churlaloo

malapit na ang Pasko..

on December 12, 2007

sa aking mga kalkulasyon, labintatlong araw na lamang bago sumapit ang kapanganakan ni Hesukristo..

damang-dama ko na ang nalalapit na Pasko..malamig na ang simoy ng hangin..minsa’y hindi na kami gumagamit ng bentilador pagkat malamig na..ang mga regalo na aking natanggap mula sa mga mahal kong kaibigan at kaklase pati na rin sa ninang ng aking kapatid..ang natanggap kong pamasko mula sa aking tito na kahit maaga pa lang ay pinamaskuhan na ako..ang aking kapatid ay nagfield trip na rin na kadalasan talaga ay nagaganap tuwing disyembre..may puto bumbong na rin noong huling araw ko sa pisay..iniisip na rin namin kung ano ang ihahanda sa noche buena..namimili na rin ang aking ina ng mga pangregalo para sa kanyang mga inaanak..at ako man ay namomroblema kung ano ang ireregalo ko sa aking inaanak na apat na taon na..balita ko din na kinukuha na naman akong ninang..may Christmas tree na rin sa bahay..may mga pakulo na din ang avon at kung anu-ano pa dahil Pasko na..nagsulat na din ng hiling ang aking mga kapatid para kay Santa Claus..ako man ay nagsulat din para hindi sila magtaka na alam kong ang aking ina lamang ang bumibili..ako pa nga nagbalot ng mga regalo para sa aming magkakapatid noong nakaraang taon..sabi din sa balita na mamimigay na ng performance bonus para sa mga empleyado ng gobyerno..

marami pang mga bagay ang nagpapakita na malapit na ang Pasko..damang-dama ko na ito..pero ang pinakamalupit, yung packaging ng chuckie, may Christmas design na..may hat ni Santa, etc..at ang pinakamabangis sa lahat, yung straw ng chuckie eh red at green..may red tas may green din na klase! tawa ako ng tawa nung makita ko ito..patawad pagkat mababaw talaga ako..

natapos ko na ang panonood ng princess hours, kahapon pa..at ako’y naloka dahil ang labo ng subtitle ng pangalawa sa huli na episode..kaya naman kagabi ay naghanap ako sa kung anu-anong website ng video nito..ngunit ako ay nalungkot dahil wala akong makita..inulit ko ang ibang nakakatuwang parte ng princess hours kaninang umaga..ang sarap balik-balikan ng ibang parte..ang galing nung isang artista..kasi ang role niya dun, hindi masyado masalita..pero nagsalita siya, prankahan na..sa mga sandaling hindi siya nagsasalita, damang-dama mo pa din sa mata niya ang nararamdaman niya..ang galing niya..damang-dama niya ang kanyang role..kaya di ko naman napigilan ang aking sarili habang at pagkatapos manood ng princess hours na malipat sa dianne fangirl mode..wahahahaha..natatawa ako kasi naaalala ko ang mga kabaliwan namin ni baj..ang pagiging fangirl namin..

kagabi, dahil sawi ako sa paghahanap ng episode 23 ng princess hours, nanood na lang ako ng ibang jdorama..tulad ng kimi wa petto, gokusen 2 na napanood ko na, hana yori dango na napanood ko na din at kung anu-ano pa..

baj, ipinangako ko sa sarili ko at sa iyo noong nasa fangirl mode tayo na papanoorin ko ulet ang gokusen 2 at hahanapin ko si mizushima hiro (nanba sa hana kimi) doon pagkat napagalaman ko na isa siya sa mga gumanap bilang kaklase ng mga bida..at baj, nahanap ko na siya..sana nababasa mo ito ngayon..gokusen 2 episode 1 part 2 sa mysoju.com

haaaay baj..sa kabilang banda naman, binalikan ko din ang mga katawa-tawang parte ng hana kimi kung saan naroon si ikuta toma(nakatsu shuichi sa hana kimi)..wala lang talaga ako magawa dito sa bahay..

di ko maalala kung saan na kami nahinto ni rej sa panonood ng kimi wa petto..kaya sabay na lang kmai manonood ni verna kahit nasa simula pa lang siya..

kanina, napatunayan ko din na patience is a virtue..kasi sobrang nalungkot ako noong hinanap ko ang video ni ikuta toma na naglalaro ng soccer(galing niya) at napagalaman kong binura na ito sa youtube..ang dami ko ng napuntahan na site at halos sumuko na ako..buti ay napagdesisyunan kong ipagpatuloy nag paghahanap..at nakita at napanood ko ang video..napatunayan kong hindi talaga tayo dapat sumuko agad..

ferrer, ang kulit mo! sabihin mo na kasi..

inupload ko na din ang ilang songs sa hana kimi..

sabi ng isang officer ng enchanted kingdom, kaya daw huminto ang space shuttle dahil nawalan ng momentum..naalala ko talaga agad si sir lim..dapat pala kapag manager ka ng enchanted, alam mo ang momentum..syempre hindi naintindihan ng kapatid ko ang momentum..di ko naman maeksplika ito sa madaling intindihin na mga salita..

si doraemon, pinag-aagawan pa din ng aking mga kapatid..haaaaay..tawa namana ako..

sige, babai na muna..balak ko lang talaga ibalita yung packaging ng chuckie..heehee.. :P


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: