yun.

andami ko gusto panoorin. parang kulang ang 10 years! :)) hahahha =)) ang boring sa bahay. ayoko pa naman magreview. alala ko yung sabi ni onats, “ang bakasyon ay para magpakasaya sa init ng araw, hindi para magreview sa aircon na classroom>”

di ba, tama naman! :)) kaya ayoko pa mgreview. miss ko na mga ka-field bio ko. :(( naxx, ansaya kasi eh. :D

nashock ako kahapon kasi nakita ko sa CARE website na PRO ako. eh elected batch rep ako ng 09, tie kami ni RD. sabi ni timmy, hayaan na lang daw na PRO ako. hahahaah :)) anlabo pero ok lang. :))

nakatext ko si pristine nung isang araw dahil sa astro. naaliw naman ako. madami pa pala astro sa field bio e, sir llags.

lapit na field bio wala pa ko pambayad. la pa sponsorship.

manhid ang kanang pisngi ko dahil galing akong dentist at tinurukan niya ako ng katakut-takot na anesthesia. kaya pag umiinom ako, bumubulwak ng hindi ko nararamdaman. hanggang ngayon, manhid pa din. pero nagwewear off na yung effect. :D

i’ve been watching more jdrama than any other asian dramas nowadays (i.e. kdrama and twdrama). i don’t watch that much philippine drama to.. i just feel that jdramas have more kinds of plots than any other asian drama. there are a lot of plots to choose from so it’s really good. i’m tired of those inheritance plots or arranged marriage plots or heiress plots or rich guy/girl-poor guy/girl plot. NAKAKASAWA NA. at least sa jdrama, may mga babaeng may XP (isang skin disease na bawal ka sa sun so like photosensitive ka), mga madreng medyo nagkakalovelife ang drama, mga willing maging pet tulad ng kimi wa petto at kung anu-ano pa. tsaka mas maikli ang mga jdrama kesa sa iba. like 9-13 episodes lang sila unlike yung iba na sobrang dmai tapos sobrang haba pa ng isang episode. ang isang episode ng jdrama ay hindi lumalagpas ng 1hour.

anlabo ko. lumayo na naamn sa topic. ang random.

sige na nga, nood na ulet ako. babai. :D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: