churlaloo

wala na daw unli ang globe?

on December 16, 2007

sabi kasi nila hindi na daw sila makapagunli..mukhang wala na daw unli sa globe..well, i think ngayong holiday season lang dahil malulugi ba sila sa dami ng magtetext ng “Merry Christmas!” at “Happy New Year!”? ewan ko sa kanila..so ang panukala ni ichiro ay mag-sun na..and dastynne, nakapagpabili na ako ng bagong sun sim ko..i’m sooooooo sorry talaga..dala ko yung lalagyan ng sim kaso mukhang nalaglag sa dorm yung mismong sim, so wala siya nung hinanap ko..nakapagpabili na naman ako sa pinsan ko kahapon ng sim eh..pumunta kasi siyang sm..well, dapat sana ako ang bibili pero nalaman kong hindi kami pupuntang sm kahapon..

so ayun, kahapon ginising kami ng aming parents..malapit na nga magtanghali eh..sobrang late talaga namin gumising ni sis..kasi punta daw kami divisoria/tutuban mall/168..so kahit labag sa aming kalooban na naistorbo kami sa aming sleep, gumising na kami at kumain at naligo at lumayas ng bahay..(ganda pa naman ng panagnip ko..may-ari daw kao ng isang ice cream shop..weeeeh, i remembered my dream..)

so natulog lang ako sa byahe kais naubusan na ng battery si mp3..sobrang nabilad ako sa araw kahit slightly tinted si kotse namin..(isang reason kung bakit ako natulog para mapigil ko ang tawag ng kalikasan..wala kasing nearby cr..)

so binaba kami ni daddy sa harap ng isang mall..sakay kami ng elevator..and then nag-cr..tapos what i’m fascinated most kais yung girl na nakasabay namin sa elevator nung paakyat kami is the girl din na nakasabay namin nung pababa na kami..aliw na aliw ako..

then, 168 na..nung papunta dun, naloka ako..medyo nagkahiwalay kami nina mami..pero nahabol ko naman sila..grabe, sobrang daming tao..nakatayo lang ako dun pero gumagalaw ako..kasi may tumutulak sa likod..so parang may wave..as in napapaabante ako kahit di ako naglalakad..ngayon ko lang naexperience yun..grabe..sobrang sikip..tas may kotse pang dumaan eh sobrang liit na nga ng daanan..

nung nasa 168 na, ok na..madaming tao pero i can breathe pa naman..

pagod pero masaya naman..pero nung andun na kami, ang dami kong gustong bilhin..syempre hindi naman pwede kasi dapat isiping mabuti kung worth it ang bibilhin..well, tsaka nahihiya ako sa nanay ko magturo dahil windang na windang na siya sa kakalibot at kami ng kapatid ko sa kakasunod sa kanya para sa mga regalo..pero i’m happy kasi nakabili naman ako ng cute na relo at ng tatlong colored at cute socks..grabe, yun kasi ang luho ko sa buhay..colored ankle socks/foot socks at relo..wait pati pala bookmark luho ko din..so sa mga simpleng bagay na yun ay sobrang nasisiyahan na ako..mura lang naman yung binibili kong relo..haaaay..

i found lots of doraemon stuff..ang kyut nila kaso di ko binili..kasi well, yung iba di masyadong kamukha ni doraemon..at kahit na gusto ko talaga bilhin kahit di masyadong kamukha ni doraemon, inisip ko na lang na napakadami ko ng palawit sa cellphone at halos lahat ng items na andun na doraemon eh meron na ako kahit di siya doraemon..at inisip ko na lang din na hindi ko siya kailangan..

so natapos ang araw..saya-saya..nakabili na ako ng gift for my one and only inaanak..barney na pillow..he loves barney..

tas nung pagdating sa bahay, inayos na ni daddy yung bagong bili nyang speakers..at grabe, ikinabit ba naman sa pc namin at pinatugtog ang soundtrip niya habang ginagamit ko ang computer..grabe, natanggal ang tutuli ko..pero dahil sa makalumang soundtrip ni daddy, nagiging retro na din ang soundtrip ko..

binalot ko na din kagabi yung mga napamili naming regalo..ewan, kapag nakabili ng pangregalo, sarap ibalot agad..tulad nung mga regalo kong tsokolate..

wala ng dvd sa bahay..pero tama lang yun para mabasa ko na ulit ang memoirs of a geisha at basta..dami ko pang dapat matapos so dapat magseryoso na ako..pero ang sarap matulog at manood ng tv at magcomputer..anyhoo, ganun talaga..

alala ko sa princess hours, may part dun na kinukwento yung kalagayan ng mga tao sa africa..sabi nung queen, yung ibang tao namomroblema sa pagiging mataba nila samantalang ang ibang tao namomroblema sa pagiging payat nila..tama nga naman..pasalamat nga tayo nakakakain pa tayo di tulad nila..speaking of pagkain, sarap ng lunch kanina, hipon..heehee..

masasabi kong hindi nonsense manood ng kung anu-anong telenobela diyan..dami ko napupulot na quotable quotes eh..na naa-apply naman sa pang-araw-araw na buhay..

baj, naloloka na ako..fangirl mode ako minsan..si hiro nga pala yung buhok niya sa gokusen 2 ay parang nakatsu yung kulay pero lighter..tsaka maikli..

dastynne, sa monday na lang kita tatawagan gamit yung smart..

sige, babooo..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: