churlaloo

on January 5, 2008

kamon, medyo matagal din akong hindi nakapagpost..lalo na nung holiday season..uhm, kasi nanonood lang ako ng jdorama at ng kung anu-ano..

tapos di din ako nakapagupdate pagkapasok sa school kasi naghanap lang kami ni rej ng mapapasukang university..naks, parang napakaserious namin para sa aming future..pero wala namang masama magplano/managarap di ba? kasi nag-usap lang kami ni rej nung gabi tas nanghiram ng laptop..siya muna pinaghanap ko kasi namiss ko talaga si baj at nagchikahan to the max kami at naghanap ng magandang jdorama na dapat panoorin..tas nung naawa na ako kay rej kasi siya lang naghahanap ng mga kolehiyo, eh tinulungan ko na siya..andun lang kami sa room nina baj..ang saya kasi tawa kami ng tawa sa mga name ng ibang universities tsaka sa mga naungkat na pangarap namin..tulad ng astrophysics at NASA..at ang kagustuhang makasakay sa baka na parang dalmatian na naglead sa kagustuhang mag-aral sa new zealand..anyhoo, after nun, nagbalak na ako matulog..nakatulog na si thea sa room nina tintin..tas si viel sa room namin nagstay..tapos tabi-tabi sa kama ni celina si viel at verna pati si cel..panu na ako, mag-isa lang sa kama ko..so tabi-tabi kaming apat na natulog..nakatulog naman kami ng maayos at hindi naman kami nagkapalit ng mukha..infairness, nagkasya kami..

ang chaka kaya nung thurs kasi halos wala naman kaming ginawa..pati nung friday..dapat di na kami pinapasok eh..nung thurs: dating sa dorm at nagbukas ng gifts..ss: wla lang..tas pinoy: nagbigay lang ng due at requirements. tapos p6 with our virtual teacher..(frances, i agree, dapat may subtitle yun)..bio, nagchikahan at rubiks cube congress sa table namin..dahil boring si ma’am docto..tapos walang cs at chem..pero may pe..rarr..tas kinuwento ko kay cephyr ang mga napanood kong jdorama..tas SK meeting..tas ayun na nga kami ni rej with cephyr’s laptop..

friday: sa socsci, nagtawanan lang kami..bio: boring ulet..ESTI-ARRRRRRR: wala si ma’am dawn so akala namin wlang str..dumiretso kami caf..at kakain na sana nang biglang nagtext si timmy na may str..takbo naman ako, verna, zaldy, john, onats at jerome..katakot si ma’am chupungco..serious..parang asar siya kay mrs crisologo..tas math, akala namin wala..meron pala..kasi wala sa berylium so akla namin wla din..meron pala..asar..boring ulet..akala pa naman namin double UB..tas kumain at natulog lang ako..

health sa gym..ang ganda ng group namin..tobacco..panalo ang combination..masisipag, creative at masasaya kasama..ako, cephyr, koko, benetz, zaldy, gabby, onats, pao at di ko na maalala..si jer pa pala..at si jerome..so FUNCHUM to..tapos english, chinika lang kami ni mam..di early dismissal..rarr..cs, pinapasok kami ng room tas pinalabas din kami kasi wala si mam mendoza..tas inaccomplish namin ni verna ang lahat..at naretrieve ko na ang panyo ko na naiwan ko sa str room! hinanap namin yung janitor..tas ganito..

DIANNE: kuya, pwede po bang pabukas nung str room sa astb kasi may naiwan po ako..

KUYA: eh bakit naman kasi naiwan mo? tandaan mo di lang ikaw ang gumagamit ng room..panu kung nwala na yun..sige, intayin mo ako, pahinga muna ako..

DIANNE: sige po..

KUYA: joke lang, sige..

so lakad kami..binubuksan na ni kuya yung room..

KUYA: ano ba naiwan mo?

DIANNE: yung panyo ko po.. *nahihiya ako kasi inabala ko siya para sa panyo*

natawa naman siya kasi panyo lang pala naiwan ko..nagpasalamat ako kay kuya..

wala daw chem so nagayos na kami ng gamit ni verna..tas tagal dumating ni daddy..may puntahan daw kami..kumain kami sa tender bob’s sa greenhills kasama ang mga friends niya..alas dos na ako nakauwi ng bahay..tulog.. *nasuffocate ako nung gabi..andaming naninigarilyo..rarr them*

tas ngayon nagnotes sa ss at nagmultips..ewan ko ba kung bakit ako nagkwento kasi dapat may ipopost lang ako na copy-paste..sa next post na yun..

tit tat.. :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: