churlaloo

random.

on March 18, 2008

bakit pa kasi kailangan ng title para sa mga posts? eh panu kung wala kang maisip na title para sa post mo. grabe talaga. panu kung nagpapakarandom ka lang at may gusto ka lang sabihin o irant sa buhay mo. at wala kang maisp na title para dito. maiinis ka pa kakaisip ng dapat na title.

weeeeeeh. bakasyon na. pero kasi, actually, hindi pa talaga. kasi papasok pa kami sa 24, 25, 26, 27 at 28 para sa clearance at para sa FIELD BIO! hahahahaa :)) anyway, go group 4! pangalan ng group namin ReDiBeGi. hahahaha :)) ewan, bunutan yung groupings eh kaya ibig sabihin, destined talaga kami maging groupmates. ako, si regina, si gian at si benjie. ewan, pagsamahin daw ba kami ni regina. hahaahahah :)) at itong si benjie, ayaw ako hiwalayan. hanggang field bio ba naman. so leader namin si benjie. nafifeel ko na ang kakulitan at kabangagan ng aming group. hahaahah.. :)) at least, chummy-chummy na kami kaya di na masyado kelangan mag-adjust at mag-getting-to-know-each-other stage pa. hahahhaa :)) bakit ba puro tawa yung post ko? sabi nga eh mga pilipino daw, kapag walang masabi sa text, tumatawa na lang. pati siguro sa pagpost sa blog, ganun din.

ayan, masaya naman ang field bio (fb) so far. kahit may homework na nakakatamad gawin, ok lang. ayan na nga ba yung hw na yan. kailangan daw namin para sa discussion sa tuesday. ay grabe, katamd magbasa tungkol sa 20 animal at kung panu namin icoconserve ang mga ito. haaaay. pero medyo matagal pa naman bago magtuesday so kaya ko pa yan. kaya din ng groupmates ko yan. pero nakakafrustrate pa din. kasi bakasyon na tas may ginagawa ka pa. hahahaahahah. pero ok lang, para sa kinabukasan ng pilipinas. nako, pag nabasa ni sir espi ang post na ito, baka sabihin niya, nagcocomplain ako at mabawasan pa ang grade ko. hahaahahahahahah :))

nanonood ako ng tantei gakuen q live action ngayon. well, kasi gusto siya panoorin ni yana kaya tinry ko kasi di naman niya siguro gugustihing mapanood kung di maganda. sinubukan ko lang. pumasa naman sa aking panlasa kaya baka ituloy-tuloy ko na ito. sana matapos ko lang siya bago magstart ang fb kasi masisira momentum ng panonood kung hindi.

nanonood ng hana kimi si tintin ngayon. nakakaaliw. gusto ko ulet panoorin akso tinatamad ako. uulitin ko na lang kapag wala na talaga akong mapanood. nawawala yng spring waltz dvd ko. nalulungkot tuloy ako. haaaaay. papanoorin ko pa yung di ko magets na episode ng spring waltz sa mysoju.com sometime. hahahaah :))

nakakainis kasi wala pa yung honey and clover live action episode 10. last episode na ng h&c mamaya sa japan. haaaaay. yung feeling na sa wakas, malalaman ko na ending at yung feeling na matatapos na naman ang addiction na ito. natutwa ako kasi minsan naiirita na ako sa h&c kasi puro one-sided love lang. pero nalulungkot pa din ako dahil matatapos na siya. ayoko pa siya matapos lalo na’t gumaganda ang istorya. haaaay. wala ng toma at mukai moments. pati nomiya-san. haaaay.

nakakainis din. naiinis ako sa sarili ko. kasi para sa akin, kahit papaano, isa akong yamapi fan. pero, di ko man lang alam na pinalabas na yng kurosagi the movie noong march 8. haaaay. nakakafrustrate talaga. pero bago magfb, kailangan mapanood ko na yun kundi kakatayin ko sarili ko. joke.

nanonood ng proposal daisakusen (starring yamapi) si celina ngayon. gusto daw niya kasi manood. magrecommend daw ako. at yun ang napili niya. nadadala naman siya sa istorya. at least, nadagdagan ang nakapanood ng proposal daisakusen dahil sa akin. nyak. hahaahah.. :)) pati daw si pao, nanonood na, sabi ni celina.

sabi ko nga, nagpapakarandom lang talaga ako. natapos ko na din ang devil beside you. anak ng subtitle talaga at warak pa yung last parts ng last episode. kinamusta naman ang kilig moment na sana ay kinilig ako eh sira naman. putol pa yung dvd. as in may mga parts na di ko napanood. kapag pinapakita yung ang nakaraan, nasasabi ko sa sarili ko na di ko naman napanood yun. nakakairita.

sinimulan na namin ni mami yung princess lulu na binili niya. nakakatawa siya. pero nawawala pa din yung spring waltz na dvd. the memories of seo do young. may bago na akong crush. si figaro ceng shao zong (as ah rang) sa devil beside you at si mike he(as ah meng) sa same drama. tas si ken hirai na kumanta ng canvas na theme song ng h&c live action. haaaaay. anyhoo, nood pa ako tantei gakuen q at hahanapin ko pa yung kurosagi the movie. babai. :D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: