churlaloo

yeah..

on March 28, 2007

Come on..sabi ko sa last post ko, babalik ako sa pagpopost at manonood muna ako ng GOKUSEN 2..kasi naman di pwedeng palampasin ang gokusen dahil ang cute ni takeda..shox naman..eh tinamad na ako magpost ulet..nagbasa na lang ako ng libro..tinamad na kasi ako..grabe..di na tuloy ako nakabalik..sorry..

Ang chaka nitong blog ko..di tulad ng blog nila timby at purr..kasi talagang napopost nila ang nangyayari sa kanilang life lalo na yung blog ni purr..grabe..buti pa siya..nakakatamad naman kasi magpost ng super long posts about what happened eklavoo..ang jogi naman nun kasi..grabe..tama nga kami ni timby..masaya magblog..sa una, pag nauupdate mo pa to the max..pero later, tatamarin ka na na magpost ng anu talaga nangyari at ang ginagawa mo na lang ay nagbloghop at nagupload o nagpapaganda ng site mo..nakakatamad kasi magpost..well, sana di tamarin si purr kasi para may mabasa naman ako sa mga nangyayari sa life ng peopling ng earth..

Ayan..alanganin naman na bumalik pa ako sa pinakaumpisa ng life ko at ikwento yun..sobrang haba na nun..

Ito ang latest na lang..

Ayan..tapos na yung post ko about intrams..so clearance week na lang.

Ayan..clearance..walang magawa sa life..nung march 15 nga Thursday, pagkatapos ng tribute play ng bagong katox sa mga 07 katox, wala na akong ginagawa kundi hintayin na maclear ako sa guidance..eh super antok ako nun dahil napuyat sa kakatext nung gabi na yun..natulog ako sa sofa ng dorm..shox, ilang beses na ba akong natulog doon..alala ko dati gumagawa kami ng props ni kate para sa english play nung 1st year..umiglip lang kami..tas di na kami nagising at ginising..ginising na lang kami ni mam malou kinabukasan at 7 am na daw!taranta to the max..anyway..nung minsan naman nung natulog ako sa sobrang pagod..paggising ko nandun sina mike at vince,kahiya..ngayong 2nd year na lang ulet naulit yun..kaantok kasi..

12 ako natulog..gising ng 1 kasi tapos na ang lunchbreak..kaso masarap ata matulog sa sofa, nakatulog ulet ako..2 gising na naman ako..kaso may meeting si mam anda nun..tulog ulet..nung 3, tumayo na talaga ako..punta guidance..kaso umuwi na daw si mam anda..so sad..

kaya, better luck next time..umuwi na ako..

bawal na ang mga peepz kinabukasan kaya di ako pumasok..

22 pasok ulet ako..dami tao..at ito na ang pinakaexciting..

nung 20, nagtext si isay at hinuhunting na daw ako ni kat sevilla dahil di pa kami bayad sa batch funds..nako..at la pa ako nasisingil..shox!

tas nagtext pa si jvi kay isay na sumthng like ‘please tell dianne that she should perform her duty as the class treasurer and I want all money transactions be cleared’..shox..masyado akong nahurt..kaya todo nagtatago ako nung 22..

10-11 am lang daw si kat sev sa pisay..at 1030 na ay di pa ako tapos..grabe na ito..kaya todo iwas ako sa front lob dahil nako, nandun siya..kaso talagang pinagtatagpo kami ng panahon..tas nasa guidance kami ng biglang pagtingin ko sa likod ko, nandun si javi na kinakausap si jaebi..lagot..todo takbo kami papuntang cr..tas bumaba kami at nagtago sa dorm..kaso galit na ata isay kaya hinarap ko ang aking fear at umakyat guidance..buti la na siya nun..

ginawa namin ni purr, pinapunta namin timby guidance para icheck kung nandun pa javi..tapos biglang sumisigaw si viel at timby ng dianne..natakot ako at pumunta kami ni javi sa registrar..naharang namin mga teachers pero wa care..talagang takot ako kay javi simula nung oral defense..tas sabi nila timby, la na daw..so peaceful na ang earth..

nagpaclear na ako guidance..tapos na..kaso sabi isay gusto daw akong makausap ni javi..shox..todo support naman sampa..sobrang takot ko..yoko talaga eh..nung nasa astb na, tumulo na talaga luha ko..todo iyak ako to the max..hayy..nasaksihan nila panu ako umiyak..well, nung nakausap ko javi, ok naman..di naman niya ako kinain..so ok na! grabe..

hinanap ko purr at nagmeet kami ni rej..ayan..gala-gala..

tambay a dorm with gee at nagchikahan..

tas nagpraisefest na kami..

nagpalit na kami ng civilian clothes..tas nagalit ata tia kasi sabi ko la na utang marius pero siya meron na..ngunit nagkamali ako..tas lakad kami field..well, si purr kasi ang aming dakilang alila kaya lahat ng bag at gamit nasa kanya..nagkakalaglagan mga gamit at bumubuka bag so inayos namin..eh nasa gitna kami ng field nun..nakakahiya..sabi ni timby “alam niyo mukha tayong ewan dito, nasa gitna tayo ng field”

paglingon namin here comes him!shox, masyado kaming nagulat at kinilig siguro at tumakbo kami papalayo..kasi naman..grabe..kala namin di na namin siya makikita pero eto nasa aming likuran..ayan..tuwa kami..

so register eklat..tambay muna..umaambon.ayan praisefest na..

napaaga uwi ko dahil nandun na si mami at dadi..uwi na..tas gawa financial report para kay jabi..hirap gawin pero natapos na..di natuloy ang aking pagpunta sa pisay kinabukasan dahil grad/recognition ni bro..ayan..tapos tulog ako forever..at nanood ng gokusen 2..grabe..may isa pang may itsura..si tsucchiya..pero takeda pa rin..ayan..tas nakatapos ako ng dalawang libro nung gabi lang.galing ko..

kalimot nood din ako prince of tennis..galing..ohwell..dito na nagtatapos ang aking post..bye!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: