churlaloo

15 weird things about me..

on May 4, 2007

15 weird things about me..

ewan ko lang kung weird toh pero basta ako itoh..

  1. lagi akong nagdedaydream..tapos kinakausap ko din sarili ko..tapos mahilig ako tumingin sa salamin, di dahil vain ako kundi ewan..gawa ako ng happy faces..o kaya, inaayos ko yung buhok ko..di nga siya actually ayos kasi lalong gumgulo hair ko..nyaha..=))

  1. I love spotting cuties..spot lang naman..di naman ako tulad ni josef ferrer na oa kung mangstalk..pati address eh inaalam, as if naman pupuntahan niya sa bahay yun..adik talaga nun..di naman ako ganun..tsaka di naman ako naghahanap ng cuties..wala lang, kunyari nood ako ng tv tas mapapansin ko na cute si ganun, ganire..hanggang ganun lang naman..

  1. adik na adik ako sa mga telenovela..di naman adik na oa na pati mallshows ay sinusuyod and everything..mahilig lang talaga ako manood ng tv..dahil ang tv ang buhay ko..[naks, nagdrama..]..pero totoo naman..ewan, nahuhook ako sa storya eh..

  1. nako, ayaw na ayaw ko ng english..tulad ni tintin at ferrer, ayaw ko talaga ng english..ewan, allergic ata kami..kasi tagalog ang aking nakasanayan..pero mahilig ako magbasa, di ako allergic sa english books, novels o kung ano man yan..wag lang acads ah..ewe..labo ko noh?bano sa english pero hilig magbasa..

  1. masaya ako pag nagdidilig o kaya naglalaba..nyaks, sorry bano talaga ako..kung yung iba eh masyadong dinedespise yun eh, di ako..kasi naaaliw ako dahil nababasa ako..[nyak, ang babaw..]..pero totoo naman, aliw yung bubbles tsaka yung tubig..

  1. ayokong-ayoko ginagastos yung sarili kong pera..well, sino ba naman gustong gastusin ang kanyang pera kung may bibili naman nito para sa kanya..hehe..kuripot kasi ako..nyaha..

  1. I hate sewing..nako, sa lahat ng ginawa namin sa HELE nung elem eh talagang ayaaaw ko manahi..basta, ayaaw ko..di ko hilig..ayaw ko din magcrochet, yung maggantsilyo..basta something na may connection sa sinulid at karayom, ayaw ko..nako, alala ko dati, sinubukan ko magcross-stitch..di ko naman natapos..hehe..tamad ako eh..si tita ko na ang tumapos..

  1. natuto lang akong gumamit ng venetian blinds ngayong 2nd year high school ako..nyak..kahiya-hiya naman ako..kasi never naman kami nagkaroon ng blinds dito sa bahay, ngayong 2007 lang..hello, di ko naman kasalanan yun..tsaka di ako yung tipo ng tao na curious to the max..iaasa ko na lang sa people around kung di ko alam pano yun..at di ako inclined sa techie stuff and concepts..kaya buti nga sci stream ako eh..wahaha..

  1. ewan, pag nagsimula nang tumulo ang aking mga luha, sobrang hirap na ako patahanin..as in never..sobrang tagal bago mawala ang mga luha ko..grabe, kaloka ako..nung minsan, sa SK, naiyak ako tas wakoko..sobrang tagal kami ni viel sa library ng dorm para mailabas ko lahat ng kaya kong ilabas na luha..nyaha..grabe, naluka ako..tsaka ewan, madali ako mapaiyak..di naman ako crybaby, pero iyak talaga ako pag nakakaiyak..pag ako umiiyak na, nangingilid pa lang luha ng mga tao..pag ako humahagulgol na, dun an sila umiiyak..gets?oa ako..

  1. madali din ako mapatawa..at oa ako pag natawa ako..nako..kung alam niyo lang..mababaw lang ako kaya madali ako mapatawa..minsan nga mukha na akong baliw sa kakatawa..basta sobrang babaw ko…siguro nga nakakatulong yung mababaw ako kasi di ko masyadong dinadamdam ang problems ko sa life..nako, oa ako tumawa..sobrang lakas..minsan naiiyak ako..minsan, di na ako makahinga..lumilinis yung floor kasi basta..

  1. kung san ako magkanunal, nagkakanunal din yung mga kapatid ko..nako, nakapagtataka nga ito eh..nung nagkanunal ako sa ilong, nagkaron ang sis at bro ko..basta, labooo..

  1. shy ako kapag mga tao sa aking paligid ay di ko kaclose..sino bang hindi?basta nung first time ko umattend ng ACTS Fellowship eh ang shy ko..buti andun si baj at regina..ako pa pinili nung group na magreport kasi nga bago pa lang ako..

  1. kumakain ako ng strawberry fruit pero di ako kumakain/umiinom ng strawberry products..kasi nalalayuan ako sa lasa ng totoong strawberry sa products nito..mas malabo sister ko..kain siya ng strawberry at mga products nito except strawberry ajam..labooo niya..but I eat strawberry jam..

  1. straight yung hair ko nung bata ako pero ngayon wavy/curly na siya..[di naman kinky noh..]..labooo..nu kaya nangyari..at same goes for my sister..straight hair dati, ngayon tulad ko wavy na..

  1. wala, tita na ako kahit di pa ako pinapanganak..kasi laki ng family nila mommy..10th child siya out of 11..so yung mga ate niya, ang anak nila ay kasing-age lang niya..so basta, I have lots of nieces and nephews..nako, pag nagkaanak na yung pamangkin ko na college graduate na eh, tigok na ako..lola na ako..wahaha..

feeling ko ang dami pang weird things tungkol sa akin pero 15 lang naman hinihingi eh..so never mind typing na lang..wahaha..pero dahil weird ako, kaya ko magtype all day na nililista lang ang mga weird sa akin..wahaha..nakakaaliw sagutan ang mga surveys..hehe..gusto ko nga magpost ng matinong post kaso tamad ako..baka puro surveys muna ako tas tsaka na ako magpost ng matino..sinisipag naman ako magpost dahil summer ngayon kaso ewan, gusto na ayaw ko..kasi pag di ako nagtatype, dami ideas kung ano ang ipopost ko ang nagfoflow..pero pag magtype na ako, blanko..laboooo talaga..

sino tatag ko? Wala na lang..

next post ko pag may naisip ako na weird about me eh ipost ko na lang din..

sige, au revoir..J


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: