churlaloo

Sa Tabi Ng Dagat ni Ildefonso Santos

on January 10, 2011

Sa Tabi Ng Dagat

Ildefonso Santos


Marahang-marahang

manaog ka, irog, at kata’y lalakad,

maglulunoy katang

payapang-payapa sa tabi ng dagat;

di na kailangang

sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,

ang daliring garing

at sakong na wari’y kinuyom ng rosas!

 

Manunulay kata,

habang maaga pa, sa isang pilapil

na nalalatagan

ng damong may luha ng mga bituin;

patiyad na tayo

ay maghahabulang simbilis ng hangin,

ngunit walang ingay,

hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

 

Pagdating sa tubig,

mapapaurong kang parang nangingimi,

gaganyakin kita

sa nangaroroong mga lamang-lati;

doon ay may tahong,

talaba’t halaang kabigha-bighani,

hindi kaya natin

mapuno ang buslo bago tumanghali?

 

Pagdadapithapon,

kata’y magbabalik sa pinanggalingan,

sugatan ang paa

at sunog ang balat sa sikat ng araw…

Talagang ganoon:

Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,

lahat, pati puso

ay naaagnas ding marahang-marahan…

 

Bakit ko ‘to pinost? Kasi paborito namin ni Sarah yung huling tatlong taludtod. Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan.

Tinatamad ako isulat yung ibig sabihin ng tula. At tsaka hindi rin naman ako sigurado kung paano ko ipapaliwanag kasi iilang parte lang ng tula yung tinalakay namin. Kaya yung mga naghahanap ng analysis, wala dito nun! Haha! Pero pwede ko ring idagdag pag sinipag na. Tignan na lang natin!

About these ads

106 responses to “Sa Tabi Ng Dagat ni Ildefonso Santos

  1. ruth joy says:

    tnx po! in need po tnx po talaga!

    GOD BLESS:)

  2. Kurt Russel V. Perez says:

    pwede po bang paki lagay ng mga matatalinhagang salita sa ibaba?
    kasi po yan ang aming tinatalakay.
    salamat po.

    • whoopeeyoo says:

      Iba-iba kasi ang interpretasyon sa tulang ito. Nasa iyo naman iyan. Sa diskusyon namin, sinabi na hindi daw tradisyonal ang paksa ng tula sapagkat hindi wagas ang pag-ibig na tinutukoy sa tulang ito. Ngunit sa dulo daw ay sinabihan na naaagnas na ang puso. Ang tradisyunal na pag-ibig ay yung panghabambuhay at wagas, pero dito parang naagnas ang puso ng lalaking nagsasalita. May isa pang analysis ang guro ko.

      Ang sabi naman ng guro ko, sekswal daw ang pinahihiwatig ng tulang ito. Susubukin kong ipaliwanag bawat taludtod o kaya naman bawat saknong.

      Marahang-marahang
      manaog ka, irog, at kata’y lalakad, <–dahan-dahan daw bumaba kaya baka ibig sabihin tumatakas sa bahay]
      maglulunoy katang
      payapang-payapa sa tabi ng dagat; <–magkasama silang dalawa sa tabi ng dagat, malamang ay sa naglalakad]
      di na kailangang
      sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
      ang daliring garing
      at sakong na wari’y kinuyom ng rosas! <–Huling tatlong taludtod: mayaman ang babae dahil balat-sibuyas ang paa at mapula ang sakong. Ibig sabihin, maputi at naiingatan.]

      Manunulay kata,
      habang maaga pa, sa isang pilapil
      na nalalatagan
      ng damong may luha ng mga bituin; <–Dito magtatalik na sila. Nasa damuhan lang sila at madaling araw pa lang kasi basa pa ang damo ng luha ng mga bituin aka may hamog pa.]
      patiyad na tayo
      ay maghahabulang simbilis ng hangin,
      ngunit walang ingay,
      hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…<–Dito, nagtatalik na daw sila tapos wala daw ingay hanggang maabot na iyong rurok. Yung tiping buhangin dun iyong buhangin kapag bumaba na yung alon sa dagat. Parang ang analohiya dito, yung hangin di ba nagdadala ng alon tapos parang ayun habang nagtatalik sila, palapit nang palapit hanggang sa climax, which is iyong tiping buhangin.]

      Pagdating sa tubig,
      mapapaurong kang parang nangingimi, <–pagkatapos nung rurok ng kanilang pagtatalik, mangingimi daw iyong babae. Ang ibig sabihin ng ngimi parang hiya pero sa kontekstong ito, parang iyong relapse after ng rurok.]
      gaganyakin kita
      sa nangaroroong mga lamang-lati;
      doon ay may tahong,
      talaba’t halaang kabigha-bighani, <–sabi ng propesor ko, phallic symbols daw ang tahong at talaba ng female parts kaya sekswal daw talaga ito.]
      hindi kaya natin
      mapuno ang buslo bago tumanghali?

      Pagdadapithapon,
      kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
      sugatan ang paa
      at sunog ang balat sa sikat ng araw…
      Talagang ganoon:
      Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
      lahat, pati puso
      ay naaagnas ding marahang-marahan…

      <–Sa hapon daw, ibabalik na si babae sa kanyang pinanggalingan, sa bahay nya. Sugatan ang paa at sunog ang balat, kasi naman kayo ba naman buong araw sa damuhan di ba. Pero sa dulo, malalaman natin na hindi na mahal ng lalaki ang babae. Yan ay kung minahal nya ba talaga ang babae. Sa huli ay pawang sex na lang ang habol nya.

      Kurt Russel, college na kasi ako. At multiple Palanca award winner iyong prof ko na tumalakay nito kaya baka exagg na ang analysis nya. Pero kung high school ka lang, hindi mo naman ata iyan pwedeng talakayin sa klase na ganyang level, may nahanap kong ibang analysis. Tungkol daw ito sa life cycle o kaya sa pag-ibig.

      Sa simula daw mag-nobyo at nobya na mahal ang isa’t isa. Tapos sa pangalawang saknong, mag-asawa na. Sa pangatlo, may mga anak na (tahong, talaba, etc) tapos sa dulo, kahit mag-asawa na, nawawala din ang pag-ibig. Na kung di aalagaan daw, pwedeng maagnas ang pag-ibig. Na hindi sila naghihiwalay, malamang dahil sa respeto o dahil sa mga anak sila, same routine lang pero sa totoo lang, naagnas na ang pag-ibig para sa isa’t isa.

      Yung analysis naman na buhay ng tao, sa simula daw bata pa. Tas sa dulo, madami na napagdaanan kaya sugatan na iyong paa at sunog na ang balat.

      Siguro mas child-friendly iyong sinabi nilang analysis. Dito ko pala nakuha http://kreyziforyou.multiply.com/journal/item/81/sa_tabi_ng_dagat_ni_ildefonso_santos tsaka dito http://khuletzslapshock31.blogspot.com/2008/12/sa-tabi-ng-dagat-ni-ildefonso-santos.html

      Pero kung college ka na naman, mas groundbreaking na analysis yung sinabi ko di ba? Haha!

      Ang haba na ng sagot ko. Sana nakatulong! :D

  3. christine simogan says:

    salamat xah nag post //.,;’

  4. aaaaaa says:

    ano po ang naging reaksyon nyo nung mbasa nyo ang tula?????? pls. ans……. proj.. po kasi…..

    • whoopeeyoo says:

      Bakit reaksyon ko ang tinatanong mo? Kung project mo iyan, dapat reaksyon mo din. Hindi naman pala pinapahanap iyong ibig sabihin ng tula sa iyo, reaksyon lang, bakit reaksyon ko pa ang ilalagay mo sa project mo? Lahat tayo, sa isang punto ng buhay natin, pinapag-analyze ng isang tula at gumagawa tayo ng paper kaya gawin mo ang parte mo. Haha!

      Basahin mo ulit ang tula, hanapin mo ano reaksyon mo. Iyon ang isulat mo sa project mo. Mas maisusulat mo iyon kasi sarili mo yun kesa tatanungin mo ako ano reaksyon ko, eh hindi naman ako ikaw, paano mo ma-e-explain ang naramdaman ko. :D

      HIndi ako mataray pero iyong comment mo kasi medyo demanding. Sana tinanong mo na lang ako ano reaksyon ko at di mo na sinabi na para sa project, siguro sinagot kita nang napakahabang reaksyon ko sa tula.

      Muli, kung hindi mo maintindihan iyong tula, inexplain ko na sa isang comment iyong ibig sabihin, madaming interpretasyon pa nga. Ngayon, basahin mo nang paulit-ulit iyong tula, at kung anuman ang maramdaman mo, kahit napakaliit lang, isulat mo. Ilagay mo ang sarili mo doon sa babae sa storya, dun sa lalaki sa storya, sa persona. Anong naramdaman mo? Ayan na ha, tips para malaman mo ano ba dapat ang naramdaman mo matapos basahin ang tula. Tapos iyon ang isulat mo. Maganda pa kung sa project mo sabihin mo, “kung ilalagay ko ang sarili ko sa posisyon ng persona, ito marahil ang mararamdaman ko”. Pakiramdam ko tataas grade mo kasi di lang sarili mo pinakiramdaman mo, pati iyong mga karakter.

      Basta ako, ang ganda lang talaga nung dulo.

      Good luck sa iyong project! :D

  5. bkt ung ibang teacher ang cnasbi tungkol daw ito sa mga problemang dumarating sa buhay ng tao?

  6. mae says:

    hahahah! amazing!! college ako kailangan ko ito~

  7. gamovastolava_dave says:

    well elaborated and expressed- You have a very good sense of interpreting themes of poems…

  8. salamat sa lahat ng ito..
    mwah mwah tsup tsup.. !!

  9. tangcalagan says:

    talagang nasa mambabasa ang desisyon kung paano nila ito iintindihin ngunit kung ikaw ay guro kinakailagan na isaalang-alang mo rin ang edad ng iyong mga mag-aaral

  10. micahsarte says:

    sa anong saknong at taludtod po matatagpuan ang partikular na idad ng babae? pkisagot po thankyou (:

  11. princessLaycs22 says:

    anu po b ibg svhin ng bwat sknong o tludtod???

  12. carry says:

    ..TNX A A LOT PO nakatulog po tlaga kayo:)))

  13. faralyn says:

    anu po ang ibig sabihin yong nasa huling saknong ang sabi “talagang ganoon: sa dagat man,irog,ng kaligayahan,lahat pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan…” pls. lang po pkisagot kasi assignment namin,

  14. yan din po tinatalakay namnin ngaun haiiiiiiiiiiii !!!!!!!!!!

  15. thankss po za info. laki po ng naitulong nito xa report namin :)

  16. kent ryan norcio says:

    thanks po ng marami kahit walang analysis… :)) tnx tnx tnx.. !!!

  17. khaikhai says:

    Ano po bang ibigsabihin ng “KINUYOM”?

  18. sinu po ung nagsasalita sa bawat saknong? lalaki ba o babae?
    merun po kc kmng dula dulaan ee.

  19. lordian caron says:

    Thanks po :))
    Nakatulong :**

  20. anu ung mga matatalinhagang salita d2 ? :) pasagot namn oh. :) tnx .

  21. ritchie says:

    ganda po .. tska ko lang nalaman ang meaning ng bawat saknong … ^_^ salamat po at may sagot na ako sa assignment ko sa filipino… thank;s alot po !! ^_^

  22. Cei T. says:

    This really helped! :)

  23. roniele says:

    thanks po sa help.!

  24. harold says:

    nakakatulong tlga

  25. jerish says:

    salamat sa lht …nkatulong po ito …
    …:)))))

  26. ced says:

    ano pong language ung ginamit po sa tulang ito?

  27. ced says:

    ano pong language ung ginamit po sa tulang ito? ilocano ba?

  28. Wew! Naguguluhan ako, iba-iba nag intepretasyon natin. Mabuti na lang at nakatulong ng malaki ang mga comments niyo. Nabuo-buo ko ang aking mga inalyze. Salamat!

  29. peladas nel says:

    salamat po malaking tulong po ito,..

  30. ano po ba ang ibang ideya para sa saknong na,sunog ang balat sa sikat ng araw,?
    sa dagat man,irog ng kaligayahan lahat pati puso naagnas ding marahang marahan?
    yong literal po na meaning sa buhay pag ibig?…..

  31. apple says:

    ano ang bisang pangkaisipan sa iyo ng akdang “Sa Tabi ng dagat”? bisang pandamdamin?

  32. jing jing says:

    mali pala pagkaindi ko? hehe, ang hirap namn kasi intndihin eh . thanks sa blog natu. HELPMUCH!

  33. ^_^ :) :D :P says:

    patulong naman !! anu ba meaning ng ikatlong saknong ??

  34. Marc says:

    Wow ang da talaga

  35. salamat po sa lahat.. Naka intindi ako ng mabuti….. God will always care and bless you… (baby ko)

  36. thei says:

    anu ang aral??

  37. jovanie says:

    maganda ang pagbibigay paliwanag sa naturang tula. seguro may pinahuhugutan ng lakas kaya nabuo ng pagsusuri sa tulang nakasulat. Sana hindi lang sa tulang ito kundi ang iba din ng tula.

  38. junrey saliot says:

    salamat sa tula nakatutulong tlga sa aming mga estudyante……………..?

  39. rechelle anne says:

    ano ang knyang kahilingan? pasagot nga po thanks.

  40. rechelle anne says:

    paano niya inilarawan ang babae sa tula?

  41. rechelle anne says:

    paano niya napapayag ang babae na sumama sa kanya?

  42. rechelle anne says:

    makatotohanan ba ang sinabi ng lalaki sa huling saknong ng tula?

  43. rechelle anne says:

    pakisagot aman

  44. michael says:

    thank you po ! nkatulong ito sa amin presentasyon

  45. carlito says:

    pwede po b pabigay ung mga damdamin n naghahari s bwat saknong ….
    meron n po kc aq kso dipa po sure ///pls po ….

  46. carlito says:

    pls lng po…………

  47. anna mariel says:

    para sa akin ito ang pag ibig ng isang lalaking handang gawin ang lahat para lang sa minamahal…………………kanya kanyang opinyon nman po yan kung ano ang pag kakaintindi nio yun na po ang isulat nio

  48. arshid says:

    marami akung natutunan dito

  49. arshid says:

    harharharhar subrang makakarelate ung tula

  50. CHENCY GRACE says:

    ANO PO BA ANG ARAL NA MAKUKUHA DYAN? PAKISAGOT NAMAN .IUULAT KO NA TO BUKAS. AT ANU-ANO PO BA ANG MGA MATATALINGHAGANG SALITA SA KWENTO/

  51. solzftlourdette says:

    salamat sa nag popost nito,nakakatulong to sa aking reporting..

  52. CanThisBeLove? says:

    Wow! maraming thank you po dito.. haha.. may takda po kasi ako eh.. about tayutay po and napadpad ako dito.. well thanks may nadagdag sa kaalaman ko :)) laking tulong po nito :D God bless po :)

  53. arshid says:

    ang tulang sa tabi ng dagat marami akung natutunan opssssssssss

  54. arshid says:

    salamat po sa mahalagang impormasyon na nakukuha ko sa tulang sa tabi ng dagat hindi aku nahihirapan jemjema;;;;;;;;;;;;;;;;

  55. karlo says:

    ilang saknong sukat at talutod ang tula?

    ;) plzzzzzzzzzz sagutin nyo po…………….

  56. joshua says:

    ilan po ba ang sukat sa bawat taludtod sa tulang sa tabi ng dagat

  57. mk says:

    wla po bang kahulugan po o ibig ipahiwatig po ng tula

  58. tnk you sa. pag tulong muh sa project kuh kasi ang iba jan kung mka asta ? kung sino pang pinaka magaling sa filipino …. “buelta kuh sa yuh teh … cguro pang8 kah … magtatanong ka pa eh ang ugali muh hndi n makain ng aso ..” hndi yung pangalawa kundi yung una na nag pasabog ng kanyang comment :((
    tnk you tlga huh :P

  59. Reece Buton says:

    Ano po ang ibig sabihin ng bawat saknong ng Tulang ito ? PLEASE po , kailangan ko na talaga eh , bukas na kami mag re-report , pero wala pa po ako kahit isa . :(

  60. lyN-NAd'z=36 & JES-LYN says:

    Thank you>>>>>>>>>:::::::: * *

  61. lyN-NAd'z=36 & JES-LYN says:

    thank you sa lahat…

  62. kenneth rillon says:

    anu po ang nais ipahiwatig ng tulang ito sa inyu?

  63. sven says:

    wla po bang ikalawang bahagi ito??

  64. Carlo narte says:

    Ok lang yan pareho nga tayo eh…haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: