churlaloo

eto na naman ako..:D

on March 28, 2007

Come on..hey..it’s me..joke..labo ko talaga..

Ang aliwwwww ng post ni timby at purr..anyway, galing talaga..kaya eto ako, syempre magpopost din..hihi..

Nakwento ko na ang medyo disaster pero super duper saya na day ko noong march 22..hihihi..wahaha..hehehe..labo ko..tama nga ang sabi ni gian, kung babasahin mo mga sinusulat ng pinoy or at least mga text, blog, conversation sa ym eh puro na lang, tawa..wala ng magawa ang mga tao kundi tumawa ng tumawa..at least masaya di ba..hihii..nwei..

Ayan, todo decide kami nina mommy kung kelan ako papasok nung weekend..at napagdesisyunan na sa Tuesday ako pumasok, march 27..alam ko na medyo mahihirapan ako magpaclear nun kasi you know GRADUATION ng 07..so ang mga staff at teachers ay puntang graduation..hihihi..

Nung weekend pinaplano ko na yung paguunli ko..eh sakto naman na binigyan ako ng load na worth 20 pesos ni gabby so unli ako agad..hehe..thank you gabby..naks, acknowledgement ba..hehe..eh di unli na ako..todo usap kami ni purr wat tym kami meet chuchu..

Nung 26 mas todo prepare kami..syempre..kung uniform ba o civilian..grabe, sinabi ko pa kay purr yung color ng damit ko para aliw kami tignan..at binalaan ko siya na pag di siya maaga gumising at paghintayin na naman niya kami at tutuktukan ko na siya..(grabe, trademark ko na ata yung “tuktukan kita eh”..kasi ginagamit namin nila purr at timby yun eh masyado akong nadala..mas ginagamit ko siya)..kahit sa text..so ayun..napagplanuhan namin na before 8 ay nasa pisay na at sa labas ng guidance magkita.nako..

Grabe, ang tagal ni purr..sobra..730 nandun na ako..text ko si norman..nasa gazebo daw siya eh..sabi ko sa labas ng guidance usapan namin ni purr eh..tas daming nagdadaan na o7 so fill with hope ay makikita ko siya..yikee..kilig..kaso di talaga siya dumaan..ayan..

Nashock ako kasi biglang sumulpot si norman..touch ako at pinuntahan niya ako..joke lang..f na f ko naman na pinuntahan niya ako dun..so, ayun..may kasama na ako..kanina ko pa kasi gusto kunin yung clearance ng sampa sa registrar kaso I’m so shy.. nyak..hehe..ayun, di pa pala nagsign si mam sabanal..kaya I’m so sad..kala ko ok na at makakakuha na ako ng permit..di pa pala..so ayun..

Biglang dating si purr..buti na lang!ayun, eh dumating na si bawang so nagsama sila ni norman at naglaro ng chess malapit sa lib..kami ni purr, chika..tas biglang dumating si munar..eh di todo chika kami..bumaba kami kasi wala lang, trip kasi parang galing lahat ng o7 sa front..pagpunta dun, empty!wala man lang o7..sad..pero dun si jer at ang kanayang kapatid na gurl na si jera..joke, yun lang tawag namin..galing..eh di todo chika kami dun ni purr at moon-r..alis na si jer..bye..tas biglang nawawala ang clearance ng sampa!oh no!iniwan pala ni purr..well kasi si purr ang dakilang taga-bitbit ko..naiwan pala niya..so balik na naman kami..ayun..baba ulet kami at binigyan kami ni moon-r ng admission ticket sa graduation..yeah..dahil may clock naman sa front, dun na lang kami para matsempuhan ang tamang pagpunta sa gym..ayun nagbayad si tia ng funds at sinaynan ko clearance niya tas ayun chika ulet..grabe,,as in!

Alis na kami at punta na sa gym..chika muna tas nagmarch na sila..nung nagmarch si sir mardan at papa she, woohooo..nagcheer kami..kaso kami lang ang nagcheer so kahihiya..pero so wat?we love them..ayan, hunting sa mga tao..nalito kami sa order ng pagkakaarrange nila..random alphabetical ata..hihi..peace o7..

Nang matapos na ang march, upo na kami nina purr…nakahiwalay kami kina norman..ayan..

Medyo syempre di naman kami nakikinig sa mga speech..chika lang kami..nung tinawag na mga names nila, todo cheer kami para sa katox na o7…yeah..di namna kami nagcheer sa mga papa namin dahil baka mahalata kami..hehe..

Tapos ng grad, nanghunting kami ng mga hihingan ng grad pic..kaso wala eh..umikot-ikot pa kami sa field at nasunog ang aking skin kasi after nun todo namula..pero may nakita kaming plate number..hehe..so ayan..

Naglalakad kami sa field, nakasalubong namin si norman at si bawang…touch ako kay bawang kasi pinansin niya sintas ko tas sabi ko lang hayaan mo yan..kasi kanina ko pa gusto itali kaso ayaw tumigil sa kakalakad ni purr at munar so hayaan na lang yan..

Ayun, uwi na daw sila munar..tambay kami purr sa tapat ng grha..ayaw niya ako samahan kay javi at uwi na daw siya..pero syempre nagpaextend lang ako at nagchikahan..dapat kasi pink shirt niya kaso kakasuot lang daw niya nung pink na shirt niya na may pusa so violet na lang..chika..tas uwi na siya..tas nagremit na ako kay habibi..punta dorm, nood tv..punta ulet habibi..punta reg..dami ko ginawa..

Long story at umalis pa ako pisay para magpaxerox..

Basta ayun, ok na..may permit na ako at CLEARED NA AKO! Shox, sarap ng feeling..cleared na ako..yay!

Uwi na sana kaso may overtime si daddy kaya du muna ako sa opis..unli naman ako kaya di ako nabobored..kumain din ako mcdo at inutusan..hayaan mo na, aircon naman..

Uwi na pero kain daw kami sa labas..sa isang sizzlingan sumwer na nasa kalsada..grabe, dumi nila..di ganun kalinis..pero nevermind..so kain..grabe..DI MASARAP! Wala, as in lahat na nga kapintasan masasabi mo..pero di naman ako nagreklamo..dapat di nagrereklamo..dami nga na gutom sa mundo eh..”I once complained that I have no shoes, until I met a man who has no feet.” Di ba sobrang touching..haayyy..

Uwi sa bahay at natapos na ang unli..

Touch naman ako kay ichiro..

Kasi matatapos na unli ko..sabi ko, lapit na..sabi niya di na ba daw ako magunli ulet..sabi ko nde na muna kasi sunud-sunod akong nagunli..sabi niya basta paramdam daw ako pag unli na ulet ako..sabi ko touch naman ako dahil magunli siya pag unli ako..sabi niya di daw niya ako hinawakan..wahaha..tas sabi niya saya daw kasi ako katext..how touching!

Sige tapos na araw ko nun..

Tas sige enumerate ako ng mga touching moments..

Isa pa kay tintin..nagtext siya ng umaga..nagunli ako ng hapon..di na pala siya unli..so wrong tyming naman..biglang nagunli siya para sa akin..well I think para sa akin..touch talaga ako..

Isa naman kay purr..di siya unli pero kung itext niya ako para siyang unli..tas sabi ko nagsasayang siya ng load at bakit ayaw niya magunli..sabi niya “ayaw mo nun pinagaaksayahan kita ng load”..touch ako..

Isa pa..kasi busy ako..nagbye ako..tas nung nagtext ako sabi niya “kala ko ba may ginagawa ka” sabi ko bakit yaw ba niya ako makatext..tinatamad na ako..sabi niya “gusto kasu baka busy ka”

Touch naman..

Syempre la na toh..nagshare na lang ako..

Nung 25 kasi starstruck final judgment..wahaha..katext mo si ichiro at kuya paolo nun..ewan, weirdo ni kuya paolo nun kasi 1am plus na eh naghahalo-halo pa siya sa chowking..so ayan pareho kami nanonood ni ichiro ng starstruck..tas ayan..nanonood ako..grabe..dahil sponsor ng starstruck ang dutch mill, paulet-ulet ang bagong comersyal ng dutch mill..yung girl at boy..una sabi ko parang cute yung guy..sunod ang kyut ng hairstyle niya..sunod medyo cute siya..tas narealize ko ang cute niya..todo text ako kay timby..kaso di siya reply..kinabukasan, hapon yun..nagtext ako kay timby at finally napanood na niya at cute nga daw..grabe, pareho talaga ata kami ng taste buds ni purr ako at timby..siguro, medyo pareho lang..hehe..ayun may bagong naispotan na naman na kyut..haayyy..

Nung 26 nga nung grad kinuwento ko kay purr si dutch mill boy..as usual di pa niya napapanood dahil di masyado nood tv yun..so ayan..sabi naman ni moon-r, may taste naman ako dahil ok naman daw..di tulad nung isang TAO dyan na mas kyut pa daw si KALANSAY kesa kay BADING eh halata naman na malayo noh..grabe..we agree na mas matino si bading kay kalansay..haayyy..

Ang chaka ko talaga..dami ko at dami namin naiispotan na kyut..pareho ata utak namin ni timbang..

Dahil nung minsan na nagtext kami, napagusapan namin ang kung anu-ano..una ang kyut na taga-gokusen2 na si takeda at gokusen1 na si sawada..next si tsucchiya..tas kung sinu-sino na lang..napumapanget si prince na parang lumiliit ang mukha at na parang tumitino ang itsura ni mart..na nung nagkasakit si shawn ng yellow hankerchief ay tumino..tas ang ganda ni so seo no pero dada pa din forever..tas na ultimate na kyut si wallace huo..adik din si purr dun..tapos yung mga sinusubaybayan namin na telenovela..

Dati napapangitan ako kay justin ng pul house pero ngayon sabi ko nde na..

Tas sa endless love 1 kyut ni andrew..

Well, sa love storm at poor prince..

Tas na dati panget si takuya kimura pero ngayon nde na..

Na gwapo si warren ng all about eve..

Na may bagong kyut sa qtv sa love contract..

Tas yung sa mga anime pa..

Tas dami talaga namin shinashare na mga opinion na magkapareho..sa sobrang dami hirap enumerate..

Nako si purr adik yan mangstalk..natutunan niya tuloy na patience is a virtue kakastalk..sige bye na..sobrabg haba na ng post ko..4 pages verdana 12 sa word..este 5 na pla..sige bye..:D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: