churlaloo

card giving + the dianne-ichiro-norman-rej-rj adventure.. :))

on February 2, 2008

so kinuha na namin ni rej yung cards namin at nagbayad sa prom, etc.. :)) kaso naiwan ni rej yung card niya so hinanap pa namin si ma’am bawagan..tas itong si gagang rej, sinabi ba naman kay ma’am bawagan na may linky ako..napakagulo talaga ni rej..at balak niyang sabihin na linky ko eh si jer..yak! so sinabi ko na lang agad kay ma’am na si toti kesa sabihin ni rej na si jer..so ayun, chika naman kami kay ma’am..kaso biglang nagusap na sila ni sir martin, so ichapwera na kami..gutom na gutom na ako..as in nangangatog na ako..sakto, hinahanap ni rej si norman na nasa caf..so bumili ako ng cream-o na di ko naman akalain na makunat na..ang saklap..tas punta kami sa practice ng mga batoks.. :)) tas bored lang, chika kaming 3..kaso talaga namang ang sakit na ng tiyan ko at narealize kong hindi ito gutom..:)) so umakyat na ako ever..so ang tagal ko eh ang paalam ko mabilis lang ako..inayos ko na din gamit ko kasi in case na dumating si daddy ever..:)) pagbalik ko, parang wa care naman ata si rej at norman na ang tagal kong nawala..masyado silang nageenjoy..yichee.. :)) tas ayun, andun na ako..chika..tas nag-aya magtrinoma si norman nung dumating si rj at ichiro..sabi ko, papaalam muna ako kay daddy..eh ang tagal magreply ng tatay ko..pero pinayagan na naman ako..

so byebye dorm at dinala ko gamit ko sa guardhouse para dun na lang sunduin ni daddy..tas byebye na, naglakad kami papuntang trinoma..masaya naman maglakad..todo kwentuhan pa din..well, anu ba aasahan mo kung pinagsama mo ang mga katoks.. :))

pagpasok ng trinoma, napagdesisyunan na mamili na ng movie na papanoorin namin..so ang tagal naming namili..tas napili namin yung cloverfield..ang ganda kasi nung poster..kaso nasa thx siya..so inisip talaga namin, maganda ang movie na ito kasi nasa thx, mas mahal ng sampung piso..pagkabili, inisip naman namin kung saan kami maglunch..mapagdesisyun na sa kfc..kaso sobrang haba ng pila so sa jollibee na lang kami.. :)) hinintay pa talaga namin matapos yung kumakain dun sa bonggang bonggang couch para dun kami umupo..walang chicken steak so napagdesisyunan na 2pcs burger steak meal kaming lahat.. :)) ayun, tas chika habang kumakain about SK stuffs..tapos, yichee, rej and norman.. :)) wahahaah.. :)) tapos, umakyat na kami para manood..cr muna tas nagsisimula na pala..tas ang taas nung stairs..ang taas nung seats namin..so pagakyat namin, may nakaupo dun sa reserved seats naming lima..nakakaasar..kaya naghanap na lang kami..ayaw ko sa dulo kaya ang naging seating arrangement ay:

ICHIRO — DIANNE — REJ — NORMAN — RJ

kahit ayaw ni rj sa dulo, wala siyang magagawa..tas ayoko na ikwento yung movie kasi baka may mga taong balak manood.. :)) yichee, rej and norman.. :)) syempre, kanina pa ako nanglilink..nakakatawa kasi todo nood kami ni ichiro dun..masyado kaming nagfofocus tapos talagang nireready na namin ang aming mga sarili sa surprising parts..as in, nakakapit talaga ako kay ichiro halos buong movie dahil kamon naman di ba yung surprises..ayun, tapos nashock kami na natapos na yung movie..kasi ang short niya..tas si rimel, asar na asar..bored na bored siya..kulang na lang humiga siya talaga..di niya trips yung movie eh kaming apat nagustuhan naman namin..sounds lang gusto niya..as in kinukwestiyon niya yung 150 niya dun kung sulit ba etc.. :))

paglabas, cr muna..tas talagang di makaget over si rj sa kasayangan ng kanyang 150..hahahaha..ikot ng kaunti tapos naisip na sumakay ng MRT hanggang taft ave tas bumalik sa trinoma..nung una, nag-aalinlangan ako kasi mag-4 na nun tapos sabi ni daddy 5 niya ako susunduin..tas natatawa na ako kasi ang bangag talaga namin..talagang natatawa ako kasi talagang gagawin na namin siya..pagbaba ng escalator, nakasalubong pa namin si kuya paolo..chika lang tapos ayun na, pumunta na kaming mrt..nung una di pa kami makapaniwala na talagang gagawin na to..pero syempre, go lang ng go..ayan, bili ticket (napakahaba ng pila) habang chikahan lang.. :))

umupo kami dun sa dulo ng mrt..tapos parang di kami masyadong nag-usap..tas kami ni rej, may nakatayong elderly sa amin..guilty kami kasi ang tagal namin bago inoffer yung seat..nung nasa station, ayun, pinaupo na namin siya.,.better late than never..tapos tumayo na din si ichiro at norman tas challenge na hindi humawak..si rj nakaupo pa din, may bag kasi siya..ang saya-saya..mas nakapagkwentuhan kami nung nakatayo..namigay pa ng halls na green si ichiro, na kakulay ng damit ko..basta ang fun talaga.. :)) sayang walang pictures pero never ko makakalimutan ito na naging pariwarang anak ako..kasi nung nagtext yung tatay ko sabi ko nasa sinehan kami..napakapariwara ko na talaga..

pagdating sa taft..

nagutom kami..kaya bumili ng 2 order ng kikiam at isang gulaman 16 oz..3 pcs kasi ang isnag order ng kikiam tas nakahati pa sa 3 ang isang kikiam..so ayun, ang saya kumain..tas hati-hati sa gulaman..as in, naghalo-halo na ang laway naming 5..kasi naiikot pa yung baso so talagang nadevelop ang aking immune system.. :)) tas lalabas kami nang marealize namin na hindi na kelangan..kinuwestiyon pa kami ng guard..kasi feeling nila pumasok kami sa exit..tas nung nalaman na aalis na kami, naweirdohan siguro kasi nagroad trip lang kami at kumain lang sa taft..dapat magtatagal sana kaso kasi inaalala ko baka sunduin na ako ni daddy..so ayun, sakay ulet..tumayo na lang talaga kami..tas unti-unting dumadami ang tao..ipit na ipit na ako..masaya naman..usap na naman kami..sikret na lang kung anu..hahaha.. :))

pagdating sa cubao, bumaba na si rj..tapos ayun, usap ulet..dumating na kami trinoma tapos dumiretso sa national para sa pinapabili ni daddy..tapos ayun, nabore na kami as in inaantok na ako dahil no sleep kami ni rej..kaya tinext ko na si daddy..nasa gerry’s grill pala siya..so pinuntahan ko kasi kelangan ni das yung susi sa room nila eh na sa akin..kaso pinatawag niya mga kasama ko..so tinwag ko sila at nag-aya kumain si dadi..naipit kami sa sitwasyon so kumain na kami..first time naming apat dun… :))

so ayan, kain kami..magkatabi kami ni rej tas magkatabi si norman at ichiro..tas ayun..dito na namin nalaman na isa pa lang manginginom si ichiro..nagkaroon ng drinking session..paunahan makaubos ng isang basong iced tea/tropicana..kamusta naman, yung isang baso eh isang inuman lang kay ichiro..walang hinto..tawa kami ng tawa kasi sobrang lakas niya uminom..di talaga tumitigil..sobrang nakakatuwa..tas ayun, introduce ke daddy..tapos nalaman ni daddy na taga-ilocos norte si ichiro..eh tagadun din si papa..so ayun, usap sila dun forever at wala naman akong maintindihan dahil di ako tinuruan mag-ilocano..awwww..sad..ayun, kain, kwento..tas nung mga bandang 8 na, nagbayad na tapos disperse na..awwwww..napakasayang araw.. :))

tas hinatid ko na sa dorm si regina.. :)) at nakatulog na ako sa kotse sa sobrang puyat.. :)) nakarating naman ako ng buhay sa bahay namin kahit ang kasama ko sa kotse eh dalawang lalaking naghati sa benteng san mig light..grabe, nakikita niyo pa naman ako at nakakasama so okai naman..

sana laging ganun, magkakasama kami ng friends ko..:))


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: