churlaloo

Wala Akong Maisip na Titulo Para Dito

on December 19, 2007

kanina pagkagising ko, gusto ko agad manood ng tv..di ko alam kung bakit..so binuksan ko yung tv..kaso di ko mahanap yung remote..so kung ano na lang yung channel pagkabukas ko ng tv, yun na lang yung pinanood ko..tapos yung palabas eh yung shakey’s volleyball league..ngayong bakasyon lagi ko napapanood yun, ewan ko kung bakit..women’s tournament siya tapos ang magkalaban dun sa napanood ko eh UST at ADMU..tapos so nood na lang ako..before napanood ko na yung laban ng San Sebastian at ng DLSU at ng DLSU at ADMU..basta, pero di ko napagdesisyunan gumawa ng post tungkol dun..

so nood-nood lang ako..yung napanood ko eh it turned out na yun na pala yung last set..panalo ADMU..tas nagalingan ako bigla sa kanila..comment ko lang..magaling ang ust pero poor yung reception nila nung bola..kasi kapag nagserve ang admu, yung pagreceive nila, di ganun kaganda..so kaya siguro pumapangit din yung pag-atake nila dahil dun..napansin ko yung kaagad tsaka sinabi din yun ng coach nila tsaka nung commentator..pero ang galing-galing ni bernal..ang astig nung mga angular shots niya..as in minsan hindi nasasagot ng admu..magaling din si roces..ang naaliw ako kay roces, maganda siya pero mukha siyang lalaki dahil sa boycut niya..pero magaling siya..

so sa admu naman..halos lahat sila magaling..lalo na si kesinee..pero ang pinakamagling na player daw sa admu sa game eh si acevedo..pero last set na kasi napanood ko kaya siguro si kesinee lang napansin ko..sabi nga ng commentator, kapag binigay mo kay kesinee yung bola, sigurado may point ang admu..as in! grabe, galing talaga..magaling siya sa front row..tas pati pa pala sa back row..galing..magaling din na blocker si pascual..at magaling din tumira si soriano..magaling din magreceive si sison..so ayun..nagalingan lang ako.

tas nakita ko na din yung remote nung hinanap ko ito pagkatapos ng game..tapos habang naglilipat ako ng channel, napunta ako dun sa home shopping..tapos ang binebenta nila ngayon eh yung hiphop abs..as usual, gagayahin mo yung steps dun sa tutorial niya para pumayat ka..tas naalala ko bigla si paeng..kasi may abs si paeng tas may abs din si shawn(yung nagtuturo)..tas naalala ko yung sinabi ni paeng..tinanong kasi namin siya kung panu siya nagka-abs..sabi niya inborn daw..napaisip tuloy ako..naghiphop abs kaya si paeng nung nasa tiyan pa lang siya ng nanay niya?heehee.. :D

so ayun, nagshashare lang ng mga naiisip ko..kanina bigla ko naisip kung ano bang kukunin kong course sa college at kung saan ako mag-aaral..nahirapan ako..mamaya na ulit ako magmuni-muni..

sige, baybay..:D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: