churlaloo

Napagawi Ako sa Mababang Paaralan

on March 9, 2011

Napagawi Ako sa Mababang Paaralan

ni Lamberto E. Antonio

 

Napagawi ako sa mababang paaralan

Na dating karnabal ng kambing, baboy at kalabaw,

At dating kubeta ng ilang kababaryo

Pag bakasyon grande o Sabado’t Linggo.

Di na ito ang ilang tiwangwag na kuwartong may tapal

Na sawali’t atip na kugong butas-butas, na ang klaseng

Nagdidiskas ng Pepe en Pilar at gudmaners

Ay tanaw na tanaw ng mga sabungerong naglalakad.

Ngayon, may arko nang bakal at alambre ang geyt;

May bakod na pader, magarang plagpol, entablado’t

Basketbolkort na kinauukitan ng nagdudumilat na

“Donated by Gov. Mokong delos Oros” at ng

“Alay nina Don at Doña Pilipito Palpatok.”

Sa sementadong saydwok, sa pasimano’t haligi ng munting pasilyo

At ibabang panig ng kongkretong dingding, kundi nakapila

Ay nagsisiksikan ang mga pangalang karamiha’y

Patrong taga-ibang bayan: ilan dito’y mga nakaklaseng

Kabisote, mapangopya, tugain, nakalasprend o naiihi

Sa salawal sa pagkuha ng test—

Kundi may DR. o ENGR., may ATTY.

Bawat pinto, may karatula ng ngalan ng guro—

Narito pa rin si Mrs. Monay na mahilig manghinuli,

Si Mr. Pangan na laging ngumangata ng babolgam.

Sa likod ng gusali, ang marikotitos na letering

Ng pagdiskarte sa babae’y nabasa ko sa haligi ng wari’y

Narseri; sa mga puno ng papayang bunga ay tambulukan;

Sa tambak ng retasong mga tablang may bakas ng anay.

Komo nabakante ako sa pandadayuhan bilang karpintero,

Naawitan akong gumawi sa mababang paaralang

Nagpautang sa akin noon ng musmos na karanasan;

Kasama ang aking martilyo, lagari’t radela’y nagpaunlak ako:

Wika nga’y ito lang ang kaya kong paraan ng paglingon

Sa pinanggalingan (na di ko napuspos nang mahinto ako’t

Maulila sa mga magulang). Gumawi ako

Rito para atipan at palitadahan ang mga komportrum,

Dahil nakabingit na naman ang pasukan—at para maiyukit ko,

Kahit papa’no, ang aking pangalan.

 

(mula sa Hagkis ng Talahib; inilathala ng Aklat Peskador, 1980)

About these ads

22 responses to “Napagawi Ako sa Mababang Paaralan

  1. glaidale ann says:

    tanx very much…………….

  2. lenlan says:

    maganda ang pagkagawa

    • ecovenus says:

      nabasa mo na ba yan? kong ganoon, pwede mo bang ibahagi sa amin lahat kong ano ang natutunan mo sa kwentong iyon?

      • Jella says:

        Yung tula po parang may gustong ipahiwatig na mensahe..

        tungkol po sya sa isang karpintero na d nakapagtapos ng pagaaral kaya ang gagawin na lang niya ay tulangan ang paaralan n sa kahit papaano makilala siya bilang karpintero..

  3. ang ganda ng tula parang totoong nangyari na ito sa buhay ng isang tao????

  4. 09396216968 says:

    anong ibig sabihin ng napagawi,tiwangwang,tapal,sawalit,kinauukitan,nagdudumilat.pasimano’t,ngumanguta,naawitan,gumawi,

  5. julio says:

    bat parang hindi maintindihan iln ba tauhan d 2

  6. BHOXZXIIMHALDITA says:

    AN SABI

  7. jhenalyn says:

    napakaganda po ng story na ito

  8. estudyante siguro ang nagsasalita dito o sa ingles persona

  9. magaling ang nag basa rito at sumlat ang galiiiiing??????????*******

  10. cris cao says:

    anong mensahe ng tula….plz…..paki sagot..homework nmin un e….

  11. june17 says:

    anong ibg sbihin ng atip,radela,tugain,napuspos at patrong

  12. jason says:

    ung kahulugan ng marikotitos???? >>>pki sagot naman homework ko 2 eh,,hehehhe

  13. inna says:

    ano ang balak gagawin ng karpintero sa huli

  14. may tanong ako syo:

    1.sino ang nagsasalita sa tula?
    2.bakit siya napagawi sa mababang paaralan?
    3.anu ano ang mga naalala niya sa kanyang pagbabalik?
    4.ano ang pagbabagong napansin?
    5.ano ang balak gawin ng karpintero sa huli?

  15. jeramieplatil says:

    ang ganda pround ako sa mababang paaralan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: