churlaloo

hong kong adventure part 1..day 1..may 8, 2007..

on May 15, 2007

Hong Kong Adventure Part 1..Day 1..

Ayan..maikwento na nga..so ayun..first time ko sasakay ng airplane tapos international pa..nako, aliw talaga..ang aming flight ay 8am at Cebu Pacific Air 5J 110 tapos dapat 2 to 3 hours before boarding time ay nasa NAIA na..dapat pala 2 hours lang..eh sabi nung guard na napagtanungan namin ay 3 hours daw..eh 7am pa lang pwede pumasok sa boarding gate..eh haler, 2am ba naman kami gumising tapos 3am na kami lumayas ng bahay tapos mga 4 kami dumating sa ParkNFly..kasi iiwan namin ang aming kotse doon habang we are away..eh mga 30 minutes daw dun so okay, go, go, go! Ayan tuloy, di pa bukas yung sort of stall ng cebu pacific eh andun na kami..so wait muna dun..so aliw yung sound nung board kung saan mo makikita what time ang iyong flight..so aliw talaga..ayun hintay dun..at ang nasa harapan ko sa upuan ay isang couple..so PDA..nako, di ba nila naiisip na may mga munting inosenteng bata sa paligid na nakakakita sa kanila na pwedeng gumaya sa kanila..nakakaasar talaga..ever since meron akong prinsipyong against sa mga nagpiPDa..ok lang yung alam mo, yung tolerable, pero meron kasing eew talaga..dapat sa telenobela ka lang makakakita noon..nung nag-open na yung sa cebu pacific eh di go..tas pumasok na kami sa immigration..

Dito na ako naasar..hindi sa mabagal sila o di dahil may bayad pa, ngunit dahil sa TRAVEL CLEARANCE..inagahan ko matapos ang aking clearance sa pisay..pabalik-balik ako para lang maasikaso ko ang aking travel clearance and eberything..nahirapan pa ako magpaxerox nun and everything..tapos..tapos..ni hindi man nila binasa o kahit tinignan man lamang ang pinaghirapan kong makuha..ni hindi naman pala ata kelangan nun..di naman ako hinarang o ni kinuwestiyon kung ako’y taga-Pisay..i mean, proud na proud ako maging Pisay pero err, ni hindi man lang nila nalaman na ako’y taga-Pisay..naks, yabang daw eh..

So ayun, tapos na kami dun..gala-gala sa may mga shops dun..kaso talagang matagal pa bago makapunta sa gate so iglip-idlip muna kami dun..nako, at nagutom ang aking lil sis at lil bro so bili ng cup noodles..yung supreme na malaki..kaluka! 82 ba naman?! nako, ang mahal, naluluka ako..

Tapos nung 7 na, punta na kami gate..tapos ayun..hintay na naman ng matagal..tapos sakay na ng airplane..yeah, it’s my first time..

So dahil isa akong napakabait na ate, eh kahit ako dapat sa seat na malapit sa window eh ipinaubaya ko na sa aking kapatid ang seat na yun..hehe..haay..so nung wala na namang makita sa view eh natulog na lang ako..i mean kami..kasi duh, natapos ko na basahin ang smile, ang magazine ng cebu pacific..tapos mamaya pa daw bibili ng food si mommy..nakalimutan kasi ni mami at dadi maglagay ng food sa hand carry bag..hay kaloka..so sleep..zzzz..ayan and then..pag kelangan magseatbelt, ginigising ako ni mami..ayan..and then magland na daw..weeeehh..so happy..finally ako ay nasa lupa na ako ng hong kong..it’s so happy..then, ayan, baba na sa plane..weeeh..tapos syempre di naman namin alam ang lupain ng hong kong..so go, go, go..sunod lang kami ng sunod sa mga other pinoys para makuha ang aming baggage..so hafi..tapos kala namin nawawala na kami..kasi so maarte naman pala eh..kelangan mo pa sumakay ng isang train para lang makapunta sa baggage counter somewhere..grabeeh na itoh..buti may nasundan pa kaming pinoy dun..yung parang may alam dun..so go ahead..nakuha na baggage..tanung ulet saan sakayan ng bus..well, syempre bago naman sumabak sa hong kong eh nagbasa din kami ng pamphlets..so tanung sa information panu makakarating ng hotel..sakay daw ng bus..at naligaw pa kami sa paghahanap ng bus terminal..kaloka noh! Buti nahanap namin..sa kanila kasi hi-tech..may octopus card kang bilhin tapos itatapat mo lang dun sa parang card reader tapos mababawasan na yung balance nun..aliw talaga..so go tapat sa reader..sakay sa bus..double-decker ang mga bus dun..2 floor..sosyal..nako, ang ganda ng view..infairness, dami nila puno..aliw the scene..tapos naligaw na naman kami..forever na kami naligaw..di kasi kami nakababa sa street kung asan ang aming hotel..sa kanila kasi kunyari like us, bus A21..di tulad sa pinas na kahit saan pwede ka pumara..may kanya-kanya silang bus stops..bawat bus may kanya-kanyang route at kanya-kanya ding stops..kaya nako, wawa kami..soooooobrang tagal namin naglakad..pero buti naman at naligaw kami dahil gutom na kami noh..may nakita kaming mcdo na banner or poster..basta ganun..hinanap namin, di namin makita..mas nauna namin nakita ang KFC..so dun na lang kami kain..nako, ang mahal ng kanin..tapos di alam ni mami anu orderin niya..thank you Lord..grabe! may nakakita sa aming pinoy at tinulungan niya kaming umorder..yeahboi..i’m so hungry na nun..so eat-eat na..

Sorry Lord ah..kasi syempre mahal ang hotel..2 lang sa isang room..eh isang pamilya kami..5..so alanganing 2 rooms pa..kaya ginawa namin, ako at si itay lang ang nagcheck in tapos pinasok na namin yung room..iniwan ang bagahe..dalawang single bed na pinagtabi..cute yung room tapos ok naman..

Then, binalikan namin sila lianne..tapos lakad onti..nagaway pa nga sila mami eh..kasi parang ayaw sundin ni mami yung ginawa naming itinerary dito sa bahay..kasi nasa kowloon side kami..and then next destination eh malapit sa hotel..ang side ni mommy eh sa kowloon na lang muna gumala..tampo daddy kasi ang usapan sa Ngong Ping 360 ang susunod kasi pag sa Kowloon muna kami gumala, eh di na namin maabutan yung Ngong Ping 360 kasi hanggang 6 lang yun..buti nagbati na sila..

Eh dahil di naman namin alam ang mga routes ng bus, naglakad kami ng sobrang layo para makapunta sa istasyon ng tren..yung istasyon ng tren na iyon ay underground..sosyal! nako, nagkaligaw-ligaw na kami..umiiyak na ang kapatid ko..kasi pwede kami magbus kaso di naman namin alam kung san ang bus stop at baka lalo kami maligaw..buti na lang, thank you Lord..may nakasalubong kaming Pinay at napagtanungan namin siya..and then alam na namin kung san sasakay..go, sakay kami..go ahead..mabilis yung tren..basta fun kasi may dinaanan na isang island yung tren eh..tsing yi island ang tawa..ang ewan lang kasi la ka masyadong makita na view..pero ok lang..sa dulong station pa kami eh so aliw kasi nung medyo dulo na, nakaupo na kami..fun..haay..tapos nung babaan na..eh di baba na kami..bayad to the max talaga..ang mahal ng pamasahe..sobra..nagbayad na nga dun sa Kowloon Station ng tren nagbayad ulet kami pababa..asar..tas malapit na pala dun yung Ngong Ping 360..ang Ngong Ping 360 ay isang cable car..nyaha..fun.fun.fun..so bayad kami dun..mahal din..nako, walang mura sa hong kong! Sakay na ng cable car..aliw kasi..ang taas-taas..tapos nasa ibaba mo yung mountains and yung sea..so fun.fun.fun..ang ganda ng view..nung una natakot nanay ko kasi you know naman her..matatakutin sa heights..tinatawanan lang namin siya..ayan picture-picture..fun.fun.fun..aliw ang lamig pa..

Asar talaga ako bigla doon..kasi may isang cable car na nagdaan..grr..nasabi ko na kanina pa na I hate people na nagpiPDA..tama bang maghalikan, I mean maglaplapan sa cable car..dami kaya makakita sayo..eew..nako, bwisit na bwisit ako sa kanila..pero syempre di ako papayag na masira nila ang aking day..fun talaga..tapos nung bumaba na kami, sakay na lang daw kami ng bus para makapunta ulet dun malapit sa sakayan ng Ngong Ping kung saan kami ibinababa ng tren awhile ago..so ficture muna doon..andun kasi ang Po Lin Monastery at ang Giant Buddha..ang laki nung Buddha..di nga lang siya kita pag sakay ka ng cable car..nakaupo lang siya, pero mukha siyang dumudumi..hehe..aliw.aliw.aliw talaga..so fun..hehe..tapos side view lang kita mo sa kanya..kelangan mo pa magbayad para makaakyat dun..never mind na lang..mahal kaya..so picture na lang..tas uwi na papuntang kowloon..di naman uwi na..punta na kowloon..so sakay ng bus..di ko mapigilan ang antok ko sa bus..tas edi nakatulog ako..kaso nagigising ako kasi dami sumasakay na workers..at least ang workers dun di pawisan..dito kasi sa pilipinas di ba ang hirap pag nakatayo sa harap mo eh pawis na pawis..buti dun hindi so okay lang..sobrang putol-putol yung tulog ko..isang oras kaming nasa bus..kala ng nanay ko nasa kowloon na kami..di niya alam nandun pa lang kami kung san kami ibinaba ng tren..hehe..gets..eh plano ng nanay ko na pumuntang Ladies’ Market..parang divisoria sa daan..ganun..eh gabi nagbubukas yun..so skay kami ng bus..this time napagdesisyunan namin na sa 2nd floor ng bus umupo..ang ganda ng view..fun.fun.fun ulet..haay..tapos nung bumaba na kami, di namin mahanap agad..di kami naliligaw..kaso nagugutom na din kami..at timing talaga..may mcdo..so sugod..nung oorder na kami, naghahanap nanay ko ng kanin..sabi niya “do you have rice?”..nako, wala silang rice..at ang intindi pa sa rice eh “fries”..anu ba naman sila..rice lang eh..nako..so nanghiram muna kami ng menu..tas burger na lang..ayan, eat-eat-eat..aliw.aliw.aliw..tapos may napagtanungan kaming mama dun na naninigarilyo na nakakaintindi ng english na alam ang place..so nakapunta na kaming Ladies’ Market..aliw..bumili, I mean binilhan ni mami si lianne ng bracelet..yoko na magconvert..eh ako naman, nung nakakita ng medyas, naaliw..masasabi ko na din na hilig ko na bumili ng medyas eh..so bumili ako ng ankle sock na mejo white na may design para magamit sa school tsaka foot sock..

Tas nag-aya umuwi si lianne..asar tuloy tatay ko..eh di sakay bus ulet..at di namin alam saan kami sakay..buti may GWAPONG marunong magenglish kami napagtanungan..at nakasakay kami..tas may pinay din na sabi dun sa bus kami sasakay..so ayan, aliw..tas baba kami..tas onting lakad..tas ginawa namin ay ako muna pumasok sa room..tas sila mami at lianne..tas si dadi at derek..buti na lang iba na yung mga nakashift sa counter ng hotel kesa nung nagcheck in kami so di niya kami kilala..aliw..tapos nung nasa room na, inom na ng vitamins..ayos gamit and everything..wash..then, ang lambot ng kama, may comforter..so tabi-tabi kaming natulog..sleep na..zzzzzz..end ng day.. :D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: