churlaloo

bored..

on December 10, 2007

kinamusta naman..ako ay lubos na humihingi ng dispensa para sa aking nagawa, mga kaibigan ko..hindi ko talaga mahanap ang sun sim ko..ito ay nasa bag ko lamang..ngunit kanina, hinanap ko ito para gamitin ngunit wala na ito..maaaring hindi talaga itinadhana na mag-usap tayo aking mga kaibigan..baka matagalan pa bago ako makabili ng bago..lubos akong humihingi ng kapatawaran sa iyo dastynne na aking kaibigan pagkat ang sim na iyon ay mula pa sa iyo..sadyang nalulungkot ako sa mga pangyayari ngunit wala tayong magagawa kundi tanggapin ang masaklap at kalunus-lunos na pangyayari..

kaninang umaga ay hinatiran ko ng pagkain ang aking kapatid..nanood lamang ako ng dvd ng princess hours buong araw pagkat wala naman akong magawa dito sa bahay..sadyang ito lamang ang ayaw ko kapag bakasyon, wala akong magawa..pero nagpapasalamat na rin ako na maaga ang aming bakasyon sapagkat ako ay nakakapagpahinga ng mabuti at nakakanood ng telebisyon hanggang kelan ko gusto..

patawad oj kung hindi ko masagot ang mga mensahe mo pagkat hindi naman ako unli..kung mababasa mo man ang isinulat kong ito, sana’y mapatawad mo ako..

hindi ko alam kung bakit ako nagtatagalog ngayon..siguro ay epekto ito ng mali-maling subtitle sa princess hours kaya ewan..walang koneksyon ang mga pinagsasabi ko..

kagabi, nakit ng aking ina ang staptoy kong si doraemon..ngayon lang niya ito nakita pagkat hindi niya ito nakita noong inuwi ko ito noong minsan na nagfumigation laban sa anay sa dorm..sabi ng nanay ko ay cute daw ito at mukhang mahal..ok lang naman sa akin pagkat alam ko naman na hindi nenenokin ng nanay ko yun..

pero sadyang nagkamali ako..pagkat pagkauwi ng aking mga kapatid galing sa eskuwelahan, ay, maluka kamo ako..kasi naman, interesado sila kay doraemon..ay nako, ang kulit nila..sabing ayaw ko, eh wala akong magawa..kapag nanonood ako ng princess hours, sabay kuha naman nila kay doraemon sa ibabaw ng aking tukador kasama ang oso na regalo sa akin ni jaebi..haaay, di ko tuloy mapanood ang princess hours ng matino pagkat nagaagawan kami kay doraemon..syempre, sa huli, ang ate pa din ang nagwagi..wahahaha..kelangan na ata bantayan si doraemon pagkat mukhang nanganganib siya sa mga kamay ng aking mga kapatid..

ngayon, ang aking itay naman ang nanonood gamit ang dvd kaya di ako makadiskarte at makanood ng princess hours..sa loob ng isang araw, masasabi ko dahil nagsimula ako kagabi at natapos kanina, nakalabindalawang episodes na ako..ang ganda kasi, masyado akong nadadala sa daloy ng istorya..ay nako, kung ganito ako kabilis manood, paano na ang aking bakasyon at wala na akong mapapanood?ngunit ok na iyon pagkat gusto ko ulit basahin ang memoirs of a geisha..

nakakaluka na ang pinapanood ko..ewan ko kung bakit..lagi na lang akong nadadala sa istorya..verna, sana’y matapos na natin ang kimi wa petto..ngunit tatapusin ko muna ang princess hours..ay naloloka na talaga..pansin ko lang, kadalasan, sa mga telenobela, kung sino yung gusto ko magkatuluyan sa dulo, hindi nangyayari..tulad ngayon, kung sino ang gusto kong magkapareha ay hindi naman ang itinakda ng istorya at ng manunulat..ako’y lubhang nalulungkot sa mga pangyayaring ganito..tulad sa jumong na ang gusto ko ay si soya at jumong..sa endless love 1, si jenny at andrew..tapos sa lovers in paris din..ay nakakaloka..

wala na akong msabi..tinatamad pa din ako ituloy yung sayang at spontaneous ang time series..pero malapit na yun..

sige, ako ay mamamaalam na..paalam sa inyo..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: